Alister
"Ang tagal huh?!"
Unutusan ako ni kuya para abangan si Lukas.
Narito ako sa may gate ng school upang kaunin siya.Kabilinbilinan ni papa na huwag ko ng ulitin ang pagpapanggap na Emanuel.
Pero mapilit si kuya na subukan si Lukas.Napilitan na naman akong gayahin ang ayos niya.
Buhok, clip on earing sa aking tainga,pananamit at convincing look na salamin sa mata.Pati ang pagtawag na baby ay huwag ko raw kalimutan dahil yun ang terms of endearment nila.
Wag ko daw siyang hahalikan kung magkasalubong kami, walang holding hands, walang lambingan, dahil hindi sila ganoon ka showy pag nasa labas.Gawing natural lang na parang gaya ng dati na isang barkada at isang kapatid.
Tatlong buwan na pala silang mag-on at tatlong buwan na rin akong nasanay na kasama sila na sobrang sweet.
Tanggap ko ang kanilang relasyon hindi dahil mahal ko sila at kilala, kundi dahil gusto ko silang lumigaya.
Ayaw kong may nakikitang mahal ko na nalulungkot. Iyon ang kahinaan ko. Nakakahawa ang kalungkutan na parang virus na kumakalat sa buong kabahayan. Saya ang tanging lunas kaya iyon ang aking ginagawa kahit isakripisyo ko ang sarili mapasaya ko lang ang mga mahal ko ng walang pagdadalawang isip.
Dumating na sa wakas ang future bayaw ko.
Grabe ang pag-ibig. Maging si Lukas ay lumiliwanag habang papalapit sa akin.
Iba ang kaniyang ngiti. Ang kaniyang porma, at saya habang papalapit sa akin.
Walang kaalam-alam na ang boyfriend niya ay nasa bahay namin.
Kumaway ako, kaliwete na ang gamit ko dahil kaliwete si kuya. Di na ako maaring magkamali dahil pinag-aralan ko na talaga ang lahat manerismo ni kuya na nakakalimutan kong may pagkakaiba pa rin sa aming dalawa.
Inakbayan ko siya ng makalapit.
"Doon muna tayo sa bahay baby."
Bulong ko sa kaniya.
Isinakay ko siya sa kotse at masaya kaming nagtungo sa aming bahay.
Salamat at hindi niya ako nahalata. Mukhang mapapahiya si Lukas pagnalaman niyang binibiro namin siya.
"Sino tao sa inyo Kuya?"
Tanong niya sa akin. sinagot ko siya ng casual na si Alister lang at kasambahay dahil nasa office at clinic pa ang mga biyenan to be niya.
Natawa siya sa sinabi ko at humikig siya sa aking tabi. Nailang ako na natuwa dahil ganito pala siya sa kuya ko.
Swerte nga ni kuya dahil mas malapit sila sa isat isa. Hindi ko naman siya makuhang halikan gaya ng bilin ni kuya dahil naiilang ako ha ha ha.
Nakarating kami ng bahay at masaya siyang nakipagholding hands sa akin papasok at papunta ng garden area.
Naroon si Kuya Eman na suot ang damit ko at nagpapanggap na ako.
" Bawal ang tweetums sa harap ko pwede?"
Nagkatinginan kami at nagkatawanan ni Lukas.
Success ang palitan namin ng disguise ni kuya dahil sakto ang aming mga arte ng di nahahalata.
Kumalas si Lukas sa aming holding hands at lumapit kay kuya.
Patay malisya lang si kuya at nagbisi-busy-han sa kaniyang ginagawang bike.
Nang biglang halikan ni Lukas sa pisngi si kuya at biglang niyakap.
"Mga sira ulo kayo...akala nyo magogoyo nyo ako ha?"
BINABASA MO ANG
SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)
RomanceSa Ikalawang yugto ng "Ikaw Lang Pare Ko" story kung saan involve ang mga anak ng mag-asawang Lemuel at Lester pagkaraan ng 13 taon mula ng sila ay makasal. Ito ay dalawang kwento ng pag-ibig nA ilalahad ko dahil ang iba sa inyo ay hindi makamove on...