twenty five

2.6K 46 7
                                    

TREVIE POV :
Dahil uuwe na daw bukas si cleo, kaya eto nagyaya syang magshot ngayon.

"Hindi ka iinom buddy?". Tanong ko sa knya ng makapunta kami sa garden, dito nila naisipan pumwesto.

"Sunod ako, may aasikasuhin lang ako". Napakunot naman ang noo ko.

"Ano naman yan?". Tinaas nya naman ang phone nya.

"Tumawag sa akin yung secretary ko, may problema doon sa mga naiwan kong trabaho. Kaya aayusin ko lang". Siningkitan ko naman sya ng mata. "Dont worry buddy, susunod ako. Mabilis lang to, kaylangan ko lang sya matapos para naman agad nyang mapasa kay Mr. Ramos".

"O sge sge, pero sunod ka agad. Wag na wag kang tatakas!".

"Opo". Hinayaan ko na syang makaalis.

"Oh simulan na!". May dalang bote ng alak si cleo. "Wait, nasaan ang bebe girl ko?".

"Nasa room sya, may tatapusin lang daw syang trabaho". Napatango na lang sya sa sinabi ko.

"Ganon, edi simulan na lang natin". At ayon nga naginuman na kami.

Nakailang bote na kami pero hanggang ngayon hindi pa rin bumababa si rafa. Ano na naman kayang nangyari sa babaeng yon? Sinasabi ko na nga ba e, tinakasan lang kami. Mabuti na lang ako lang nakakapansin sa pagkawala ni rafa, dahil yung mga kasama ko may mga tama na.

"Eto seryosong tanong". Biglang sabi ni valentine at humarap sa akin. "Si rafa ba ay may girlfriend?".

"Huh?". Nabigla naman ako sa tanong nya.

"Si rafa ba may girlfriend?".

"Wala syang girlfriend". Yon ang alam ko.

Bigla naman ngumisi si valentine. "Ikaw, may girlfriend kaba?". Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"I dont have". Umiwas ako ng tingin at tinungga ko agad ang hawak kong bote ng alak.

"Yung totoo?".

"Oo nga wala!".

"Oh easy, galit ka agad". Umayos naman sya ng pagkakaupo. "Kayong dalawa ni rafa, kaya ba umuwe kayo dito ay dahil may tinatakasan kayong babae doon?".

"What? Wala no". Ugh, nasaan kana ba rafa?! Ako ang naiipit dito e.

"Weee?". Si venice naman ngayon ang nagreact. "Wala kang girlfriend?".

"Meron". Natahimik naman sila. "Pero noon yon, niloko nya ako e. Pareho kami ni rafa, nakita lang naman namin ang mga girlfriend na nakikipagsex sa ibang tao at lalaki pa yon. Yung kay rafa, matagal na yon. Yung sa akin, ngayon ngayon lang".

"Trevie kaya ba umalis si rafa dahil mas pinili nya ang career nya kesa kay ash". Biglang tanong ni cleo.

"No, nakaplano na talaga yon. Pag katapos magaral ni rafa, susunod sya agad sa parents nya. Pero dahil nga sila ni ash, at sobrang mahal na mahal nya ang babaeng yon. Binago nya ang plano nya, hindi nya kayang iwan si ash. Pero dahil nga niloko sya ni ash, yon na ang nagtulak sa knya para lumipad sa ibang bansa".

"So broken hearted pala ang sweetie ko". Sabi ni alex.

"Hindi naman, wala na din sa knya yon e. Pero mukhang bumalik ulit yata ang sakit sa knya".

"Bakit naman?". Tanong ni alexa.

"Dba nga nung saturday pumunta kami sa manila, pumunta kami sa party ng dati kong classmate. Kaya lang hindi naman namin alam na darating pala doon ang ex nya. Kaya ayan nagkita sila".

"Omygod! Anong nangyari?". Tanong naman ni cleo.

"Ayon nagkasagutan sila". Sorry rafa, nakainom kse ako kaya nagiging madaldal ako.

100 Days With Heaven GirlsWhere stories live. Discover now