Daddy LemuelHinahintay ko ang panganay kong bumaba sa kaniyang kwarto. Kakarating ko lang galing office. Dalawa lang kaming magkasama para makausap ang best friend at kumpare kong si Sid ngayong tanghali.
Wala ang asawa ko dahil sa dami ng gawain niya sa clinic. Maging ang bunso ko ay wala dahil din at nasa practice ng kaniyang bmx club.
Bumaba ang gwapo kong anak na nakapustura. Ang maayos niyang buhok at suot ang kanyang salamin sa mata. Namana niya ang ganito malabo ang mata sa lahi namin. Puting polo na nakabutones ng maayos.Brown na pantalon at puting rubber shoes.
Ano pa ba ang aayawan ni Sid sa anak kong ito?
bukod sa kamukha ko ay matalino pa.
Tahimik siyang ngumiti sa akin habang pababa ng hagdan. Nalagpasan na nga yata niya ang ikalawang linggo ng pagdurusa dahil iba ang aura na kaniyang taglay ngayon.
Tahimik kaming sumakay ng kotse patungo sa napag-usapang lugar kung saan kami magkikita ni Sid. Hinayaan ko ang katahimikan niya baka sakaling nag-iisip kung ano ang sasabihin sa Ninong Sid niya.
Nakarating kami sa isang japanese restaurant.
Madali kaming nakakuha ng pwesto dahil kilala kaming madalas kumain dito ng pamilya ko.Sa ganitong oras, madami man ang nakain ay mayroon namang nakalaan na mga bukod na kwarto para sa aming privacy.
Isang pang animang tao ang inokupa namin para kumain at mag-usap.Ilang sandali pa ay dumating na ang aming hinihintay.
Tahimik na naupo si Sid .
Isang mababang mesa ang aming pagkakainan kaya nakaupo kami sa sahig.Ngumiti siya sa akin pero matabang ang bati niya sa panganay ko.
Mukhang nangangapa siya sa inaanak niya na para bang bago lang niya iyong kakilala.Kahit papaano ay nagpaunlak siya ng magmano ang anak ko.
Naupo kami ng maayos sa sahig at isa- isang inihain ng waitress ang mga pagkain sa aming harapan.
Kumain muna kami.
Sa una ay kami ni Sid lang ang nag-uusap at nakikinig lang si Emanuel."Tatapatin kita Eman. Kelan ka pa nakadama ng ganoon kay Lukas?"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Sid. Pero mas nagulat ako sa sagot ng anak ko.
"Tatapatin ko rin kayo uncle. Kilala nyo ako noon pa. Naging mabuti akong kaibigan kay Lukas. Mahal ko siya bilang kapatid pero higit pa doon ang naramdaman ko sa kaniya bilang kuya. Hinarap namin kayo dahil alam kong nakita nyo kung gaano ninyo pinahalagahan ang pagmamahalan ng mga magulang ko.
Nagmahal lang po ako at di ko sinasadyang si Lukas iyon.
Ang hiling ko lang na gaya ng ginawa ninyo pag-unawa sa mga Daddy at Papa ko ay wag ninyo akong husgahan.
Nagmahal lang po ako at nagmahal lang din si Lukas sa akin..."Pinapanood ko lang ang dalawa na parang nanonod ako ng isang drama sa tv kasabay ng pagsubo ng tempura.
Naghihintay sa sagot ng kontrabida.
" Im not judging any one. Nagulat lang ako ng ganoon kabilis na hindi ko namamalayan na...na...si Lukas is... "
Ako na ang nagpatuloy sa sinasabi ni sid.
"Gay"
Tumingin sa akin si Sid habang sumusubo naman ako ng maki.
" ...hindi ko namamalayan na , Lukas is gay.
Nabigla lang ako dahil nag-iisa ko siyang anak na naglihim sa akin sa tunay niyang sekswualidad,at ang nakakagulat ay kayo na pala?
I love you as my own Emanuel.
Oo umibig ka lang.
Pero oo, magulang lang din ako na may expectation.
Im sorry kung nasaktan ko kayo.
Nakita ko rin kung gaano mo kamahal si Lukas at kung gaano ka niya kamahal.
Totoong di siya nakakapasok dahil ayaw niya.
Nagkulong siya sa kwarto at 2 days ng hindi kumakain. Natatakot na ako baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya. Walang problema sa ninang mo dahil saksi siya sa pagmamahalan ng iyong mga magulang.
Kaya maging siya ay galit din sa nagawa ko na ilayo siya.
Anak na ang turing ko sa inyo ng kambal mo dahil kami ang dahilan bakit namin kayo kasama.
Im so sorry kung nasaktan ko kayo. ..
Sige...wala na akong magagawa.
I give you permission to see my son and-"Di pa tapos magsalita si pareng Sid ay biglang tumayo sa pagkakaupo si Emanuel.
"Thank you Uncle!"
bigla niyang niyakap si Sid at sinunod na yakapain ako at hinalikan sa pisngi.
"Im sorry but I have to leave!"
Paalam niya at dalidali lumabas sa aming pwesto at hindi na inubos ang kaniyang kinakain.
Patuloy lang ako sa pagsubo sa aking pangahalian na naiwan na nakanganga si Sid sa ginawa ni Emauel.
Natatawa ako sa kaniyang reaksyon habang nakatingin sa akin at sumusubo ng tempura.
"Kumain ka na lang."
At nilagyan ko ng mga pagkain ang kaniyang itim na bowl.
"Kids!"
Ang nasabi na lang niya ng may ngiti habang nakain at nagsalo kami na parang walang nangyari ng ilang araw sa kanila ng anak ko.
Salamat at ayos na ang lahat para sa amin.
Masaya ako at tanggap sila ng matalik kong kaibigan gaya ng pagtanggap niya sa amin noon ng asawa ko.
Isang magandang balita ito sa aking pag-uwi at pihong matutuwa si Lester dahil muling sasaya na ang panganay niya. Hindi na ako makapaghintay na makita ang tuwa niya mamaya.
Pero mamaya may makakatikim sa aking pag-uwi.
Akala mo hindi kita mahahalata
Alister?Lagot ka sa akin pag-uwi ko...
*****
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
RomanceSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...