Samantha's Pov
At last, nakakita na ko. Nakwento sakin ni Divina ang nangyari. At nalulungkot ako sa pagkamatay ni Tita Bea. Pero nakikita ko na ang mundo ngayon. Ang saya sa pakiramdam.
"Pabayaan muna natin si Benj. Alam mo naman. Namatay yung nanay nya. Pero masaya ako na nakikita mo ang pinaka magandang tita sa buong mundo." sabi sakin ni Tita Kath habang tinutulak ang wheelchair ko.
"Ay syempre, di rin naman kasi padadaig yung pinaka magandang mong bestfriend, diba?" sabay pamewang ni Divina.
"Oo na. Tama na. Kung gusto nyo, kayo na yung Miss Universe." sabat ko para matapos na yung away nila.
Nakarating kaming ospital. Kinabukasan kasi ay uuwi na kami. Excited na kong umuwi at pumasok ng Campus. Ay teka. Hindi na pala ako aalalayan ni Benj. Last na yun. Makausap nga.
"Tita, pwede po bang matawagan si Benj? May number po ba kayo ni Benj? Kakamustahin ko lang po." pagpapaalam ko kay Tita Kath habang nag aayos ng mga gamit.
"Ay, sige. O cellphone ko. Teka..... eto o. Nag riring na. Sa bahay turuan kitang magbasa."
"Hello?" sabi ko ng sobrang hina.
{Hello, Tita Kath? Ay, invited nga po pala kayo ni Divina sa burol ni Mama. Alam nyo naman po yung address ng Mansion namin. Bukas po pwede kayong pumunta.}
"Ummm, Benj bakit.....??"
*Toot Toot*
Binaba nya agad. Nakapagtataka kasi hindi nya ko sinama. O baka naman kasama talaga ako.
"Tita, sabi po ni Benj punta daw po tayo bukas sa Mansion nila dahil burol daw po ni Tita Bea." malumanay kong sagot.
"Malungkot ka ata, Bes. Bakit ka nakasimangot dyan ha? Natawagan mo na nga si Crush, diba? Edi sana mas natuwa ka pa, diba?" sagot ni Divina sakin habang nakatingin.
"Kasi si Benj. Binanggit nya lang na pangalan na imbitado ay ikaw Divina at Tita Kath. Bakit ako hindi kasama sa mga binanggit nya?" mas malungkot kong sagot.
Lumapit at umupo sa tabi ko sa kama ko si Tita Kath. Niyakap nya ako ng pa side. At pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.
"Alam mo, wag mo nang alalahanin yun. I'm sure naman na invited ka diba? At magkaibigan kayo kaya kailangan ni Benj ng tunay na kaibigan na dadamayan sya. O matulog ka na para mas maaga tayo na makapunta don sa Mansion."
Fast Forward...
Kinabukasan...Agad akong nagising. Naka wheelchair parin ako palabas ng ospital. Sinakay ako sa kotse nila Tita. Ang nasa Driver's Seat ay si Divina. Ang katabi ni Divina ay si Tita Kath. At syempre ako ay nasa likod nila.
Habang nasa daan, may mga naririnig akong kalaskas sa labas ng kotse.
"Divina, may mali ba sa pag mamaneho mo? Parang may kalaskas kasi eh." tanong ko.
"Wala naman eh. O basta matulog ka muna para masorpresa ka sa bahay." sagot ni Divina.
Matutulog na sana ako nang...
"Kumapit kayo!!! Mukhang may mali sa makina!!! At flat pa ang gulong!!!" sigaw ni Divina sa harap.
Feeling ko tuloy parang gume gewang gewang yung kotse namin. Anong nagyayare? Parang ride lang sa Amusement Park. Pero gusto ko nang masuka.
At hanggang sa..... nabunggo namin ang puno sa road side. Ako nauntog lang ng sobrang lakas sa likod na upuan ni Divina. Nahulog ako sa kinauupuan ko. Bago ko pa maisara ang aking mga mata ay nakita ko si Divina na duguan na natamaan sa manibela. Si Tita Kath naman ay nauntog din sa harap nya at may mga bubog sa mukha at katawan.....
Benj's Pov
After ilang hours ay natapos na rin ang paghahanda sa burol ni Mama. Habang naasikaso ko na ang mga bisita, hinihintay ko na lang sila Tita Kath at Divina. Lumabas muna ako at nag cellphone para makakita ng updates.
Ay eto maganda News. As in LATEST NEWS. Anong nagyari?
"Kasalukuyan po tayong nandito sa Road 285 at nakuha na nga ng Rescue Team ang kotse na nag crash sa isang puno sa Road Side. Kinikilala ang tatlong babae na nasa loob ng kotse. Ang dalawa ay patay at ang isa ay sugatan lamang. Alamin ang iba pang updates mamaya lamang para malaman kung sino sino ang naaksidente."
Nung nakita ko yung video, para sina...
TITA KATH
DIVINA AT
SAMANTHA!!!
BINABASA MO ANG
Heartbeats
RandomMaaalala kita kahit na bulag ako. Ano mang mangyari, walang makakapag-hiwalay satin. Darating din ang araw na makikita ko ang tunay mong anyo.