Chapter 4 So Many Question

3.1K 135 8
                                    

Lukas

"Im so sadden and felt bad towards kuya Eman...."

Alam ko kung bakit siya nagkakaganoon. Mula ng halikan niya ako nagsimula na siyang magbago.

Kahit ano gawin ko para malaman niya na okay lang sa akin ang ginawa niya ay nahihirapan ako i-approach siya. Parang ang layo ko nasa kaniya.

Di ko na siya nakakausap, nakakalaro,nakakasama...

Nagalak ang puso ko ng makita namin siya na nakaupo sa garden kasama ang aming mga kaibigan pero parang galit siya na lumapit sa amin.
Nakakagulat dahil namumula pa ang tenga niya sa bago niyang piercing. Malakas talaga ang loob niya...

Nabawasan na ba siya ng pagke-care sa akin?
Kinakapatid ko siya pero parang estranghero na ako sa kaniya.
Ang sakit ng kalooban ko ng tawagin niya ako na "You" kanina.

Mahirap bang banggitin ang pangalan ko na Lukas o Gwapito na lagi niyang tawag sa akin.

Para akong matutunaw ng ibalik ko ang bike niya na iningatan ko habang gamit ko ng magkarera kami ni Kulit.

Tahimik kaming umalis ni Alister. Umangkas ako sa kaniyang likuran. Bago kami makalayo ay nilingon ko si kuya Emanuel. Nakayuko siyang tinitingnan ang bike niya na iniwan ko. Para siyang maiiyak sa lungkot.

Marahil nagalit dahil nalaman namin ang ginawa niyang paghihikaw kaya naiinis siya at pinaalis kami.

Kahit alam ko ang dahilan ay di ko masabi kay kuya Alister ang nangyari sa amin ni Kuya Emanuel.

Noong nagtago kami sa closet at naglapat ang aming katawan, ng magtama ang aming mga mata sa dilim at ng halikan niya ako.

Hindi ako tumutol, hindi ako umangal. Kahit limang segundong naglapat ang aming mga labi ay di ako umalis. Nais siguro niyang huwag akong gumawa ng ingay para hindi kami makita ni Alister kaya niya iyon ginawa.

Wala naman akong balak na ipaalam sa Daddy ko o sa parents niya ang nagyari. Isa pa kami lang naman dalawa ang involve. Kung gusto niya akong halikan e di halikan niya.
Kung ayaw ko naman, karapatan ko namang tumanggi.
Ni hindi nga ako nadiri sa malambot niyang labi.
Maging ang naamoy kong pizza na aming kinain ay nalasahan ko pa.

Pero ang halik na iyon ang nagpatunay na may kakaibang pagtingin ako kay kuya Eman.
Matapos niya akong halikan ay may naramdaman na ako ng sumunod na araw.

Napapakanta na ako sa pagnaliligo, lagi ko siyang naiisip, at nasasabik pag pupunta sa kanila. Kahit magkamukha sila ni kuya Alister ay siya ang higit kong gustong katabi.

Limang segundo lang naman ang halik niya sa aking labi at bigla siyang nagbago mula noon.

Sa kabila ng lahat ng gusto ko sa kaniya ay siya namang lumalayo sa amin, sa akin...

Titiisin ko ang lahat basta lagi ko lang siyang makita. Naawa na tuloy ako kay Kuya Alister dahil hindi naman talaga ganun ang samahan nila.

Dati ay tatlo kami magkakasama sa lahat ng bagay.
Malungkot pala pagwala siya. Nawala ang powers ko ng pang-aalaska kay Alister dahil sanay akong asarin o biruin siya kasama si Luya Itlog. Natutuwa lang kaming biruin siya dahil sa aming tatlo siya ang matatakutin at komikero.

I like kuya Alister as my best friend.

I like kuya Emanuel as my...

...

Ang hirap sagutin dahil mali yata ang hidden question.

I dont know the answer basta I like kuya Eman a lot!

Dalawang araw na lang at 13th birthday ko na. Maabutan ko na naman ang edad nila.

Pupunta kaya siya?

Sana magkaayos na kami ni kuya para buo na uli kaming tatlo.

Para makasama ko na siya.

Para maramdaman niya na okay lang sa akin ang ginawa niya.
Na kahit ulitin pa niya ang paghalik sa akin ay papayag ako wag lang siyang lumayo.
Para bumalik na uli ang dating kuya Emanuel na lagi kong katabi.

I miss you kuya Eman sana Okay na tayo.

Kasi...

*****

SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon