Chapter 2

22 3 0
                                    

Eina's POV

Oh yeah! yan nagsisimula na ang battle.. lalake ang kabattle ko tatalunin ko sya mukha namang weak eh Hahaha easy baby puro perfect lang nadodouble ang score pag laging perfect nice nice konting kembot nalang mapapasali ako sa Ace player top 100 magkakalaban dito ay 9 server nasa server 6 ako, kaya pahirapan talaga makasali sa Ace kung sino mang top 1 siguro ang galing nya well yun ang goal ko maging top 1 ..

Impossible ba ? naah walang impossible

Tiningnan ko ang orasan mag 10 na pala matatapos na ang PK last battle ko na, nakatalo ako ng mga 10 ngayong araw natalo ako ng 3 times ugh! kastress

'kruu kruu' bigla akong natawa tumunog na si tummy di pa pala ako nagddinner nagmerienda lang pala kami ni Jam kanina ..

Inopen ko muna yun laptop ko and inopen ko bluestack dun ko inopen laro ko lowbat na phone ko hahaha, pinunta ko muna sa Game hall at gumawa ako ng room sa lobby nilagyan ko ng password yung room para walang makapasok sa room ko at iiwan ko lang online

Nagshower at nagbihis na muna ako bago ako bumaba ugh I'm starving

'Bruuuh! kumain ka na ?' sigaw ko kay Hiro mukhang katatapos lang ng game nya

'Di pa ate pakihainan na din ako' Ginawa pa kong katulong

Habang naghahain ako biglang lumapit si bruuh 'ate nabasa mo na about yung nagleak sa internet deep web ba yun ?' nangunot ang noo ko sa tanong nya mukhang interesado sya

Kumuha muna ako ng juice sa ref at umupo 'oo naman malamang alam ko yun trending kaya yun' sabi ko at sumubo ng kanin syempre with ulam adobo ulam namin sarap!

Napangisi sya ..uh oh mga ganyang tingin 'ate kaya mong pasukin ?' sabi na ehh tsk!

Kaya ko yung pasukin oo nag aaral palang ako IT course ko pero mahilig ako mangalikot kami ni Jam pero delikado yun 'alam ko curious ka bruh pero tigil tigilan mo yan di mo alam kung anong papasukin mo .. oo kaya kong pasukin yun pero tinatamad ako busy ako' sabi ko na walang kaintere interesante pero sa totoo sobrang naeexcite ako yun yung about sa thesis namin ni Jam

'sige pag di ka nalang busy ate sabihin mo hahaha madaming interasadong bagay na makikita doon' habang nag niningning pa ang matang sabi nya

Inirapan ko nalang sya 'shattap kumain ka na nga lang tapos matulog ka na may pasok pa bukas uy tama na kalalaro kung ayaw mong isumbong kita kay daddy' sabi ko sabay ngisi

Inirapan ako aba'y bakla ata tong kapatid ko 'tapos na nga akong maglaro matutulog na din ako maya maya'

Tumayo na ako hahy busog lusog na naman ako 'broo ikaw na magligpit at maghugas ng pinggan hah ako na naghain eh babush!' at naglakad na ako paakyat sa kwarto ko pero bago pa ko makapasok narinig ko pang sumigaw si bro 'atee ang daya mo talagaa!' natawa nalang ako sa kanya eh

Dumapa na ako sa kama tiningnan ko yung laro ko .. napakunot ang noo ko may nakapasok dito sa room ko eh nilagyan ko ito ng password ...Reyn ang name nya impossible chinat ko nga

Me:Ph ?' yan kadalasan tanong kung pinoy ba o hindi iba ibang lahi kase nandito marami ding alien dito haha i mean indo, malay ganun

Sya: yup :)' buti naman di na ko mahihirapan mag english manosebleed pa ko e

Me:So paano ka nakapasok ? ang alam ko may password akong nilagay dito.

Sya:Secret missy patambay lang ako may habol ng habol saken dito eh' Wow lang ang feelingero ni koya hah maview nga, pinindot ko yung character nya..

Game of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon