Anong oras na ba? Nag umaga na ba? Sa tingin ko umaga na at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatulog. Papano nga ba ako makakatulog sa mga nalaman at narinig ko kagabi? Papano? Uggh!
Sino nga ba magaakala na magkakagusto sa akin ang tatlong yon? Aminado naman akong may iba silang nararamdaman sa akin. Hindi naman ako ganon kamanhid na tao para hindi maramdaman yon. Pero ako, pilit ko lang pinapaalala sa sarili ko na baka wala lang yon. Baka namamali lang ako ng nararamdaman, pero eto nga. Totoo pala ang nararamdaman ko.
Si alexa, ang babaeng mahilig sa trabaho. Gnyan ang pagkakakilala ko sa knya ng makilala ko sya. Pero unti unti ko nga nakita ang pagbabago sa knya, nandyan na yung maaga syang umuuwe, nakakasabay na sya sa dinner. Nandyan na din yung hindi na sya lagi nakaharap sa laptop nya. May nagbago na nga sa knya.
Second, si alexis. Ang babaeng ayaw na ayaw ngumiti. Pero ngayon araw araw at oras oras ko na syang nakikitang ngumingiti. Tama nga sila ninang, wala na yung anak nilang poker face. Sya na ngayon ang babaeng palangiti.
And last, si alex. Ang babaeng baliw at may tama yata sa utak. Dati ng hindi ko pa sya close, nakikita ko na ibat ibang lalaki or babae ang nakakadate nya. Sa twing mahuhuli ko nga syang may kasamang ibang tao sa room nya, binibigyan nya ako ng malaking ngisi. Ang ngising nakakapanginit. Damn!
"ugh!". Napasabunot na lang ako sa buhok, umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
Ano nga bang ginawa ko? Bakit nga ba ako nagpapadali sa init? Kung sana nagtiis ako, nagpigil. Hindi sana mangyayari ang ganito. Aaaa! Nakakagago lang at nakakahiya na kali ninang at tito. Hindi ko na alam papano ako haharap sa knila mamayang pagbaba ko. Nahihiya ako sa knila.
Hindi ko naman kse alam na alam pala nila ang mga nangyayaring milagro dito sa bahay. Pinagtataka ko wala naman sila lagi sa bahay, papano nila nalalaman. Haaay, naniniwala na talaga akong malalakas ang radar ng mga magulang. Dahil dyan, wala na talaga akong mukhang mahihiharap sa kanila.
"tok!tok!tok!". Tumayo naman para buksan ang pinto.
"ninang". Si ninang ang bumungad sa akin.
"kain na tayo rafa. Nakahanda na ang breakfast sa baba". Nakangiti nyang pagkakasabi, gusto ko man gantihan ang ngiti nya hindi ko magawa. Nandito pa rin yung nahihiya ako sa knila.
Tumingin naman sya sa likod ko, napasunod naman ako ng tingin. Napakamot na lang ako ng ulo. Haaaay! Napakagulo ng kwarto. Ewan ko ba bakit nakakalat mga damit dito. Sabagay, sino bang kasama ko sa room. Ang babaeng hindi mo alam kung babae nga ba.
"pasensya na ninang, hindi ko alam kung saan na naman pumunta ang babaeng yon. Nagkalat na naman sya dito sa room". Nahihiyang sabi ko sa knya. Narinig ko naman na natawa sya.
"ayos lang rafa, ipalinis na lang natin mamaya sa mga kasambahay". Umiiling naman ako.
"wag na ninang, kami na lang po. Hintayin ko na lang pagdating nya ninang. Maglilinis po kami". Umalis kse yung babaeng yon, hindi ko alam kung saan pumunta at ang aga nyang umalis.
"osgesge. Oh tara na kain na tayo sa baba". Umiiling naman ako.
"mamaya na po ako ninang. Hindi pa po ako nagugutom e". Narinig ko naman na napabuntong hininga sya.
"halika nga". Niyaya nya naman akong umupo sa kama. "rafa".
"ninang".
"alam kong iniisip mo ang mga nangyari kagabi. Hindi mo naman kaylangan isipin yon. Sabi nga ng anak kong si alex, go with the flow hiha".
"hindi ko po mapigilan ninang. At nahihiya po ako sa inyo". Nakayuko kong pagkasabi.
"hiha". Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa akin. "wag kang mahiya hiha, hindi mo naman kasalanan kung magkagusto ang mga anak ko sayo. Alam ko naman na darating ang araw na magkakagusto sila sayo, e ikaw paba. Anak ka yata ng bestfriend ko". Natawa na lang ako sa sinabi nya.