[Stacey's POV]
Paggising ko wala na sa tabi ko si baby Z at Zed. Chineck ko ang oras at kumaripas ako papasok sa banyo. Late na naman ako!
Dali dali akong bumaba habang sinusuot ang sapatos ko. Wah! Muntik na akong madapa. Teka asan na ba ang dalawang yun? Binuksan ko ang ref at kumuha ng chocolate. Sa school nalang ako kakain.
Bigla namang nagring ang phone ko. Ha? "Oh bilog napatawag ka?" Sabi ko sabay kagat sa chocolate. Sarap! ("Stacey! Asan kana ba?! ) Nailayo ko naman ang phone ko. Grabe! Kung makasigaw naman ito parang nasa kabilang ibayo ako! "Naghahanap ng ipis na ipapakain ko saiyo!!" Sigaw ko. Ang OA kasi e. Pwede namang magtext nalang siya.
"Ew! By the way girl andito kami sa social hall! Bilisan mo kundi patay ka sa asawa mo" Si Ellis talaga napaka arte kung magsalita. I'm sure magkasama sila ni bilog. Pinatay ko na ang tawag at tumakbo. Anong meron sa social hall?
-Steinfield University-
Grabe pwede na akong maging runner. Huminga muna ako ng malalim at pumasok na. Buti nalang dala ko na ang I.D ko. Hehe!
Nagpunta na ako sa social hall pero wah! Wala ng upuan. Asan na ba ang dalawang yun. May nag e-speech naman dun sa may stage. Sus Orientation lang pala. Nakita ko naman si Luke sa di kalayuan. Kinabahan ako bigla. Diba alam na niya na asawa ko si Zed? Sana naman hindi niya itsismis yun. Hay!
Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi nung matandang lalaki. Tatanungin ko nalang mamaya si Zed hehe. Tumalikod na ako pero tumama ang ulo ko sa dibdib ng isang lalaki. Tumingala ako at nakita ko ang seryosong mukha ni Zed.
"Hi Sir. Hehe" nakangiti kong sabi. "Saan ka pupunta? Attendance of this orientation is a must" Seryoso niyang sabi. Eh? Napabusangot nalang ako, balak kong umescape e! Ano bang magandang excuse? Ang boring kaya ng orientation nayan. Aantukin lang ako.
"Sa banyo lang. Ano sama ka pa?" I said sarcastically at akmang maglalakad na ako ng hawakan niya yung bag ko kaya napahinto ako. Huhu! Para namang bagay lang ako kung hilain :3 "bakit ba?!" Inis kong sabi. Buti nalang at malayo kami sa mga estudyante. "You're not going somewhere." Ano?!
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Sa banyo naman talaga ako pupunta a!" Asik ko sa kanya habang nakapa mewang pa. Kung mas matangkad lang ako sa kanya naku kanina ko pa sinuntok ang mukha nito. Geez! Pero imbis na sagutin ako hinawakan niya lang yung strap ng bag ko at nakapamulsa pang hinila ako. Wah! Pilit ko naman siyang pinapalo. Grabe!
"Bitawan mo nga ang bag ko" sabi ko. Anong akala niya sa akin laruan kung makahila naman 'to! Napayuko naman ako ng may ilang estudyanteng nakapansin sa amin. Huhu! Hila hila lang niya yung bag ko kaya pati ako e nakakaladkad narin. Saan ba kami pupunta? "Ano ba!" Bingi ba 'to?!
Napansin ko namang papaakyat kami sa rooftop. Hala?! Ihuhulog na ba niya ako?! Kinabahan ako. Hindi naman siguro diba?! Pag nagkataon mumultuhin ko talaga siya! Huhu ;(
BINABASA MO ANG
My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]
FanfictionPasaway na estudyante sa kanyang terror na asawa. I'm proud to say that "My Po-faced Teacher is my Husband" "Is it possible for us to love each other despite of the circumstances and lies? Are we strong enough to become a real couple? We'll be able...