Chapter 3 One Fine Evening

3.6K 148 2
                                    

Emanuel

Naramdaman ko pa rin ang init ng aking tenga mula sa butas ng hikaw ko. Wala naman talaga akong balak magpabutas bakit ba ako napapayag ng tropa. Walang pang isang oras nalaman na agad ng kambal ko ang ginawa ko sa sarili ko.Kasabay pang nandoon rin si Lukas na kasama niya.

Nagsisi tuloy ako kung bakit ko sila pinagtabuyan. Ang singhalan sila para umalis. Hindi naman ako madamot na tao pero naiinis ako na makita sila na parang masaya kaya pinaiwan ko ang bike ko kahit wala akong balak na sakyan ito.

Naiinis ako sa kanila!
Naiinis ako sa sarili ko!

Masakit ang kalooban ko ng makita ko si Lukas na nakaangkas kay Alister at nakahawak sa kaniyang likod.
Kumirot ang dibdib ko ng magsalita siya at magpasalamat.

Itinago niya ang nangyari sa aming dalawa. Wala pa siyang sinasabi kay Alister.
Wala namang nangyari e.
Ako lang naman ang may sala sa ginawa ko.

Mula ng halikan ko siya kahit aminin ko na gusto ko...

Gusto ko...?

May gusto ba ako kay Lukas?

No!!!!

Paano ako magkakagusto sa kaniya?!

Para ko na siyang kapatid!Pamilya!

Oo kakaiba ang mga magulang ko sa nakagisnan ng iba. Parehong lalake ang magulang ko at kami ay lumabas ng dahil sa siyensiya.

Matalino ako sabi ng Daddy dahil namana ko iyon sa kanya. Pero ayaw kong maging abugado kundi isang duktor na gaya ni Papa dahil sa sistema kung paano kami ipinanganak.

Matalino daw ako. Pero kabobohan ata ang ginawa ko sa aking kababata, at ngayon nasasaktan ako kung nakikita silang masaya ng kambal ko.

Para akong maiiyak ng makita silang palayo sa akin ng pauwiin ko sila.

Kung maari lang ibalik ang araw ng taguan namin sana di ko na ginawa. Namimiss ko na ang kapatid ko. Namimiss ko na si Lukas.

Nagkikita nga kami pero inilalayo ko ang sarili ko sa kanila dahil sa takot at pagkapahiya sa sarili.

Napahiya ako sa isang bata sa akin dahil sa pagiging mapusok ko.

Gusto kong pagbayaran ang ginawa ko. Ang layuan na niya ako. Ang kainisan niya ako. Ang magkalayo kami.

In every action,there is an equal reaction. Kaya given na ang paglayo ko dahil sa action na ginawa ko sa kaniya. Malungkot lang ay nadadamay ang kapatid ko sa ginagawa ko.

I felt allergic pagnakikita ko silang magkasama. O pinipilit ko lang ang sarili ko na magalit para layuan na nila ako.

Hinantay ko na magdilim dito sa park. baka nandoon pa si Lukas at ayaw ko siyang makita.

Kahit paano ay nalibang ako sa panonood ng mga nagjojogging at mga asong pinapasyal.
Naalala ko tuloy ang aso namin na si Chowder.
Inabot din ng 15 years bago siya namatay. 5year old lang ata ako noon ng makita ko sina papa na umiyak ng mawala si Chowder.

Gusto ko sana mag-alaga pero natakot na ako na mawalan muli. Natrauma ata ako ng maghingalo siya sa katandaan kaya ganun.

Nadagdagan tuloy ang lungkot ko
ngayon dahil kay Kulit at Gwapito.

Gwapito ang nickname ni Ninong Sid kay Lukas.
Gwuapo naman talaga si Lukas na nakuha niya sa Daddy niya. Tisoy din kagaya namin dahil half swiss ang ninong.
Kami namay parang amerikano dahil si lolo ay half american. Kaya ang generation namin ng kambal ko ay nakuha namin kay Lolo at Papa.

I missed my Lolo and Lola. Sana narito sila sa Piipinas para malaman nila ang nararamdaman ko.

Alam ko maiintindihan nila ako dahil nandoon sila na umunawa sa mga magulang ko noong bata pa sila. Nadagdagan na naman ang kalungkutan ko.
Hanuh ba yan!

I decided to go home.
Naglakad lang ako at hindi ginamit ang bike na kinuha ko.
Nailang ako dahil inupuan ni Lukas ang bike na ito.

Si Lukas pala ang gumamit ng bike at hindi si Kulit gaya ng paalam niya.
Sinakyan ko ito papunta sa park pero naiisip ko na ginamit pala ito ni Lukas. Nakapatong ang matambok niyang puwitan dito.
Maging ang kaniyang kaselanan marahil ay nakadikit na rin dito ng ilang oras.

Naisip ko na ari niya ang nakadikit sa ari ko habang nakaupo ako sa saddle.

Natauhan ako kung bakit ganito ang tinatakbo ng utak ko sa aking kababata. Ang pag-isipan siya ng malalaswang bagay. Ang nakakainis pa kahit naiinis ako sa isipang iyon ay tinitigasan ako.

Ang tigas ng ari ko habang papunta ako ng park kaya naiinis ako pagnaiisip ko si Lukas kaya kayat naglakad akong ipinapasyal ang bike na parang aso.

Inosente at walang muwang si Lukas na hinalikan ko na lang ng basta. Halik ng isang mapagdiskubre at mapag-eksperimentong kagaya ko.

Ilang linggo na rin akong nakikita ko siya sa aking panaginip at sa akng pagising ay di ko maalaala ang mga pangyayari. Basta nararamdaman ko na lang na matigas ang ari ko at unang beses akong nagwet dreams, at sa aking panaginip ay kasama si Lukas.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Nakadagdag sa alalahanin ko na galit na nga siya sa akin at ayaw na niya akong maging kaibigan kaya nakasiksik na lang siya lagi kay Alister.

Dala ko ang malaking blue tooth earphone kaya matatakpan nito ang hikaw ko. Di pa alam sa bahay ang ginawa ko dahil kilala ko si Alister. Hindi niya gustong akoy mapagalitan ng Papa. Maitatago ko ang pinaggagawa ko.

Alam ko magagalit sila sa ginawa ko. Pero gusto ko makaramdam ng sakit. Sakit bilang parusa sa sarili ko. Sa mga nagawa ko at pagkakamali.

Pero bakit ganoon, hindi nawawala ang sakit sa dibdib ko. Parang lumaki ang kasalanan ko ng lumayo ako sa kanila. Parang mag-isa na lang ako at sila na lang ang magkakasama.

Im so confused!

I need my life back!

I want my brother back!

I want... Lukas back...

But I can't....


*****

SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon