"Kc..". Dahan dahan naman syang tumingin sa akin.
"Yes?". No! Hindi ka totoo. "Miss? Are you okay?".
"Miss?". Napaturo ako sa sarili ko. "Hind.. i.. mo.. ak.. o.. kila.. la?".
Dahan dahan naman ang pagiling nya. "Hindi. Im sorry".
At para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa sinabi nya. Anong sinabi nya? Hindi nya ako kilala. Ang kapal ng mukha nya! Dahil sa sinabi nya, lahat ng galit at panghihinakit ko ng sampung taon. Binuhos ko lahat sa isang sampal.
"PAAAAAAAAAAAAAAK!".
"SHIT!".
"Ang kapal mo kc!". Pinaghahampas ko sya sa dibdib. "Ang kapal kapal mo! Tarantado ka!!! Sampung taon? Sampung taon kang nawala! Nawala ka ng parang isang bula kc!! Ang tagal kitang hinintay at hinanap! Tapos ngayon magpapakit ka sa akin na hindi mo ako kilala! Ang kapal ng mukha mo! Ang sama sama mo!".
"Miss stop!". Patuloy pa rin ako sa paghahampas sa knya. "Miss!". Napatigil naman ako ng sigawan nya ako. At hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "Im sorry".
Gustong gusto ko syang saktan ngayon. Gusto kong iparanas sa knya ang ginawa nya sa akin. Pero lahat ng yon nagbago ng sabihin nyang sorry. Bakit gnon? Ang unfair. Hanggang ngayon may tama pa rin sa akin pag sya ang nagsasabi ng sorry. Bakit isang sorry nya lang nawawala lahat ng sakit. Ang unfair!!!
"Im sorry miss. Pero hindi kita kilala". Unti unti naman nyang binibitawan ang kamay ko.
"Ang sakit kc. Ang sakit! Sinaktan mo na ako noon. At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako". Tumingin ako ng daretso sa knya. Wala akong makita sa mata nya. Bakit ganon? "Kc mas masakit ang ngayon, kse hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko".
"Pasensya na miss hindi tlaga kita kilala". At sa pangalawang pagkakataon, iniwan nya na naman ako.
CUUUUUUUUUUUUUUUT!🎬🎬🎬
Ooops! Meron na naman akong bagong love story.👌😏😄