Chapter 4: Right beside you

3K 63 3
                                    

Stephanie Loyre pov.

"napatunganga nung bigla kitang makita pagkalipas ng mahabang panahon." 🎧

bumagal ang paligid... pero ang puso ko? hindi. ang bilis ng pagtibok neto, na para bang any moment eh lalabas na sya sa aking dibdib dahil hindi normal ang bilis neto kumapara sa nakasanayang tibok.

nasa harap kita ngayon.
nakatayo, nakatingin sa akin.

agad akong umiwas ng tingin.

"excuse me? Mr. Rivero, please be seated. you are disturbing my class." ramdam ang inis ni prof, hindi ko kase alam kung matagal na syang nakatayo hindi ko na napansin yun. ito nanaman ang kakaibang pakiramdam, nakalimutan ko nanaman ang mundo nung nakita kita. hindi, hindi maari rivero.

"I'm sorry sir." agad kang umupo sa tabi ko, nakita ko ang marahan mong pagsulyap pabalik sa akin.

"steph..." bulong mo.
hindi ko pinansin ang pagtawag mo, ikaw lang ang tumatawag sa akin nyan. ikaw lang.

"steph, Please I know you can hear me." I do, however I choose not to care about it. Dahil minsan mo naring ginawa sa akin yan hindi ba?

hindi ko na nahintay matapos ang law class, masyadong mahaba ang 2 oras para makasama at makatabi kita rivero, masyadong mahaba.

nagpasya akong magpaalam kay kleise, sabi ko hindi maganda ang aking pakiramdam at mauuna nakong umuwi.
nagpaalam din naman ako sa prof pumayag naman ito.

Nakaramdam ako ng parang may kung sino ang sumusunod sa akin, agad akong lumingon para makita kung sino iyon.

at sa paglingon ko, nakita kita...

"stop following me Rivero can you?" malamig kong sabi sayo. ngayon mo pako hinabol?

"wait steph ano ba let's talk." ano paba ang paguusapan natin? Ano paba ricci? eh matagal naman ng tapos.

patuloy lang aking paglalakad, sakto. nakita ko ang ilan sa mga schoolmates natin at alam kong ilan lang sila sa mga nagkakandarapa sayo.
kaya nakaisip ako agad ng magandang Idea, naglakad ako papalapit sakanila para naman makita ka nila at di mo na ko sundan pa.

"ricci!"
"oh my gosh babe!!!!"
"hala ricci!!!!"
"oh my gosh ricci papicture!"
samot saring hiyawan ang narinig ko. narinig ko din ang pagtawag mong paulit ulit sa pangalan ko hindi ko iyon pinansin.

agad akong nagtungo sa kung saan ako madalas pumunta, sa lumang park.

umupo ako dun habang pinagmamasdan ang dating kinatatayuan ng puno na lagi kong inuupuan.

ang dami ng nagbago sa lugar na ito...

di gaya dati na mapuno at maraming namamasyal.

Parang tayo lang pala ang park na ito...

parati akong nagagawi dito, kumbaga ito ang lugar kung saan ako naglalabas ng sama ng loob o nagiisip ng mga bagay bagay.

Alam kong magtatagpo tayong muli,
alam kong darating ang araw na makakasalubong nanaman kita...
hinanda ko na ang sarili ko para dito.
pero bakit ganun? parang, parang hindi parin sapat ang naging paghahanda ko?

mag gagabi napala, hindi ko pa sana mapapansin ang oras kung hindi tumunog ang cellphone ko.

nag text pala si kleise.

"nasaan kana beshie? akala ko ba nasa bahay ka lang kanina pa?" agad kong sinagot ang text ni kleise.

"bumili lang ako ng gamot, pauwi narin ako." nakakatawang isipin, bumili ng gamot? may gamot ba ang pusong nasaktan, at patuloy nanasasaktan?

bago pa man ako pumasok ng condo, sinabi ko agad sa sarili kong hindi maaring maramdaman ni kleise o malaman nyang may itinatago ako sakanya.

pagbukas ko palang ng pinto nakita ko kaagad si kleise na nag aayos ng kanyang mga pinamili.

"oh beshie kamusta kana? may masakit parin ba?" meron kleise, itong puso ko.

"wala naman na uminom narin ako ng gamot, namili ka?" kinailangan ko pang magsinungaling sayo kleise, hindi pa ito ang tamang panahon. patawad

"Oo, you know I need more clothes loyre. alam mo naman, I don't like the 'I have nothing to wear.' kinda feeling."

"bakit, naman biglaan ang pagbili mo? may pupuntahan kaba?"

"oo nga pala umuwi ka kase agad, kakaannounce lang sa school kanina na ang Basketball team ay may laban netong friday." kahit naman malaman ko pa yan, hindi parin ako manonood.

"oh I see, enjoy." casual kong sagot.

"don't tell me loyre na hindi ka manonood?"
ramdam ang pagtataka ni kleise.

"I won't."
maikli kong sagot, para saan ang panonood ko kung ang bawat shoot nya ay di naman para sa akin.

"are you kidding me stephani loyre?! Big event ang laban ng La Salle lagi!"
I know.

"watching sports like that isn't really my thing kleise."

no, I really do like basketball however. hindi ko gusto ang maglalaro, expected ng mananalo sila. magkaron ba naman sila ng isang teammate na mapaglaro di ba?

"you're acting weird beshie, it all started kanina nung pumasok tayo. ang swerte mo na nga teh! Ang kinababaliwan ng sanlibutan katabi mo! nako, sadly after you left, nagpaalam na din sya sa prof."

ang swerte ko nga naman no, isang ricci rivero na ang nakatabi ko. ang swerte swerte ko naman, dahil kada law class madudyrog ang puso ko. answete ko nga naman kleise.

"I'm just tired. magpapahinga muna ako kleise sa room ko okay?" buti nga ako nagpaalam na magpapahinga eh, eh yung isa jan? nagpaalam ba?

I need to calm myself at hindi pwedeng mahalata ni kleise or ng kahit sino ang lahat.

hindi pwedeng maramdaman ng riverong to na affected pako.

nagsisimula palang ang lahat.

pero gusto ko na agad tapusin.

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now