Emanuel
Narito ako sa park gaya ng bilin ni Alister. Ewan ko kung bakit niya ako pinapunta dito ng ganitong oras na kahit magutom ay huwag daw munang uuwi.
Ubusin ko lang ang oras ko sa pagbabike at may darating na magandang balita.
Sino namang tanga ang magba-bike sa ganitong tirik ang araw.Mukhang may ginawang kalokohan naman kaya niya ako pinapunta dito.
Tumunog ang aking cellphone at isang mensahe mula kay Kulit ang aking natanggap at binasa.
Message recieved
" Kuya okay na! pwede ka na raw pumunta at bisitahin ang love mo!!!Go!Go!Go! Mga Beks!"
*kulit*
"Totoo ba ito!"
Sigaw ng utak ko ng mabasa ko ng ilang ulit ang text ni Alister.
Pwede ko ng makita si Lukas?
Agad kong sinakyan ang aking bmx bike at nagtungo sa kabilang village kung saan sila nakatira. Halos maiyak ako ng makita ko ang pulang gate nila na naroon si ninang na nakatayo na parang inaasahan ang pagdating ko.
"Pumayag na ang Ninong mo na magkita kayo.Naroon siya sa kaniyang kwarto right now. Please mahalin mo siya dahil mahal na mahal ka ng anak ko."
Masayang salubong sa akin ni ninang. Hindi ako makapaniwala na pumayag na ang ninong na magkita kaming dalawa. Ibig lang sabihin na hindi na siya tutol sa aming relasyon.
Iniwanan ko na ang bike ko sa labas at papasok na sumama sa loob.Bago tuluyang pumasok ay binigyan muna ako ng isang tray ng pagkain ni Ninang.
Pumpkin soup, sliced bread at home made pamiento na gawa ni ninang. Dalawang araw na pala siyang tumangging kumain.
Iniwan ako ni ninang sa harap ng pinto ng silid at kumatok ng ilang beses.
Nagsalita na ako dahil wala nga yatang balak magbukas si Lukas kung katok lang ang gagawin ko."Gwapito si kuya Eman ito..."
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita ko si Lukas na umiiyak sa tuwa ng makita ako.
Halos mapaatras-abante at hindi niya alam ang gagawin ng makita ako. Akala mo'y binisita siya ng isang sikat na artista ang reaction na hindi alam ang gagawin sa pagkataranta.
Inilapag ko ang tangan kong pagkain sa malapit na side table at isinara ang pinto.
Doon pa lang siya nagkaroon ng pagkakataon na yakapin ako.
"Kuyaaaaahhhhh"
Halos matumba na kami sa mahigpit na pagkakayakap niya. Tahimik ko siyang niyakap at patuloy siyang umiiyak sa kasabikan sa akin.
Mahigit dalawang linggo kaming hindi nagkita at parang nangayayat siya sa aming paghihiwalay."Tahan na...narito na ako...di na tayo maghihiwalay."
Bulong ko sa kaniya.
"Kuyaaaahhh...i missed you...hu hu hu!!!'
Halik niya sa aking pisngi na halos nalamukos na yata ang mukha ko sa kaniyang mga mariing halik.
Natutuwa ako sa ginawa niya dahil talagang namiss ko rin siya.Napakalma ko siya at umupo kaming magkatabi. hinaplos ko ang kaniyang mukha at hinalikan siya sa labi.
" I love you Lukas. Narito na ako...wala ng reason para paghiwalayan nila tayo. Pumayag na si Ninong sa atin.
Isang masayang balita na binitawan ko kay Lukas kasabay muli ng isang mahigpit na yakap siya upang ipadama ang tibok ng puso ko.
Tahimik kami na magkayakap.
Madami siyang tanong kung ano ang nangyari at pumayag ang Daddy niya na makapunta ako.
Maging ako ay walang alam kung paano at bakit.
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
RomanceSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...