Benjamin's Pov
"Bye, Mom. Ako na lang po ang mag-didrive pauwi. Pasok na po ako." paalam ko kay Mom nung hinatid nya ko sa school.
"O sige, anak. Be good at school, okay?" nag-drive na nga sya pauwi.
Naglalakad na lang ako sa Garden Entrance Gate. Peaceful at tahimik kasi dito. At mahilig kasi ako sa flowers. Hindi ako bading pero mayroon kasi kaming Flower Shop. Tinutulungan ko si Mom sa Shop na yun.
"Mr. Benjamin, tawag po kayo ni Mrs. Principal. Important Issue daw po." sabi sakin nung babae.
"Sige, thank you, Jane." sabi ko at pumunta sa Principal's Room.
"Mr. Benjamin Andrews, I will assign you para gabayan ang isang student dito na bulag. She is Samantha Hulleza. You will guide her through her studies. At para madagdagan yung Extra- Curricullars mo. You will start today. Inilagay na kita sa First Section dahil highest section si Ms. Hulleza." pag- explain ni Mrs. Jackilyn sakin.
"Opo. I will do that. As soon as possible po." sagot ko.
Hinintay ko sa may bench kung sino ba yung babaeng bulag na gagabayan ko. It's really a job for me. Hinintay ko sya sa bench.
"O, Samantha. Hintayin natin dito yung mag-aassist sayo ha."
May umupong dalawang babae sa kabilang bench. Medyo malapit sakin na bench.
"Umm... Excuse me. Kayo po ba si Samantha Hulleza? Yung blind girl na i-aassist ko?" tanong ko sa babae.
"Ako nga pala si Divina Santos. Bestfriend ni Samantha. Oo, si Samantha ito. Ikaw ba yung i-nasign?" tanong nung isang babae sakin.
Tumayo ako at lumapit sa kanilang mga babae. Naki- upo na rin ako sa bench na inuupuan nila.
"Ako si Benjamin Andrews. Sige, ako nang bahala kay Samantha Hulleza. You may go to your class." sabi ko.
"O sige. Thank you." umalis na si Divina.
"So, ikaw si Benjamin?" tanong ni Samantha sakin. Hindi alam ni Samantha kung nasaan ako.
"Oo naman. O tara. Pasok na tayo sa room. Halika, alalayan kita pataas."
Hinawakan ko ng kaliwang kamay ang balikat ni Samantha. At ang kanang kamay ko ang pinanghawak ko sa kamay nya.
"O, dito na lang tayo sa harap para marinig mo yung sinasabi ni teacher." pinaupo ko sya sa tabi ko sa harap.
"Ayun din yung sabi sakin ni Divina. Malamig daw kasi ng aircon sa likod." sagot nya.
Sabay kaming nag- lunch at nag- aral. Sinundo sya nung Tita Kath nya after school.
"Salamat, Benj ha. Bukas sana hindi la maabala." sabi nung Tita nya.
"Okay lang po." sabi ko.
Bukas ulit. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Sya lang kasi yung pinaka- mahinhin na babaeng nakilala ko.
Nakauwi na ko.
"Madam, wag nyo pong ituloy yan!!!"
"NAMATAY NA ANG ASAWA KO!!! PATAY NA ANG TATAY NI BENJ!!! WALA NA KONG RASON MABUHAY!!!"
"Mam, wag na po kayong magpakamatay. Ibaba nyo po yung gunting at cutter. Mam, kawawa po si Benj at kawawa din po kaming mga yaya nyo dahil wala pa ang aming 13th month pay."
"Mama, tama na yan! Bumaba ka! Wag kang magpakamatay! Kumalma ka, Mama!" sigaw ko. Hindi ko mapigilang umiyak.
Niyakap ako ni Mama. Nahulog kami sa sahig.
"Sorry, anak. Hindi ko mapigilang maging baliw. Sorry, Benj." umiyak si Mommy.
Mayaman nga kami, eto naman ang mahirap na sitwasyon ni Mama.
I need someone who could be my inspiration.....
BINABASA MO ANG
Heartbeats
De TodoMaaalala kita kahit na bulag ako. Ano mang mangyari, walang makakapag-hiwalay satin. Darating din ang araw na makikita ko ang tunay mong anyo.