Chapter 9: Game time

2.7K 75 9
                                    

Days passed by, napapadalas ang pagalis ni kleise.

4 days na ang nakakalipas matapos ang party with the la salle basketball team.

I brushed my hair and put on a light makeup, I went down and surprisingly I saw kleise in the kitchen cooking.

"Oh finally you're here, loyre can you please help me." marahan nyang sabi, nakakapanibagong makita si kleise na sandok ang hawk at hindi makeup o paper bags ng mga kanyang napamili.

bahagya akong napatawa, "Ano ang nagudyok sa isang Kleise para humawak ng sandok? ipapatingin naba kita sa doctor?"

"psh, you're not helping beshie. can't you see I tried cooking!" nakapamewang pang sabi neto.

"ano ba kase yang niluto mo, Tapa?" pagbibiro ko ng makita ko ang tustadong pagkain na nakalagay sa pinggan.

"I hate you so much stephanie loyre, how dare you! Fish fillet to!" agad syang napa busangot.

"I woke up exactly 5 o'clock to cook this one, but it ended up this way..." kita sa mata nya ang inis at panghihinayang.

tinignan ko ang orasan na nakasabit sa ding ding namin 8:40, 3 hours and 40 minutes na syang naguluto? "come on kleise you know I'm just kidding right, okay lang yan and besides first time mo yan diba? practice makes perfect."

"But I don't think I can cook as well as you..."

"you don't have to cook like me, you can do it better than I can. cheer up! I'll help you." I guided her and give her the instructions, it took awhile for us to finish it.

"Oh my gosh beshie! I made it!" patalon talon pang sabi ni kleise, maaring napaka materialistic na tao ni kleise pero hindi padin mawawala saknya ang pagaappreciate sa maliiit na bagay.

I smiled as I look to her,"So who is this for?"

"for the man who caught my eye." para bang isang bituin ang mga mata ng aking bestfriend ngayon.

"who is the lucky guy?"

"not now beshie, siguro kapag sigurado nakong the feeling is mutual baka maudlot eh." Whoever He is, I swear he is lucky to have my bestfriend

matapos ang mala cooking show naming dalawa ni kleise, Agad akong umalis upang pumasok. nagpahatid ako sa driver namin tutal eh mas mauuna naman ang klase ko kesa kay kleise 10 ang klase ko samantalang sya naman ay 12.

everything went normal, andyan padin ang mga mangilang estudyanteng nagkwekwentuhan sa hallway, Mga couples sa bench sa labas ng building at mga nagaaral.

I went straight in the room, NSTP pala namin ngayon.

Lumipas ang mga oras at sa wakas natapos na ang subject na ito.

nililigpit ko na ang mga libro na dala ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si kleise pala.

"beshie, samahan mo akong manood mamaya ng game ng team ha? Ateneo vs. La Salle please"

dalawa sa pinaka aabangan na teams na maglaban.

Dalawa sa pinaka magagaling na universities in the Philippines.

I decided to reply back, "I believe I already said no last time kleise, I don't like to watch their game." I pressed send.

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now