Alister
Two weeks ng wala kaming balita kay Gwapito mula ng malaman nila ang tungkol sa kanila ni kuya.
Two weeks na ring nagiging madalas ang pagliban ni kuya sa klase at laging naalis sa bahay ng hindi namin alam kung saan napunta.
Alam ko nagkausap na sila nina Daddy at Papa kaya kampante ako na napaliwanagan na nila si kuya Emanuel.
Ang mabigat lang ay wala pa akong naririnig sa side nina Uncle Sid tungkol sa pangyayari.
Naiipit na ako sa kanilang problema at naawa na ako sa kuya ko.Kamusta na kaya si Gwapito?
Maging sa mga text ko ay di siya nagrerply. Madalas pang nakapatay ang kaniyang cellphone.Ang lungkot ng kwarto ko kung mag-isa ako at lalong nakakalungkot kung narito naman si kuya Eman.
Two weeks ko na siyang napapansin nang nakatagilid pag nagpapahinga. Magigising na lang ako kung nahikbi siya gabi.
Damayan ko namay magtatakip na lang ng unan sa mukha at sasabihing okay lang siya.
Nararamdaman ko ang sakit na dinaranas niya kapag nakikita kong nakatingin siya sa kawalan.
Alas onse ng siya ay dumating at walang imik na nahiga sa kaniyang kama. Dating gawi na nakatalikod sa akin.
Ayaw niyang ipakita ang kaniyang pag-iyak."Kuya..."
Tawag ko.
Hinantay ko ang kaniyang tugon subalit hikbi lang ang aking narinig.
Nilapitan ko siya at umupo sa kaniyang kama.Awang awa na ako sa kaniya ng muli niyang takpan ang kaniyang mukha ng unan.
Ganito si kuya. Ugali niyang magtakip ng unan pagnalulungkot at naiyak.
Itinatago ang kaniyang kalungkutan."Ayaw nilang makita ko si Lukas...
Ilang araw na akong napunta sa kanilang classroom...pero pinagbabawalan ako ng mga guro na bawal akong pumunta kahit sa building nila...gusto ko lang makausap si Lukas...gusto ko lang siyang makita..."
Iyak ni kuya sa akin.
Kaya pala madalas ang pagliban ni kuya ay inaabangan niya si Lukas sa school o di kaya'y nagbabantay sa bahay nila na nagbabakasakaling magkausap silang dalawa.
Ganito pala ang pag-ibig. May kaakibat na sakit sa kabila ng kasiyahang nadarama.
Move away Romeo and Juliet!Akala ko Okay ang kakalabasan ng kanilang plano. Akala ko ay mauunawaan din ni Uncle Sid ang nangyari kay kuya at Lukas na gaya ng pag-unawa niya sa mga Daddy at Papa ko. Iba pala sa aking inaakala.
Wala naman akong nararamdamang sama ng loob mula kina Daddy sa ginawa ni Uncle Sid.
Time will tell.
Yun lang ang sinabi nila.
Sana nga time will tell ASAP!
Ayaw kong unti-unti ng nababaliw ang kuya ko."Four days na nilang tinatago si Lukas sa akin...sabi nila di raw nakakapasok...Pinuntahan ko siya kanina ang sabi ng maid nila ay wala daw sila doon.
Ilang oras akong naghintay at nakikiusap na gusto ko siyang makausap pero walang lumalabas..."Habag na habag na ako kay kuya at hindi ko na kaya ang nangyayari. Ganito pala siya magmahal...ganito pala niya kamahal si Lukas...seryoso siya...
Kailangan na ngang gumawa ako ng paraan para matulungan ko si Itlog.
Kung di niya kaya ako ang gagawa ng paraan!
"Dyan ka lang ako na bahala!"
Paalam ko kay kuya.
Pinuntahan ko si Daddy at Papa na nagpapahinga na sa kanilang silid.
Kumatok ako sa kanilang pinto at naghintay na papasukin.
Nagbukas ang pinto at hinarap ako ni Papa at pinapasok sa loob ng kwarto. Patulog na pala sila dahil nakahiga na si Daddy kaya mabilis ko silang kinausap.
"Dad can you call uncle Sid. Ask him if pwede daw kayong mag-usap bukas kasama si kuya.
To sort things out daw po."Nagkatinginan ang mga magulang ko.
Tinawagan ni Daddy si uncle Sid. Dinig ko na casual silang nag-uusap sa linya. Nakatingin si Daddy sa akin na nakangiti.
"Okay, tell your kuya na we will meet his Ninong bukas ng tanghali. Sasama ka ba?"
Masaya akong napapayag ni Daddy na makipagmeet si Uncle.
Akala koy nasira na talaga ang pagkakaibigan nila."May gathering kami sa club Daddy kaya si
kuya lang po ang kasama ninyo. Isa pa siya naman talaga ang dapat kumausap sa kanila e."Paliwanag ko.
Muli akong bumalik sa aming silid ng may saya dahil kumpiyansa akong mareresolba na ang problema ng Love Team GwapLog!
Naabutan ko pa rin si kuya sa ganoong ayos gaya ng iniwan ko. Tahimik na siya at hindi na naiyak.
"Kuya all things is going to be fine dont worry. Basta bukas make your life normal at wag ka ng mag-isip. Magkikita na kayo ni Lukas some time soon!"
Ang masaya kong balita.
Inalis niya ang nakatakip na unan sa kaniyang mukha. Mugto ang mga mata na nakatingin sa akin.
Masaya akong bumalik sa aking higaan at inayos ang aking pagkakahiga upang matulog.
Bukas ay may mangyayaring maganda!
Sana?
*****
Maayos kaya ang problema ni Emanuel at Lukas sa gagawing meeting ng mga ama?
Surprise na lang po!
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
Storie d'amoreSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...