Thirty One

158 4 7
                                    

"so kamusta? Ayos ba ang lasa?".

"Hm".

"Rafa!!".

"What?". Binigyan ko sya ng nakakalokong tingin. Nakita ko naman papano nya ako irapan. Hahaha ang cute talaga mainis ng babaeng to.

"Ewan ko sayo".

"What? Ano ba problema alexis. Masarap nga sya".

Well nandito lang naman kami sa kusina, etong babaeng to naisipan nya kasing ipagluto ako. Kanina kasi nakita nya akong nakatulala, papano ba naman kasi wala na naman akong magawa dito. Nanonood ako ng tv kanina pero yung focus ko wala naman sa tv. Kaya ayon, nung makita nya ako niyaya nya ako sa kusina at pinagluto nya ako.

"Aww". Ayon ang babae, nakuha na akong batuhin ng spoon at tumama sa noo ko. "Ano ba naman yan. Ang sakit kaya non". Napahimas tuloy ako sa noo, don kasi tumama yung spoon na binato nya sa akin.

"Papano po kasi natutulala ka na naman". Umayos nman sya sa paguupo.

Dahil sa pag aayos nya ng upo, wala sa sariling napasunod ang tingin ko sa legs nya. Damn! Those legs, nakaakit tingin. Naramdaman ko naman ang tingin nya, umakyat ang tingin ko sa mukha nya at don ko nakita ang nangaasar nyang mukha. Ts! Naramdaman ko na lang na biglang uminit ang aking mukha.

"Oh ano, nagugustuhan mo ba yung view?". Bigla syang ngumisi.

"Ts!". Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dito sa niluto nya.

"Rafa". Umangat naman ang tingin ko saknya ng tawagin nya ako.

"Hm".

"Kamusta naman ang pagsstay mo sa amin?".

"Ayos naman. Masaya, sobrang saya!". Hindi ko mapigilan hindi mapangiti.

Totoo naman, sobrang saya ang pag sstay ko dito. Masasabi kong sobrang sulit ang pag babakasyon ko dito sa pampanga. Mabuti na lang talaga, pinilit ako ng parents ko na makapag bakasyon kung hindi, hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong feeling. Yung tipong wala kang inaalala na mga papeles sa harapan mo, wala kang inaalalang tawag na galing sa mga katrabaho.

Nakakamiss din pala yung ganitong buhay, yung parang buhay bata ka lang. Yung gigising ka kahit anong oras, yung kakain ka kahit anong oras. Makakapaglaro kapa dahil maraming oras ang meron sayo. Hindi lang yon, nakukuha ko na ngayon makisalamuha sa ibang tao. Nakakasama sa mga galaan, tapos naeenjoy ko pa ang bawat lugar na napupuntahan ko. Damn! Nakakamiss ang ganitong buhay.

Noong panahon na nakapagtrabaho na ako, wala na akong alam gawin kung hindi puro work. Trabaho doon, trabaho dito, trabaho kung saan saan. Kaya hindi ko na naenjoy ang buhay ko. Doon na lang umiikot ang mundo ko, puro sa trabaho. Ang goal ko lang kasi noon ay makabawi sa magulang ko. Sa sobrang focus ko sa goal ko nakalimutan ko na meron pa lang salitang "pahinga".

Pahinga na minsan hindi ko pa makuha. Kahit na kasi magkaroon ako nag day off noon, mas pipiliin ko matapos ang mga dapat matapos. Kaya yung salitang "pahinga". Sa akin hindi uso, kasi mas pipiliin ko na lang mag work. Kaya nga doon sa office ko parang may sarili na akong bahay don. May kusina may cr at may room ako don. Kasi minsan nakakalimutan ko na yung oras at don na ako inaabutan ng gabi.

Kaya hindi ko din masisisi ang parents ko bat pinatapon ako dito sa pampanga e. Gusto din nila ako magenjoy at masasabi ko nga na worth it ang pag babakasyon ko dito. Dahil naramdaman ko ulit ang ganitong feeling, yung walang inaalalang trabaho. Haay! Pag natapos talaga ang bakasyon na to, uulit ulitin ko to. At sa susunod naman kasama na parents ko. Sila naman ang kasama ko magbakasyon at babawi ako sakanila.

"Hey rafa". Nagising naman ako sa pag kakatulala dahil sa boses na yon.

"Hm sorry sorry". Tinabi ko naman yung plate na pinag gamitan ko. "Ano kasi sinasabi mo?".

100 Days With Heaven GirlsWhere stories live. Discover now