Panglimang araw ko na ngayon. Haaay! Hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawa. Dapat naghahanap ako ng lugar na pwede kong puntahan e. Para naman hindi masayang ang binigay na bakasyon sa akin ng parents ko. Pero eto ako ngayon, wala pa rin mahanap na lugar.
Pagdating kse sa galaan wala akong alam na puntahan e. Ako lang yung taong mahilig sumama, gnon lang talaga role ko sa buhay. Kung baga kasama ko si dora, ako naman ang boots na mahilig lang dumikit kay dora pag dating sa galaan. Gnon lang talaga ako.
Dapat talaga sinama ko na lang si trevie dito. Yung babaeng yon, mahilig sa gala yon e. Pag nabobored na sya sa buhay, bigla kana lang nyang hihilahin. Kung saan saan ka nya dadalhin. Pero kahit gnon, maeenjoy mo naman ang lugar na pagdadalhan nya sayo. Haaay! Bigla ko tuloy namiss ang babaeng yon.
Kung ako naman ang gagala im sure mabobored lang ako. Tsaka hindi naman kse ako umaalis pag magisa lang ako. Sa california, pag umaalis ako sa bahay. Kaylangan kasama si mom or si dad. Gusto ko yung gnon, ayokong gumagala ng solo flight. Nakakaboring kaya yung gnon!
Gusto ko man yayain gumala ang tatlong babae, kaya lang naiilang ako sknila. Tsaka mukhang hindi naman nila ako mapapagbigyan, dahil sa sobrang busy nila sa buhay. Busy lahat sila sa mga trabaho nila, lalo na din sina ninang and tito. Wala nga sila dito e, nalaman ko lang kahapon na umalis pala sila. Dalawang lunggo silang mawawala.
"Haaaaay". Napapabuntong hininga na lang talaga ako.
Nakabukas nga ang tv sa harapan ko, hindi naman ako makanood ng maayos. Wala sa tv ang focus ko. Bumabalik na naman ako sa pagkakabored ko. Pag ganito ang nararamdaman ko, feeling ko namamatay ako. Oa man pakinggan pero gnon talaga nararamdaman ko.
"Hindi ko naman alam na mahilig ka pa lang manood tungkol sa science". Doon lang ako nabalik sa realidad ng marinig ko ang boses na yon.
"Alex". Umayos naman ako ng pagkakaupo.
"Hi". Tumabi naman sya sa akin, kinuha nya yung pillow at nilagay nya sa lap nya. "Mukhang nabobored ka rafa".
"Papano mo naman nalaman?". Nakangiti kong tanong.
"Oh please. Wag ka ngang ngumiti. Lalo kang nagiging hot e".
"Hahahaha! Nice joke alex". Pinatay ko naman ang tv. "So papano mo nga nasabi na bored ako?".
"Kanina pa kse kita tinitignan e. Nakabukas nga ang tv, hindi ka naman nanonood. Ang layo din ng tingin mo. Mukha ka ngang may problema e. Pero nakikita ko naman na wala kang problema sa buhay. So iniisip ko na lang na nagiisip ka ng lugar na pupuntahan mo para hindi ka mabored sa bahay namin".
"Wow! Mind reader ka naman pala". Natawa naman sya doon. "Actually gnon na nga. Nagiisip ako ng lugar na pupuntahan ko. Ilang araw na din kse ako dito sa bahay nyo, wala pa akong napupuntahan na lugar e. Parang wala din kseng kwenta ang binigay nilang bakasyon sa akin".
"Bakit kse hindi ka gumala Nagkukulong ka dito sa bahay namin".
"Papano ako gagala kung wala naman akong kasama. Tsaka hindi ako gumagala kung magisa lang ako. Nakakatanga yung gnon, gagala ka tapos magisa ka lang. Hindi mo maeenjoy ang pag gagala non".
"Gusto mong magkaroon ng kasama". Oh no, ayoko ang ngisi na binigay nya sa akin.
"Hm sana. Pero wala naman akong makakasama e". Umiwas ako ng tingin.
"Gusto mo bang samahan kita". Napamura na naman ako sa isipan ko ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko.
Humarap ako sknya at gnon na lang ang pagpigil ko sa hininga ko ng makita kong nasa harapan ko na sya. Sobrang lapit ng mukha nya. Nagkaduling duling na ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha nya sa akin. Amoy na amoy ko yung hininga nya. Damn! Amoy strawberry. Ang bango!