Chapter 2: She is acting weird

4K 72 0
                                    

biglang bumilis ang tibok ng puso ko, sandaling nanahimik ang paligid na kanina'y binabalot ng ingay ng mga naghihiyawan at nagkukumpulang babae sakanya.

Ganun parin ang kanyang itsura, masasabi kong mas gumwapo sya...
at mas naging maskulado ang kaniyang katawan.

Hindi parin sya nagbabago.
Andun parin yung head turner na dating nya.

hindi ko maiwasang titigan sya, Masyadong magical ang tagpong ito, ang weirdo.
agad akong nabalik sa wisyo ng bahagya akong yugyugin ni Kleise.

"beshie, ano ba kanina pako salita ng salita dito. okay ka lang ba?" halata sa boses nya ang pagaalala.

"O-o naman bakit hindi? bilisan na natin turn right kleise." pagmamadali kong sabi sakanya. hindi kame maaring dumaan kung asaan si ricci.

"teka, hindi naman dyan ang daan sa room natin ah. atsaka sino yung pinagkakaguluhan dun? Gwapo ba yun? come on loyre! tignan natin!" halata mo ang saya sakanyang mga mata, kung may isang bagay na hindi maalis kay kleise. yun ata ang hilig nya sa mga gwapong lalake, sino nga naman ba ang ayaw dito?

"No kleise, wag na tayong makisama dun and besides we're running late!" We still have 15 minutes bago magstart ang klase, ginamit ko lang yun para matigilan sya at makaiwas kame kay Rivero. Hindi pa eto ang tamang panahon.

"pero loyre meron pa--"

"we need to go kleise, please." eto lang ang natatanging paraan. alam kong magkakasalubong kame dito lalo na't sikat na sya, at pareho pang school ang pinapasukan namin. pero hindi, masyado pang maaga para magtagpo tayong muli rivero hindi pa ako handa.

After 5 minutes, nakarating narin kame ni kleise sa room. May mangilan ngilan na ring tao sa loob neto agad kameng humanap ng bakanteng upuan. nasaktuhang may dalawang bakanteng upuan sa bandang gilid ng silid na ito. napagpasyahan naming doon nalang umupo.

nagsimula na ang klase, nagpakilala ang bawat isa. Unang taon namin itong lahat sa pagiging kolehiyo.

*kringggggg*
"class dismiss." agad nagtayuan ang mga studyante at naglabasan.

nakaramdam naman ako ng gutom, dala nga ng di kame nakapag breakfast ni kleise dahil sa kanyang pagmamadali makapasok. napagpasyahan kong ayain sya.

"Kleise, kain tayo? nagugutom na ako."

"Okay beshie, Akala ko eh wala kanang balak kumain. nagugutom narin ako at di naman tayo nakapagbreakfast." habang pababa kame ng hagdanan upang magtungo sa canteen, agad napukaw ang aking atensyon ng mga babaeng naghihiyawan. naamoy ko na ang presensya nya. at hindi ito magandang pangitain.

"Beshie wait! OH MY GOSH!!!!" Hiyaw naman ni kleise, paniguradong nakita nya ang pagdating ng buong basketball team, shoot! hindi maari.

"come on kleise libre ko na just please hurry up I'm starving!" gutom ako pero hindi lang ito ang dahilan ng pagpapabilis ko kay kleise samahan ako sa canteen, kilala ko na ang bestfriend ko at natitiyak ko na binabalak na netong lapitan ang team para makipagkilala. she got the looks, kaya't alam kong hindi sya iisnobin ng mga ito.

"Oh my gosh! wait loyre oh em geee! ang gwapoooo! come on loyre samahan mo ako sakanila!" shoot! ito na nga ba ang sinasabi ko. hindi hindi pwede to magisip ka loyre magisip ka! make a move!

"I'll be back kleise, I... I need to pee!"

"pero loy-" hindi ko na sya pinatapos at agad akong kumaripas ng takbo, ito nalang ang naisip kong idahilan kay Kleise para hindi ako makita ni rivero.

"damn it! dapat matagal ko ng pinaghandaan to, alam mo naman loyre diba makakasalubong mo sya anytime, pero eto ka parin. nagugulat kinakabahan natatakot!" sabi ko sa aking sarili habang nasa loob ako ng cr. makalipas ang ilang minuto nag ring ang phone ko.

*ringggggg* *ringggg*




kleise is calling...

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now