Lukas
"See you at school bro! Bye!"
Pagtatapos ng usapan namin ni kuya Alister sa kabilang linya ng telepono.
Pareho kaming tatlong napasok sa iisang private school.
Fourth year highschool ako at ang mga kuya kong kambal naman ay grade 11.Nagkaayos rin kami ni Kuya Emanuel.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyaring insidente noon sa amin ni kuya Eman. Kahit papaano ay nagpapansinan na kami.Nga lang di na gaano kaming laging magkasama sa ilang bagay. Naging kabuddy ko si Kuya Alister dahil sa pareho kaming bmx enthusiast.
Nagkaroon kami ng grupo kaya di namin siya nakakasama madalas. Naging busy din siya sa pag-aaral. Sa aming tatlo siya ang pinakamatalino. Sa sipag mag-aral ay lumabo tuloy ang mga mata niya at nagsusuot na siya ng salamin.
Habang tumatagal nagkakaroon na sila ng pagkakaiba ni Kuya Alister.
Ang isa ay adventurer ang isa ay book worm.
Ako laid back lang.
Namana ko ung prinsipyo ng Daddy ko. Wag ko raw pilitin ang bagay na di kayang abutin dahil ang lahat ay may nakalaan na kakayanan.Di naman ako achiever pero kaya kong makipagsabayan kung gugustuhin.
Di rin ako leader at hindi rin follower.
Masaya na akong di nakikita o napapansin.Naging aloof ako sa ibang tao dahil sa hikain ako noon.
Dahil kay kuya Alister unti unti akong lumusog at nakayanang labanan ang hika dahil sa pagbabike.
Masaya ako sa aking napiling libangan.
Paghawak ko na ang manibela nag-iiba na ang personalidad ko. Nagiging palakaibigan, makwento at malakas ang loob dahil sa mga exhibition na aking nagagawa.
Noon pagbitaw lang sa manibela habang nausad ang bike ang kaya ko. Ngayon ay nakakagawa na ako ng ilang tricks sa tuwing nagkakatipon tipon ang BMXers club na sinalihan ko.
Nagbago man ako at nagbinata, naroon pa rin ang pagtingin ko kay kuya Emanuel.
We talk, we chat, we joke around...usual na ginagawa namin bilang magkaibigan. Pero kakaiba sa closeness namin ni Kuya Alister na para talagang magkapatid sa kulitan.
I never had a a girlfriend kahit 4th year na ako. Nagkacrush oo, to court hindi ko nagawa.
Marami namang nagkacrush sa akin. Cute nga daw ako sabi nila.
I don't know about that.Kasi parang average look lang ako pagkasama ko ang kambal na talagang star strucking ang dating.
Para kaming artista pag tatlo kaming magkakasama dahil talagang pinaglilingunan kami.
Naoofferan na rin sila na magmodel sa isang add pero di sila pinayagan ng mga magulang nila.Di na raw kailangan at baka mawili sila at hindi na mag-aral pagnakatikim na ng celebrity complex.
Natuwa ako dahil hindi natuloy iyon. Ayaw kong lumabas ng school ang kasikatan nila dahil baka marami na akong kalaban sa atensyon ng mga kuya ko.
Kalaban dahil ayaw kong mawala sa akin si kuya Eman...
Si kuya Emanuel na matagal ng lumamig sa akin. Si kuya Eman na hindi na gaya ng dati.
Aaminin ko, mahal ko siya. Ilang taon kong inalagaan sa puso ko na siya lang ang tanging kinalakihan ko na binigyan ko ng kakaibang pagtatangi.Tanging halik niya noon ang nag-uugnayan sa amin kung kaya gusto kong mapalapit muli sa kaniya.
Naitago ko ito ng mahabang panahon. Masaya ako pagnakikita ko siyang nakaupo sa kaniyang study table habang nagbabasa at tahimik kaming nagkukuwentuhan ni Kuya Alister sa kanilang kwarto.
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
RomanceSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...