Hindi ko maiwasan hindi mapangisi sa mga nakikita ko ngayon. Papano ba naman lahat ng nadadaanan namin, lahat napapatingin sknya. Halos magkabali bali ang leeg nila, matignan lang sya. Samantalang sya naman, eto nakapoker face lang sya. Walang pakelam sa mga taong nakatingin sa knya.
"Alam mo ba sa kakatingin mo sa akin, iniisip kong may pagnanasa kana sa akin". Napatawa naman ako sa sinabi nya.
"Well kanasa nasa ka naman talaga alexis". Napatingin naman sya sa akin at biglang sumilay ang ngiti sa labi nya.
"Geeez! Ang ganda nya". Yan ang gusto kong sabihin sknya. Kaso nahiya naman ako.
Nandito kami ngayon sa mall ni alexis, niyaya ko syang mamasyal. Pagbaba ko kse kanina napansin kong nakafocus lang sya sa laptop nya, hindi pala sya pumasok sa resto nya. Niyaya ko sya or should i say na hinila ko na lang syang papunta sa mall. Kesa naman magkulong kami sa bahay nila.
Naisipan kong dalhin sya sa mall, sa magkakapatid kse sya lang ang nakita kong hindi mahilig mag gala. Sya kse papasok sa work then pag uwe nya galing sa work daretso sya agad sa kwarto nya. Lalabas lang sya sa kwarto nya pag kakain na. Puro work lang ang alam ng babaeng to, kaya ayan! Poker face lang ang mukha nya sa kakawork. Hahahahaha.
Ewan ko sa babaeng to, parang binagsakan ng mundo dahil sa mukha nya. Wala naman bayad ang pag ngiti e, pero para sknya mukhang may bayad. Hindi sya palangiti, pero pag nakita mo naman syang nakangiti. Masasabi mong sulit ang binayad mo sa pag ngiti nya.
"Rafa gutom na ako". Napatulala naman ako ng bigla syang magpout.
Shit! Shit! Ang cute nya. Isa lang ang nakikita ko sa facial expression nya, yon ang poker face. Dalawa pala, yung ngingiti sya. Pero madalas gamit nya yung pagpopoker face nya. Ngayon, nakapout sya! Ang cute nya. Nagiging bata ang mukha nya dahil sa pagpout nya. Hindi ko tuloy maiwasan hindi sya makurot ang dalawang cheek nya.
"Awww". Pagdadaing nya ng kurutin ko ang cheek nya.
"Ang cute". Binitawan ko ang pagkurot ko sknya. "Lets go, kain na tayo".
Pumasok kami sa jollibee, dito na lang kami kumain. Nag crave bigla ako sa chicken joy nila dito. At mukhang pati ang kasama ko gnon din sya. Pagpasok namin ako na ang nagorder sya. Sya naman ang naghanap ng pwesto namin, nang makuha ko ang order nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasan hindi mapatingin sknya. Nawala bigla ang isang alexis valdez na poker face. Etong kasama ko, sya ngayon ang alexis valdez na laging nakangiti. Sa buong araw naming magkasama hindi mawala ang ngiti sa labi nya. Kaya ako naman, nahahawa din sa pag ngiti nya.
Pagtapos namin kumain niyaya ko syang maglaro sa tom's world. Kung sa manila arcade ang tawag nila. Dito naman sa pampanga, tom's world ang tawag nila. Maraming tao din ang nandito, halos mga bata din. Sabagay, summer na. Kaya maraming bata ngayon ang pakalat kalat sa mall.
"So anong lalaruin natin?". Tanong ko sknya. Nandito pa rin kami sa labas.
"Pwede bang umuwe na lang tayo, may gagawin pa kse ako". Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Alam mo wag puro work ang gawin mo. Mag enjoy ka naman". Kung makapagadvice ako sknya, parang hindi ko din sya katulad. Na puro work din ako.
"Tss. Para sa mga bata lang naman yan e".
"Anong sa mga bata lang. Sa lahat yan. Tsaka tara na maglaro na lang tayo". Hinila ko lang sya papasok sa loob.
Pumunta ako sa counter para bumili ng ticket. Napakamot pa ako ng ulo dahil sa kahihiyan. Hindi pala ticket ang binibili dito kung hindi tocken. Yon pala ang ginagamit nila dito para makapaglaro ka. Ang ticket naman na binibili ko, ayon ang ang makukuha mo sa twing mananalo ka sa larong lalaruin mo. Nakalimutan ko, wala pala ako sa manila. Nasa pampanga pala ako.