Alister
Kasalukuyang nagmimirienda kami ni Lukas dito sa park ng village ng magtext si kuya Eman.
"Im with my friends"
Isang reply ng tanungin ko kung nasaan si kuya Emanuel .
'Kuya Eman'
Sabi nila siya daw ang matanda sa amin so i have to call him kuya. Seconds lang ang dipirensya ng pagitan namin at habang buhay na power tripping naman ang kapalit kahit kambal kami.
Nakalibre kami ng mirienda mula sa isang yaya na ipinapasyal ang kaniyang alagang bata. Lagi kasi kaming nakikita dito ng kambal ko kaya natutuwa ang mga nakakasalubong namin. Sa tuwa ay binibigyan kami ng kahit ano.
Kilala kami sa village dahil officer sa association ang Daddy dahil isa siyang lawyer at si Papa namay isang doctor na may clinic sa bahay namin.
Ngayon wala si kuya Eman...
Ilang araw na rin siyang busy kasama ang barkada at madalas nagkukulong sa kwarto kaya kaming dalawa na lang ni Lukas ang laging magkasama.Ninong ni kuya si Uncle Sid kaya very close sila ni Lukas.
Ninong ko si uncle Anthony pero ang kinakapatid kong si Adam ay nasa Amerika. Nandoon si Daddy para sa isang conferrence with ninong Anthony.Wala si kuya masaya sana na tatlo kaming nagsasalo sa sandwich na nilalantakan namin ngayon.
Ewan ko ba kung bakit naging busy na siya. Lagi naman kaming makakasama sa mga galaan at laro. Lagi na lang siyang nandoon sa iba naming barkada. Pareho naman kami ng edad pero kung itrato niya ako ay parang isang bata.
"Hindi ka pwede roon!"
Anong hindi pwede?
Ano siya, sindikato at bawal ako isama o kaming dalawa ni Lukas?Nagbago na si kuya.
Napansin ko, dati pareho kami ng tshirt na isinusuot, pareho ng baseball cap, pareho ng sapatos,pareho lagi sa lahat ng bagay.Ngayon naiba na ang ayos niya. Ang dating bagsak niyang buhok ay itinirik na ng hair gel na halos labanan na ang gravity sa pagkakatayo.
Sinubukan ko siyang gayahin para pareho kami subalit bigla naman siyang nag-iiba ng get up kaya minsan nakakasama siya ng loob na parang ayaw na niya kaming magkapareho lagi.
Inikot namin ni Lukas ang Park. Nang magsawa ay sa mga street na ng looban ng malawak na village namin kami nagkarera.
Napatigil kami sa isang bahay. Mababa lang ang bakod kaya nakita namin si Kuya Eman na kasama ang ilang mga nakalaro namin ng soccer sa park.
Apat sila na nagsasaya maliban kay kuya na nakaupo lang at tahimik.
May ngiti man sa mga labi ay walang sigla ang kislap ng kaniyang mga mata.
Halatang bored si "Itlog"!Itlog tawag namin kay kuya.
Itlog tawag sa kanya ni Papa kasi nung baby pa kami, iyon daw ang pagkakaiba namin sa isat isa.Pareho nga kaming
'penis matulis',
pero malaki ng kaunti ang testiscle niya sa akin.
Sobra talaga ang kalikasan. Lamang na si kuya sa oras ng ipanganak, pati ba naman sa itlog lamang pa rin siya?!It's unfair!!!
"Kuya!"
Tawag ko sa attention niya.
Nakita niya kami at lumapit. Parang yamot na makita kaming nagpunta kung nasaan siya."Pauwi na kami baka gusto mo sumabay?"
Paalam ko sa kaniya baka sakaling muli siyang sumama sa amin pauwi.
I missed him ng ilang linggo kaya gumagawa ako ng paraan na makasama siya.
Oo kasama ko nga siya pero di na gaya ng dati na nakikipaglokohan sa lahat ng bagay.
Parang ang layo-layo na niya."Is that...? Kuya may hikaw ka na?"
Nagulat talaga ako dahil sa lahat ng bagay ay di naglilihim si kuya.
Parang ang bigat ng kalooban ko na nagpabutas ng tenga si kuya ng di man lang sinasabi sa akin.
Nilihim niya ito sa akin...sa Papa at Daddy..."Wag ka na ngang maingay!"
Natahimik ako sa inasal niya.
Huwag akong maingay means secret kay Papa at Daddy ang ginawa niyang paghihikaw."You, iwan mo ang bike ko at uuwi ako mamaya. Umangkas ka na lang sa bestfriend mo pauwi. Kulit ihatid mo siya sa kanila. Mamaya na ako uuwi."
Nagulat pa ako lalo dahil tinawag niya si Lukas ng "You"?
Bakit ganun si kuya sa amin?
May ginawa ba kaming masama?Tahimik si Lukas na bumaba ng bike at isinandal sa bakod.
" Sige kuya, thanks for the bike uli."
Malungkot na sinabi ni Lukas at umangakas sa likod step knot ng bike ko. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. Ngumiti na lang ako kay kuya na nakakunot ang noo sa amin.
Nilisan namin ang kaniyang kinaroroonan at inihatid ko muna si Lukas sa kanilang bahay.Tanging maid lang nila ang nandoon. Si Uncle Sid at si Aunt Loreen namay wala pa. Kaya nagtuloy kami sa sa kanyang kwarto.
Masaya kaming nagpalamig sa handang black gulaman ni nanay Sela,ang yaya ni Lukas. Nanood kami ng anime at nagkwentuhan.
"Napansin mo ba si kuya kanina, parang galit siya sa akin."
Kalagitnaan ng aming kwentuhan ng maging topic namin si Kuya Emanuel sa inasta niya sa amin.
Nailing lang si Lukas, wala siyang maisagot. Puzzled din siya kagaya ko kung bakit parang nagbago na siya sa aming dalawa.
It hurts me na mag-away kami, and worst na awayin din niya si Lukas without any reason. Mabait naman kami...
Napuno na kaya siya sa kakulitan namin?
Nagsawa na ba siya sa company ko o kay Lukas?
Mas masaya ba siya kasama ang iba naming kaibigan?
Bakit naghikaw siya ng hindi sinasabi sa akin?
May problema ba si kuya?Ilan lang sa mga tanong ko bakit siya nagkakaganito.
"There has to be something!"
Kailangang malaman ko kung bakit.
Gusto ko ng bumalik ang dati kong kuya...
I miss you kuya Eman...
*****
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
RomanceSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...