Chapter 24: Unang gabi, batangas.

2.1K 67 9
                                    

Palubog na ang araw ng dumating si aling mameng sa bahay.

Magiliw na sinalubong ni lai lai ang kanyang lola.

Tumulog naman si ricci sa mga bitbitin ni aling mameng, may dala syang dahon ng saging, isda, kangkong at bagoong.

"Pasensya na kayo iha at iho, ngayon laang ako nauwi. Naging matrabaho kase ang pagsasaka."

"Nako wala po iyon, tulungan napo namin kayo ni ricci sa mga dala nyo."

Agad ngumiti si aling mameng, "salamat iha, lilinisin lang natin itong mga isdang binili ko ng maiihaw na at papakuluan lang ang kangkong. Batid kong nagugutom na kayo sa haba at pagod nyo sa inyong biyahe papunta rito."

Matapos ilapag ni ricci ang pinamili ay agad na kameng tumungo sa kusina nila lai lai, maliit at may kadiliman din dito tanging iisang lampara lamang ang nagbibigay ilaw sa bahay na ito.

"Pasensya na po aling mameng pero gusto ko lang po sanang tanungin kung, papaano po ang buhay ng walang kuryente at malayo sa kabihasnan? Hindi nyo po ba naisip na manirahan sa maynila?" Dali daling tanong ni ricci halatang nagulat ang matanda.

Kung ako ang tatanungin marahil hindi nga ako magtatagal sa ganto, kung bakasyon siguro oo pero napakalayo neto sa kinagisnan nating lahat. Walang wifi walang kuryente walang signal walang malalapit na mall o ano mang gusali.

Puno ng taniman bentahan ng iba't ibang mga isda buko at kung ano ano pa. Napaka lamig ng simoy ng hangin, napaka layo sa maynila na ating kinalakihan.

"Sa makatuwid anak, hindi ako naninirahan dito sa batangas noon..." pareho kameng nagulat ni ricci, "tiga maynila rin ako kagaya nyo, napadpad lamang ako dito ng minsang isama ako ng aking tiyahin para bumisita sa aming mga kamaganak dito."

"Paano po kayo nanirahan dito?" Hindi ko napigilang magtanong ang buong akala ko ay dito na tumanda si aling mameng.

"Alam nyo na..."

"Pagibig." Matawa tawa pa nitong sabi.

"Ng minsnag mapadpad ako dito inutusan ako ng tiyahin kong bumili ng buko sa palengke. Hindi sinasadyang manakawan ako, agad kong hinabol yung lalake syempre dahil malilintikan ako sa tiyahin ko. Ng bigla kong nakasalubong ang lolo nyo, inakala kong sya ang nagnakaw ng pitakang hawak hawak ko dahil kapareho ng kanyang suot ang naaninag kong kumuha. Nagkamabutihan kame, at pinangako kong babalikan ko sya sa tamang panahon. 5 taon ang inintay namin na puro lamang liham ng bawat isa ang kasama namin. 5 taon at bumalik ako sa batangas iniwana ng buhay na kinagisnan ko at sumama sa taong mahal ko.  At dun na nagsimula ang pagibig na hanggang ngayon ay kasama ko." Napangiti si aling mameng pagkatapos ay tinuloy na ang kanyang ginagawa.

"Hindi po ba kayo nagsisi? Na paano kung nagstay po kayo sa maynila?" Tanong ko.

"Hindi iha, sa pagibig ang lahat ay sugal. Mamimili ka lang, susugal ka o hindi ka iibig. Kaya ako, pinili kong sumugal. Hindi ko kakayaning makita ang taong mahal ko na magmahal ng iba kaya pinangako ko sa sarili kong babalikan ko sya. Kahit na napaka tagal ng limang taon pinangako kong babalik ako."

Bilib ako sa pagiibigan ni aling mame at ni lolo.

Sa panahon ngayon bilang nalang ang taong kaya kang hintayin kahit gaano pa katagal.

Yung taong magpaparamdam sayong special ka at magpapatunay na amy pagibig.

Salamat ricci, natagpuan kita.

RICCI'S POV

natapos na kaming kumain.

Malalim narin ang gabi, kailangan narin naming kumuha ng mangilang larawan o video para sa pinunta namin dito. Ang vlog o documentation.

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now