Sorry guys sobrang naging busy talaga ako sa paglalaro ng Mobile Legends tsaka sa pag aapply na lagi namang rejected aww😔 .---
Nagising si Einna dahil sa ingay sa baba kaya dali dali syang bumangon upang alamin kung aning meron.
'Maaaaa!Paaaa' tili ng dalaga at agad na niyakap ang kanyang ina.
'Sobrang namiss naman ata kami ng aming unica ija' pagbibiro mg kanyang ama na ikinangiti ni Einaa.
'Si ate ang OA kala mo galing sa ibang bansa sila mama eh' Napairap sya sa sinabi ng kapatid.
'Eh Ma kala ko two weeks kayo doon? eh wala pa kayang two weeks'
'Babalik din kami doon ng daddy nyo may kailangan lang kaming asikasuhin dito' Paliwanag ng kanyang ina.
Nagkatinginan ang kanyang mama at papa na parang may gustong sabihin.
'Einna and Hiro, we have something to tell' pangunguna ng kanyang ama.
'Ano yun Pa?' tanong ni Einna habang ang kanyang kapatid ay nakatitig lamang sa kanilang ama.
---
Einna's POV
'Magreresign na ako sa trabaho ko at babalik tayo ng probinsya dahil ako na ang mamahala ng farm at mga fish ponds ng lolo at lola nyo' Kami? so does it means kasama kami ni Hiro?
'Pero Pa! okay naman kami dito eh! bakit kelangan pa naming sumama ni ate?' Pagrereklamo ng aking kaptid.
'Oo nga Pa okay na kami sa school namin eh tsaka isang taon nalang ggraduate na ako mas marami ang opportunity dito, after graduation dito ma din ako maghahanap ng trabaho ko' pag sang ayon ko kay Hiro.
'Sinong magbabantay sa inyo dito?' Biglang singit ni mama.
'Maa si ate!' Na ikinatango tango ko din.
'Oo ma ako ang bahala kay Hiro okay kami dito pramis ma' Pagpipilit ko kay mama.
'Sige pag uusapan namin ng Mama mo' Alam ko mabait si Papa kaya panigurado yan.
'Oo ng pala anak anong balak mo sa birthday mo? sa susunod na araw na yun ah' Napasapo ako sa noo ko, oo nga hindi ko man lang naalala.
'Hindi ko alam ma, okay lang po kahit dinner nalang tayo' Para tipid, gusto ko sanang idagdag Haha.
'Paano mga kaibigan mo? Maghanda nalang tayo dito sa bahay at invite mo nalang mga kaibigan mo' Si mama habang naghahain ng brekfast.
'Sige pwede din Ma' Pag sang ayon ko.
----
Ang bilis ng araw birthday ko na! 19 na ako!.
Busyng busy kami ni mama sa paghahanda ng simpleng pagkain dahil inimbita ko ang mga kaibigan ko.
'Hiro, ikaw muna bahala dito maliligo lang ako baka parating na sila nakakahiya naman wala pa akong ligo' Pinabantay ko sandali yung nakasalang na pagkain.
'Oo na ate mabait ako sayo ngayon birthday mo eh.. Hahaha! Py birthday ate kong matanda na!' Napatawa na lang ako eh.
Naligo na ako at nag ayos ng sarili, konting ayos lang syempre kelangan maganda ako ngayon birthday ko eh! Nagsuot ako ng baby blue off shoulder na knee length flowy dress na binili namin ni mama kahapon..
BINABASA MO ANG
Game of Love
General FictionA Love story that begins with an online game Let's play! Create your account and Log in!