"Nasaan na kayo?".
"Nandito na kami. Papasok na kami dyan".
"Good. Kilala naman ka naman ng bouncer, kaya madali kana lang makapasok dito".
"Osge. Papasok na kami". Tinago ko na yung phone ko katapos kong makausap si alex.
Niyaya kse kami ni alex na pumunta sa bar nya. Gusto nya dalhin ko dito si trevie, dahil nga nalaman nilang broken hearted ang buddy ko. Tutulungan daw nilang makapagmove on sya. Idadaan daw nila sa paginom ng alak. Oh sympre nangunguna dyan walang iba, kung hindi ang baliw na si alex.
"Wow! Hindi ako makapaniwala ganito ka success ang bar ni alex. Ilang taon na ba ang babaeng yon? At napagsuccess nya ng ganito ang isang bar?". Sigaw na tanong nya sa akin. Hindi na ako magrereklamo kung bakit sumisigaw sya, dahil hindi na kami magkarinigan sa sobrang lakas ng mga sound nila dito.
"Twenty one na yata ang babaeng yon. Ang alam ko lang kse kasing edad ko lang sila". Sigaw na sagot ko sknya.
"Excuse me!". Tumingin naman ako sa taong nasa harapan ko. "Are you rafa martinez?".
"Ya. Why?".
"Pinapasundo po kayo sa akin ni Miss Alex. Sundan nyo lang po ako". Tumango naman ako.
Habang sinusundan namin sya, hindi naman maalis ang pagkamangha ko sa bar nya. Kahit ilang beses ko ng nakikita ang bar na pagmamayari ng babaeng yon, hindi ko pa rin mapigilan na hindi mamangha sa bar nya. Ang ganda kse ng pagkakadesign ng bar nya, kaya hindi na ako magtataka kung bakit sikat na sikat din ang bar nya.
"Nandito na po tayo. Pumasok na po kayo". Binuksan nya naman ang isang pinto.
"Thank you". Sabay na sabi namin ni trevie, pumasok na din kami.
Pagpasok namin nakita namin agad ang mga alak na nasa table. Mukhang nagsimula na sila, hindi nila kami napansin na pumasok. Ang iba kse sknila, busy sa pagkanta. Ang iba naman, ayon! Busy sa mga phone nila. Ang heaven girls at ang magkapatid na venice and valentine lang ang nandito sa VIP room.
"Sweetie!". Si alex ang unang pumansin sa amin. Bumeso naman sya sa aming dalawa ni trevie.
"Oh, another hotty". Pagpansin ni valentine kay trevie. Siniko ko naman ai trevie. Papano ba naman, hindi na naalis ang tingin nya sa mga dibdib ni valentine.
"Hm hi". Nahihiya nyang sabi. Napatawa naman ako, nahihiya lang ang babaeng to pag meron sya nami-meet na babaeng malaki ang hinaharap.
"Ano pang ginagawa nyo dyan. Dito na kayo!". Umupo naman ako sa tabi ni alexa. Si trevie naman kay venice sya tumabi.
"Simulan na ang party!".
Nagsimula na nga ang party namin, nakailang bote din kami ng alak. At ramdam ko na ang tama ng alak sa katawan ko. Haaay! Bakit ba kse napakahina ko pagdating sa alak. Nakakailang shot pa lang ako, pero parang nakakakita na ako ng star sa ulo ko. Samantalang ang mga kasama ko, ginagawa lang nilang tubig ang alak.
"Whoaaaa! Rafa! Rafa! Rafa!". Damn. Napamura na lang ako ng tumapat sa akin ang bote. Oo nga pala, naglalaro kami ngayon ng shot and dare.
"Tch. Dare!". Ngumisi naman sa akin si valentine. Sya kse ang magsasabi kung anong gagawin ko.
"Mamili ka ng iba-body shot mo".
"Haaaash! I knew it". Tumayo naman ako. Hinila ko na lang bigla ang katabi ko.
"Hey sweetie".
"Im sorry alex". Pinahiga ko na sya sa couch.
"Whooooooooo!".