Chapter 11 Happy Thoughts

2.6K 142 3
                                    

Emanuel

Nagmamadali akong bumaba ng 2nd floor ng buliding patungo sa kabilang building kung saan talaga ang klase ko.

Wala naman talaga akong business sa highschool building na yon. Ang totoo madalas ko lang silipin si Lukas kung okay lang siya.

Mula ng makita ko siya sa aking bisig na hinahabol ang hininga noong hinika siya ay natakot na akong maulit iyon. Sa bisig ko noon nawala ang aso naming si Chowder. Nawalan na ako ng asong kinalakihan ko at lalong ayaw kong mawala ang taong minamahal ko.

Mula ng mawalan ng buhay sa harap ko aso namin ay pinangako ko ng magiging isang doktor ako kagaya ni Papa.

Si Lukas ang nagtulak sa akin na abutin ko ang pangarap na iyon kaya ganoon na lang ako kung mag-alaga sa kaniya.

Ang loko at doon pa umupo sa beranda ng 2nd floor!
Paano kung nalaglag siya doon.
Ang kilabot ko talaga ng makita ko siyang nakaupo doon kaya napilitan akong sawayin siya.

Sana hindi niya nahalata kung bakit ako naroroon. Bukod sa mga guro ay ako lang yata ang kakaibang naka uniporme na dayo sa building nila.

Aminadong nagiging stalker na ako sa kaniya. Walang araw na hindi ko silang sinisilip ng kapatid ko kapag nagtitipon sila sa park o tanawin siya sa hallway kapag maghihintay siya ng klase.
Masaya ako kapag sa bahay siya nagrereview o bumibisita sa amin.

Malaki na ang kaniyang pinagbago. Humanga ako sa kaniyang mga nagagawang exhibition sa bmx bike.
Para akong ina na nag-aalala na wag silang masaktan sa pagpractice.

Si Alister, masaktan man ay kaya niya dahil matapang na tao yun. Pero si Lukas ay madaling umayaw kapagnakaranas ng sakit.
Pero nagbago na siya. Ilang gasgas na ba sa kamay at tuhod ang naranasan niya sa pagbabike ng hindi nasuko makagawa lang trick sa bisikleta.

Tahimik na tao pero may angking galing na ikakagulat mo na kaya pala niyang gawin.

Nararamdaman ko pa rin ang kaniyang pagkatao ng akbayan ko siya kanina. Sobrang nag-alala talaga ako o sadyang over protective.

4th year Highschool na siya pero di pa rin siya nagkakanobya. Sa aming apat na magkakabarkada ay si Alister at Adam lang ang nagkakagirlfriend.

Masyado akong focus sa pag-aaral. Isa pa ayaw ko...

Ayaw ko, dahil iba na ang tibok ng puso ko. Iba na ang tinatahak niyang gusto na magmahal.
Aminado na ako sa aking pagkatao at alam na ito ng aking mga magulang liban sa aking kapatid. Dahil ayaw ko ring maging pabigat sa kaniyang isipsn na ang kakambal niya ay isang pusong babae.

Malalaman na lang niya ito pag kailangan na.Pag kaya ko na.

Sa ngayon pinipilit kong makunteto na bantayan si Lukas. Ang mahalin siya sa malayo. Magkagirlfriend man siya, masaya akong palayain siya sa kakaiba kong atensyong aking ibinibigay.

Ayaw ko ng samantalahan ang pagkakaibigan namin gaya ng pagsasamantala ko noon. Ayaw ko ng masaktan at muling mapahiya lalo na sa sarili ko.

Bagay na lang sigurong bantayan ko siya bilang kapatid kahit pa ang tinitibok ng puso ko si Gwapito.

Kahit matagal ng casual lang ang aming batian, ay hindi namamatay ang pagtingin ko sa kaniya.

Siguro panahon na nga na umamin sa kaniya na mahal ko siya...
Na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan o kapatid...
Mahal kita Lukas...

Kung ganoon kadali?!

Argh! Paano ang ninong?
Paano kung ang kaisa isa niyang anak ay ligawan ko?

Ano ang manyayari sa pagkakaibigan nila ng parents ko?

Iniimagine ko pa lang na kung sakaling maging kami ay natatakot na ako.

Pero ano susundin ko?

Ang tinitibok ng puso ko o familia de onor?

Bahala na...

Wala...

Di ko na kaya...

Hahanapako ng paraan na malaman niya na mahal ko siya.
Tumanggi man siya ay tatanggapin ko.

Masabi ko lang ang totoo...

Dahil mahal kita Lukas.

*****

SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon