[Stacey's POV]
7:00 AM
Tiningnan ko ang mukha ko sa maliit kong salamin at halos ihampas ko yun dahil sa inis. Wah! Dumapa ulit ako sa kama. ANG LAKI NG EYE BAGS KO!
Letseng kiss kasi yun e! Hindi manlang ako nakatulog kagabe! Paano ako papasok niyan kung mala zombie ang mukha ko? Aish!Nakaalis na kaya si Zed? Bumangon ako bigla at dahan dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sumilip muna ako dahil baka nasa labas lang siya pero clear. Wala siya kaya dahan dahan akong lumabas.
Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? I made sure not to make any noise habang bumababa. Para nga akong ewan e. Nakapangtulog pa ako at gulo gulo pa ang buhok ko. Huhu! Para tuloy akong takas sa mental :3
Clear wala siya sa living room. Sinilip ko naman ang kusina at nakahinga ako ng maluwag dahil wala siya dun. Hay! Salamat naman. Naglakad ako papunta dun at binuksan ang ref. Hmm ano kaya ang pwedend kainin?
(Door closed)
Kinabahan naman ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo na malapit sa kusina. Wah?! May tao ba?
Unti unti kong sinara ang ref at dahan dahang humarap. Holy body of mercy!
"Stacey? What happened to your eyes?" Gulat lang akong nakatingin sa kanya at hindi ako makagalaw. Para namang slow motion na naglakad siya papalapit sa akin habang nakatapis LANG! Feeling ko na stroke ako. Huhu
Bakit nakatapis lang siya? Bakit andito siya?! May banyo naman siya sa kwarto a!
Pinitik naman niya ang noo ko kaya dun lang ako natauhan. Bigla akong tumalikod at natataranta na ako. Ano bang gagawin ko?!
"W---wala! Magbihis ka na! " Natataranta kong sabi at mabilis na umakyat at nilock ang pinto ng kwarto ko. Woh! Bakit ganito ang inaasta ko? Huhu isipin nun nababaliw na ako.
Nahiya naman ang katawan ko sa kanya. Grabe ang ganda ng katawan niya samantalang ako ...... kyah! Ang pangit pangit!
Mabilis naman akong humarap sa salamin. "Hala! Nakita niya ang eye bags ko. Huhu" sabi ko habang nakatingin sa salamin. Nakakahiya sa kanya.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ang naka charge kong phone. Kagabe ko pa 'to hindi nabuksan.
"Hala 35 text messages at 15 missed calls?" Gulat kong sabi habang isa isang binabasa ang sms. Puro kila bilog at ellis lang naman at kunti lang ang kay Zed.
Kaya pala sinabihan ako nila ako kahapon na tingnan ang phone ko kaya lang dead batt. Hay naku.
Inopen ko ang pikahuling text message na galing kay Zed?!
"Happy birthday wife" Basa ko sa text niya. Kailan ba niya senend 'to? Tiningnan ko ang received time. At nanlaki ang mata ko. "12:00 AM?" Wah! Saktong birthday ko. So ibig sabihin siya ang unang bumati? Pero sa text lang.
Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa closet ko. "Ha? Ano 'to?" Takhang tanong ko at kinuha ang maliit na box na nasa loob ng closet ko. "Woh!" Sabi ko habang nakatingin sa kwentas. Wah! Ang ganda. Kanino 'to?
Kinuha ko yun at tiningnan ang pendant. Isa siyang gold necklace na may heart shaped na pendant. Ang cute naman. Hehe! Pinatong ko muna yun sa bedside table ko. Siguro naman naka alis na si Zed noh? Gutom narin kasi ako.
"Jusmeyo marimar!!" Gulat kong sabi dahil pagkabukas ko ng pinto ang mukha ni Zed ang una kong nakita. Wah! Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako. " Di ka ba papasok?" Seryoso niyang tanong. Hala! Ano bang idadahilan ko? Baka makahalata siya na naiilang ako sa kanya. Eh?
BINABASA MO ANG
My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]
FanfictionPasaway na estudyante sa kanyang terror na asawa. I'm proud to say that "My Po-faced Teacher is my Husband" "Is it possible for us to love each other despite of the circumstances and lies? Are we strong enough to become a real couple? We'll be able...