Chapter 3: Getting weirder

3.2K 64 0
                                    

stephanie loyre pov.

agad kong sinagot ang tawag ni kleise.


"hello."

"omg omg beshie, asaan kana ba? antagal mo naman atang magcr." ramdam ko ang kilig sa bawat pag tili ni kleise. malamang sa malamang ay natuloy nga ang aking iniisip kanina. siguro'y nilapitan nya ang team at nakipagusap sya rito.

"I'm on my way kleise, mauna kana sa canteen, para may pagusad tayo." casual kong sagot.

"okay, marami akong ikikwento sayo girlll!" ngayon palang ay hinahanda ko na ang sarili ko sa maaring hampas na matatamo ko kay kleise, knowing us girls hindi bat ayon naman ang kadlasn nating gawi para ilabas ang kilig? kung hindi ang manghampas ng walang patawad.

agad akong lumabas ng cr, isang hingang malalim ang aking binitiwan.

agad kong nakita si kleise na naka upo sa bandang gilid ng canteen may dalang mga pagkain at makikita mo ang saya sakanyang mata. hay, ang bestfriend ko talaga.

"klei-"

"Wahhhhh! beshieeee, you won't believe me!" eto na nga ba ang sinasabi ko, hindi manlang ako pinatapos magsalita hindi lamang hampas ang natanggap ko kung hindi yugyog na rin.

"ano ba kleise! kumalma ka nga, nakikita mo ba ang mga taong nakapaligid sa atin, pinagtitinginan na nila tayo." Irritado kong sagot, sino nga bang di mayayanig sa hiyaw ng babaeng kinikilig?

"kase naman, ahhh! hindi ko macontain ang feelings ko, sino bang hindi kikiligin sa mga basketball player natin. loyre bukod sa magaling sila given na ang kagwapuhan!" tama naman si kleise, hindi maipagkakailang sikat ang basketball players ng La Salle dahil isa lang naman sila sa pinaka magagaling na players ng bawat university, at oo nasakanila narin ang looks.
nagpatuloy lang sa pag kukwento si kleise.

"tapos beshie, alam mo! nameet ko din yung isa sa pinaka magaling na player ng team. Si Ricci Rivero" agad akong natigilan sa pagkain para bang umugong paulit ulit ang linyang ito ni kleise 'Si ricci si ricci..."

"uy! ano ba loyre are you listening?!"iritadong sambit ni kleise.

"nakikinig ako kleise, pero hindi bat mas mahalaga ang pagkain natin, and besides Ricci is just ricci. ano bang espesyal doon?" hindi ko napigilang ilabas ang inis ko, si Ricci lang naman yun ano bang espesyal sakanya?

"woah, really loyre? ikaw lang ata ang nagsabing hindi special si ricci! can't you see? crowd favorite sya. and loyre just to remind you, Ricci is one of the best players ng basketball team!" ramdam ko ang inis at pagkagulat ni kleise.

"pwede bang, kumain nalang tayo we only have 10 minutes left." psh, yan na lamabng ang narinig ko kay kleise matapos nun ay sinimulan na rin nyang kumain, mabuti naman at ganun.

matapos naming kumain agad kaming bumalik ni kleise sa room.

at ganap na ngang pumasok ang professor para sa Law class namin ng biglang may kumatok sa pinto...



"good morning Sir." bati ng lalaking naka plain white na damit.
rinig ang hiyawan ng mga kaklase kong babae, maging si kleise ay napahiyaw ng makita ito.

"good morning too, Mr. Rivero go on and find a sit." shoot! kung siniswerte ka nga namang malasin, bakit. bakit kailangang maging magkaklase pa kame?

Ricci Rivero's pov.

"Hi ricci! pwedeng papicture?" agd akong pinagkaguluhan ng mga babaeng nagaaral din sa La salle, mga fangirls ko. maalate nako para sa Law class ko, hindi ako makahindi andami nila masyado at di ko sila kaya. patay

"oo naman." nais ko sanang humindi pero wala nacorner na nila ko.

matapos ang madugong hatakan at pagpapapicture ng mga dilag na nakasalubong ko, agad akong tumakbo sa Building 2.

kumatok ako upang mapansin.

*tok tok*

agad naman itong binuksan.

"Good Morning Sir." pagbati ko.

"Good Morning to Mr. Rivero go on and find a sit." mabuti nalang at mabait itong si sir. at hindi nya ako sinermonan sbagay batid ko namang alam nyang mahirap ang buhay ng isang varsity player. lalo na ang buhay pogi. *winks*

agad kong nilibot ang mata ko, iisa lang ang nakita kong bakanteng upuan.














Si Stephanie?

Book 1: Falling for Ricci Rivero (COMPLETED)Where stories live. Discover now