sixteen (1st day)

3.7K 56 1
                                    

Touchdown boracay! Finally. May napuntahan na din akong lugar. 25 days, yan ang exact na bilang ng pagsstay ko dito. Akala ko naman matatapos ang 100 days ko na wala akong mapupuntahan. Mabuti na lang may nakasama na din ako sa paglilibot ko.

Ang bilis lumipas ng araw, natapos agad yung binigay nilang one week para makapagayos ng schedule. Talagang tinotoo nila yung sinabi nila, pinagaayos nila mga schedule nila. Kaya ang ibang sa knila nagsi-over time sila sa work nila para matapos ang mga gagawin nila. Lalo na sina alexa and valentine, dahil sila ang pumapasok sa company.

Napatingin ako sa mga kasama ko, hindi ko maiwasan hindi mapailing na lang sa knila. God! Bakit ba sinama ako dito sa grupo na to. Look at them, mukha na talaga silang goddesses. Pinagtitinginan sila dahil sa kagandahan nila, pati na yung buddy ko. Hindi naiiwan ang ganda nya. Mukhang marami akong babantayin na alaga ngayon.

Nabaling naman ang tingin ko kay alex na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nakangiti sya ngayon, sa ngiti na yon. Biglang nagflashback sa akin ang nangyari sa amin. Haaaay! Napapafacepalm na lang talaga ako sa isipan ko, bakit naman kse hindi ko na naman napigilan ang pagiging demonyo ko. Dalawa na sila! Dalawa na silang nakipaglaro sa akin. Sana naman wala ng susunod.

Nang may mangyari sa amin ni alex, kinabukasan non. Well, may nangyari na naman sa akin. Sabihin na natin round two. papano ba naman, natutulog ako may kung anong gumagapang sa akin. Kaya naginit ang katawan ko, ayon! May nangyari sa amin. Hindi ko nga alam kung nakailan round kami, bstat ang alam ko hapon na kami nakauwe sa knila.

Paguwe namin sa knila, nandoon lahat sila. Pati yung magkapatid na V. (Valentine/venice) nandon sila. Nakangisi nga mga mukha nila e, samantalang si alexis naman nakapoker ang mukha at napapailing na lang. Nahihiya nga ako sa knila e, dahil magkapatid ang pinatulan ko. Pero para sa knila wala man yon. Haaaay! Mababaliw ako sa magkakapatid na heaven girls.

"Buddy". Nabalik naman ako sa realidad ng marinig kong tinatawag ako ni trevie. Napatingin naman ako sa knya. "Tara na".

"Saan?". Natawa naman silang lahat.

"Mukhang wala sa sarili ang isang hotty natin". Narinig kong sabi ni valentine.

"Sa hotel buddy, tayo ang magkaroom".

"I see. Lets go". Nauna naman naglakad ang magkapatid na V.

Ang magkakasama sa room ay yung heaven girls, sa isang room naman yung magkapatid na V at kami ni buddy ang magkasama. Mabuti na lang talaga nandito ang babaeng to. Kung hindi magisa lang ako sa isang room or baka may isa sa knila ang makasama ko. Nako! Baka yung magiging room ng makakasama ko, maginit bigla. Hahahaha.

"Buddy lets go. Mag shot tayo kahit ilang bote lang, para naman antukin agad ako".

"Yan agad talaga gagawin mo. Atat na atat ka talagang makainom ng alak". Napapailing kong sabi. "Wait lang kunin ko lang ang wallet ko".

"Sure". Nakuha ko naman agad ang wallet ko.

"Tara na". Tumango naman sya, sabay naman kami lumabas.

Binaba lang namin ang gamit namin sa mga kama nila. Paglabas namin, nakasalubong namin ang mga heaven girls. Hm kasama na din sa heaven girls yung magkapatid na V, goddess din naman kse sila. Mukha silang mga anghel, anghel sa kama. Hahahahahaha damn! Nagiging pervert na din ako.

Sabay sabay kami naglakad palabas. Paglabas namin nakita namin agad ang ganda ng bocaray pag gabi, makikita mo ang mga bar. Ginabi na kami sa pagpunta namin sa bora, pero ayos na din yon. Makikita din naman namin bukas ang ganda ng bora sa umaga e. Sa ngayon, gabi muna ang titignan namin.

Apat na araw, apat na araw lang ang pagsstay namin dito. Kaylangan din namin kse bumalik, lalo na may naiwan din kseng trabaho sina alexa and valentine sa company nila. Sandali lang ang araw, pero ayos na din yon. Kaylangan lang namin sulitin ang pagsstay namin dito. Pero mukhang masusulit naman namin, lalo na may kasama akong mga magaganda.

100 Days With Heaven GirlsWhere stories live. Discover now