one

8.5K 106 4
                                    

Kaylangan ko ba talagang gawin to? magbakasyon? Hindi ko naman kaylangan yon e.

Pag nagbakasyon ako, maraming trabaho ang maiiwan ko. Ayokong mangyari yon. Ayokong natatambakan ako ng trabaho, nakakapagod kaya pag marami! Hahaha. Gusto ko isa isa ko ginagawa, pero pag sabay sabay na. My god! Hindi na kaya ng utak ko.

Nandito ako ngayon sa room ko, nagiimpake ako ng mga gamit ko. Haaaay! Ang gusto ko magtrabaho, hindi magpahinga. Okay pa naman ako, nakakaya ko pa naman ang magtrabaho e. Pero sadyang oa lang sila, kaya binigyan nila ako ng pahinga.

"Are you done honey?". Napatingin naman ako sa may pinto.

"Mom kaylangan ko ba talaga magbakasyon? Papano ang mga trabahong maiiwan ko?". Umupo ako sa may kama ko at tinabi ang bag na nasa tabi ko.

"Honey". Tumabi naman sya sa akin. "Puro na lang trabaho ang inaatupag mo, gusto ko naman na magpahinga ka. Look at your face". Hinaplos nya naman ang cheek. "Nagmumukha ka ng matanda sa kakatrabaho mo".

"Mom".

"Simulang nagtrabaho ka hiha, hindi kana nagpahinga. Hindi mo na naenjoy ang buhay mo, puro trabaho kana lang".

"Mom nageenjoy naman ako".

"Sa work". Sinimangutan ko lang sya. "Ni wala ka ngang love life e".

"Mom, i dont need that".

"I know. Pero gusto kong magenjoy ka sa ibang bagay, wag puro trabaho. Nagpaparami ka ng pera hindi mo naman nagagamit lahat ng pera mo".

"Kse wala naman akong pag gagamitan".

"Exactly! Hindi ka kse nagpapahinga sa trabaho kaya hindi mo nagagamit ang mga pera mo. Magbawas ka naman hiha". Pagbibiro nya.

"Mommy talaga". Niyakap ko naman sya. "Pero mom bakit sa pilipinas pa ako magbabakasyon, pwede naman dito na lang".

"Nope. Pag nandito ka, agad kang makakabalik sa trabaho. Kaya gusto ko sa pilipinas ka, malayo ka sa trabaho mo".

"How about my work here mom? Sinong maghahandle sa maiiwan ko?".

"Ako, ako ng bahala sa work mo". Humiwalay naman ako ng yakap sknya.

"Ayan, kaya ayaw kong magpahinga dahil ayoko na nagtatrabaho kayo. Dba nga mom, nangako ako sa inyo na pagtapos ko na sa pagaaral. Ako na magtatrabaho sa inyo".

"Anak, namimiss ko na din magwork. Kung alam mo kung gaano ako kabored dito sa bahay. Pati ang dad mo naiirita na sa akin dahil sa pangungulit ko sknya".

"Hahaha kse naman po, alam nyo naman na seryosong tao si dad pagdating sa work, tapos ginugulo mo naman sya".

"Wala nga kse akong magawa dito sa bahay".

Simula kse na nagtrabaho ako para sa company namin, hindi ko na pinatrabaho si mom. Ang gusto ko magpahinga na sya, ayoko na syang napapagod dahil sa pagtatrabaho. Matagal tagal din syang nagwork para sa akin, kaya ngayon ako naman ang magwowork para sa knya.

"Tok!tok!tok!".

"Come in!". Sigaw ko.

"Rafaella tapos kana?". Nakasilip ngayon si dad sa pinto.

"Im done dad". Pumasok naman sya sa room ko. "Kamusta ang meeting dad? Pumayag ba si Mr. Ty?".

"Of course! Parang hindi mo kilala si Mr. Ty, nadadala sya sa pagbobola". Natawa naman ako sa sinabi nya. "Mabuti naman napapayag ka ng mommy mo na magbakasyon ka".

"Araw araw ba naman akong kinukulit dad". Natawa naman sya. "Dad papano ang work kong maiiwan dito?".

"Ang mommy mo". Tumingin sya kay mommy. "Sya ang maghahandle ng mga maiiwan mo. Para naman hindi sya mabored dito sa bahay".

100 Days With Heaven GirlsWhere stories live. Discover now