Chapter 22: First trip together

2.1K 53 4
                                    

Nagising ako ng may humalik sa noo ko, unti unti akong dumilat. Medyo malabo pa ang aking nga paningin pero sapat na ito upang malaman na si ricci ang katabi ko.
Napakagandang umaga, hindi kaya nanaginip lang ako?

'Hey babe, alam ko namang gwapo ako at nakakashock naman talagang pag gising mo may macho na lalakeng nasa harap mo pero huwag mo naman akong titigan na parang, gusto mo nakong kainin... babe naman ang aga aga palang oh gusto mo atang...' hindi ko na pinatapos si ricci, tuluyang nagising ang diwa ko, kahit kelan napaka pilyo. Ang aga aga pero... nako ricci!

'Ikaw, napaka hangin mong talaga. Sino namang nagsabing gwapo at macho ka? At sinong nagsabing may balak akong pagnasahan ka? In your face!' Bahagya akong nagmaldita kay ricci.

'Sus pakunware pa, eh sino kaya tong makalingkis sakin kagabi eh kakaiba. Sino kaya yung halos tanggalin na yung labi ko sa sobrang panggigigil? Sino kaya yung nakatulog ng yakap yakap ako na parang mawawala naman ako at may aagaw sakin? Hindi ko naman sasabihing ikaw yun steph. Hindi talaga.' Sabay ngumiti sya ng paloko.

Ang kapal talaga ng mukha kahit kelan.  Sya naman tong yumakap sakin kagabi ha atsaka hindi ko naman pinangigilan yung... aish! Oo na sige na, pero kase sino bang makakapagpigil sa isang labi ng rivero? Hindi ako.

Maaga kaming gumising, 4 palang ay inayos na namin ang mga gamit namin sa kotse ni ricci.

Hindi na namin naabutan si mommy abi at si tuto paulo dahil pumunta sila sa gym nila ricci.

Malayo layo nadin kame mula sa bahay nila ricci.

It felt so surreal.

Naalala ko pa yung hard times na nangungulila ako ng presensya ni cci. Pero ngayon, heto ako kapiling sya sa iisang kotse papunta sa iisang destinasyon na may iisang hangarin. Ang makatulong.

Hindi ko alam kung ano ang kakalabasan ng pagsugal ko sa ngayon, pero isa lang ang nasisigurado ko.

Hindi man naging maganda ang simula ng lahat samin ni ricci, hindi naman namin hahayaang matapos rin ito ng hindi maganda.

Kung hindi kame susugal, kailan pa?

Itinigil ni ricci ang kotse sa tapat ng isang tindahan.

"Babe, stop over muna tayo ha? May gusto kabang bilin? Medyo nangangawit na kase ako kakaupo." Habang hawak hawak nya ang pisnge ko.

"Medyo nangangawit na nga rin ako kakaupo dito. Tara labas muna tayo sandali?"

Tinanggal ni ricci ang seatbelt nya at nauna syang lumabas.

Pinagbuksan naman nya ako ng pintuan.

Yung lalaking tarantado sa iba pero sayo lang tumitino.

Bahagya akong napangiti.

Hinawakan nya ang kamay ko at tumuloy kame sa isang tindahan na may magandang view, nagtitinda sila ng iba't ibang klase ng pagkain.

Bumili si ricci ng ilang mga pagkain para maibaon namin sa biyahe.

Si ricci yung tipo ng lalakeng di mo aakalaing napaka hilig sa chocolate.

Halos tatlong malalaking pack ata ng chocolate ang binili nya.

Parang bata parang... baby ko.

Habang bumibili si ricci hindi ko naiwasang titigan sya, hindi bat napakaswerte ko naman ata sakanya?

Alam kong maraming bagay ang hindi namin napagkasunduan at napagusapan noon.

Pero aaminin ko rin sa sarili kong may pagkukulang din ako, may pagkakamali rin ako.

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now