Chapter 9 Jealousy

2.9K 161 16
                                    

Emanuel

Ilang taon rin naming hindi nakasama si Adam. Ngayon ay kumpleto na muli kaming magbabarkada at narito kami sa isang beach resort sa Batangas na pag-aari ng Lolo ni Lukas.

Madalas kami dito nagpa-family camp.
Noon nakaramdam ako ng pagkasawa ng kakabalik dito. Pero ng ikuwento ng Daddy na dito sa lugar na ito sila nagkatuluyan ng Papa ay napalapit na rin sa akin ang lugar na ito.
Open si Daddy pag love life nila noon ang pinag-uusapan dahil sa masyado kaming matanong ng kambal ko.

"How? When? What? Where? How?"

Mga tanong namin noon na sinagot nila kaya lahat ng bagay, maging sa kanilang relasyon ay di nalingid sa amin kaya madali naming naunawaan kung bakit ganito ang aming pamilya.

Same spot ang kinatitirikan ng aming tent kung saan madalas magcamp noon ang C4.

C4 na grupo nina Daddy,Papa,Uncle Anthony at Ninong Sid noong school days nila.

Sabi pa ni Papa na sa amin na lang daw ang group name nila dahil bagay daw sa aming apat dahil mukha daw kaming magpapaiyak ng mga babae balang araw.

"Si Papa talaga ang corny"

Pagkatapos naming maiayos ang tent ay sabay sabay na kaming magkababata na naligo sa dagat.

Ang mga magulang naman namin ay nagkukuwentuhan habang naghahanda ng aming pananghalian.

Tuwang tuwa si Adam dahil muli siyang nakapaligo sa dagat. Mula daw kasi ng manirahan sila sa New York ay hindi na siya nakaranas ng ganitong pamamasyal kasama ng pamilya.

Masaya dahil buo ang barkada namin. Pero ang sayang nararamdaman ko ay balatkayo.
Pilit lang akong ngumingiti dahil sa dinadala ko sa aking dibdib mula ng kausapin ako ni Papa at umamin na naguguluhan ako sa aking pagkatao.

Hindi ko sinabi ang lahat. Inamin ko lang ang pagkalito sa aking pagkalalake , ang paghalik kay Lukas ay hindi. Hindi naman lahat ng sikreto ay dapat ipagtapat. Hindi lang ako ang involve sa krimen. Kasama rin si Lukas bilang biktima.

Biktima ng aking kapusukan...
O biktima rin ako ng kainosentehan...kaya dinamay ko siya.

Magkasama nga kaming apat maligo at madalas na nakadikit lang si Lukas sa kapatid ko.

Sila ang nag-uunahan, sila ang naghahabulan,sila ang naghaharutan,nagbibiruan,nagtatakutan,nagkukuwentuhan,nakakainis!!!

Dati sa akin siya laging nakadikit kapag naririto kami. Ako ang nagtiyagang magturo sa kaniyang lumangoy. Sa akin laging nakapasan ,nagsusubo sa kaniyang kakainin,ako ang tagapunas ng pawis,ang katabi sa pagtulog,tagapagpatahan,
tagakamot, kasi nga minulat amo na siya ay kinakaptid ko...arghh!!!Nakainis!!!

Minabuti kong kami ni Adam ang magdikit upang maiwasan ko si Lukas. Tutal kung magkakaharap naman kami ay lagi siyang nasa likod ni Alister na parang ayaw niya akong makita.

"Kung ayaw niya, ayaw ko rin!"

Napagod kami at muling bumalik sa aming pwesto upang magpahinga. Tirik na rin ang araw kaya mamayang hapon pa kami muling makakapaglangoy.

Pinakain kami ng mga hinanda ni Ninang Laureen na kaniyang special adobo with pineapples, carne asada at ng mga prutas. Masarap talaga ang dala nilang pagkain kaya maingay kaming nagsalo salo.

Magkatabi kami ni Adam sa mesa na nasisilungan ng malaking beach umbrella.
Nakita ko naman si Lukas na mag-isang kumakain malapit sa aming tent na nakaupo sa buhanginan.

Nakalimutan ko na ang sinabi ko kanina na ayaw ko na sa kaniya kaya nagbalak na akong patabihin siya sa amin.

Tatawagin ko na sana siya pero lumapit si Alister at tinabihan siya sa pagkakaupo.

SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon