Chapter 10: Tagaytay Mi amore

2.5K 60 0
                                    

iginilid mo ang kotse pinatay ang makina.
at bahagya kang tumingin sa aking, naging hudyat din ito upang tumingin ako sayo.

"Walang bagay tungkol sayo na hindi interesting para sakin." lahad mo.

"At bakit ka ba interesado?" hindi ko napigilang itanong.

"gaya ng sabi ko, walang bagay sa iyo ang hindi interesting, kaya ako interesado."

peke akong tumawa, " ha ha ha, ano ba ang gusto mong marining rivero? yung kwento ba simula ng iniwan mo ko't niloko?"

napangisi ka, "Hindi kita iniwan at niloko, ikaw ang nangiwan."

"Dahil binigyan mo ko ng dahilan." agad kong sagot sayo.

tinanggal mo ang seatbelt sayo para makatagilid ka at makatingin ng lubusan sa akin. "Masyado pa tayong bata nun, May kung anong nagsasabi saking bata pa tayo marami pa tayong makikilala at gusto ko pang magenjoy."

hindi ko naiwasang mapasigaw,"Sa lakas ng sigaw kong mahal kita ang tanging narinig mo ay ang sigaw ng mundong nagsasabing magmamahal kapa ng iba. Kumapit ako ricci eh, kumapit ako. kase tangina mahal kita kase ang sabi mo tayo lang ang para sa isa't isa. nangako ka kase di ba sabi mo hindi mo ko iiwan? pero ano, mas pinili mong magmahal ng iba. ansakit sakit Kase nung mga panahong tayo pa nakikita kita as a person na nagpupush sakin para mas maging better person. pero ikaw? nakita mo ko bilang balakid sa pangarap mo hindi mo pala kayang magenjoy ng kasama ako..." unti unting tumulo ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigil, Taksil talaga ang mga ito sa akin kahit kelan.

hinawakan mo ang mukha ko at punahid ang luha sa aking mga matang bumababa sa aking pisngi.

agad kong tinanggal ang mga kamay mo,"hindi ko kailangan ng awa galing sayo ricci, exactly a year ago simula ng matapos ang tayo. Andami mong panahon para bumalik andami mong panahon para bumawi pero hindi, hindi ka bumalik at lalong di ka bumawi. Isang taon, isang taon nakong nagdurusa nadudurog at umaasa na baka mamaya baka bukas baka bumalik ka, pero tangina hindi. hindi ka bumalik ricci, never kang nagparamdam never kong naramdaman na nagsisi ka na sinaktan mo ko. ansakit lang, na nagmahal ka pa ng iba na kinaya mong magmahal ng iba. kase ako ricci? hindi eh, hindi ko kinayang magmahal ng iba maliban sayo kase gagaguhin ko ang sarili ko kapag sinabi kong meron akong natipuhan sa dami ng nanligaw at nakadate ko ricci..." patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko, antagal ko tong inipon. antagal kong ninais sabihin ang lahat ng to sakanya pero hindi never silang lumabas kapagka nagkakaron ako ng panahon. gusto ko syang saktan paulit ulit gaya ng ginawa nya sakin, pero hindi hindi ako ganun.

niyakap nya ko, pinilit kong kumalas pero hindi ko sya malabanan nanghihina narin ako sa pagiyak.

"nakakainis, kase alam ko na kahit gaano man ako kapursigidong lumakad palayo sa dating tayo, isang sorry mo lang. papatawarin na kita agad kase tangina mahal kita. bakit ba kase mahal kita, kaya naman kitang supportahan sa lahat lahat. i-ikaw l-lang ang inisip ko. ka-kabutihan mo lang kaya ako nag-ihigpit sayo noon..." hindi ko na alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob sabihin ang lahat ng ito, basta ang alam ko ansakit sakit na at kailangan ko ng pakawalan ang sakit.

hinagod mo ang likod ko, "mahal ko, pasensya na..." hindi na kita pinatapos pa ng makaipon ako ng lakas agad akong kumalas sa yakap mo.

"patawarin mo din ako ricci, dahil ngayon hindi ko na alam kung mapapatawad pa kita. ang tanging hiling ko sayo ricci, sana sana lumayo kana. wag mo nakong durugin paulit ulit pa."

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now