nineteen (3rd day part2)

3.3K 38 0
                                    

"Aaaaaaaa! Bwisit! Nakakainis! Ang malas!". Pinagsisipa ko ang buhangin sa sobrang inis ko.

"Kahit anong gawin mong pagsisigaw dyan, wala yang matutulong". Lalo naman akong nainis ng marinig ko ang boses na yon, napakalmado lang.

"Ikaw!". Hinarapan ko sya. "Bakit hindi ka nagaalala?! Nakikita mo naman, hindi tayo makaalis sa islang to! Wala tayong magawa kung hindi magpalipas ng gabi ngayon dito. Hindi mo ba alam!". Halos lumabas ang ugat ko sa leeg sa kakasigaw.

"Shut up!". Napatahimik naman ako. "Alam kong wala tayong magagawa idiot. Pero ikaw, sa kakasigaw mo ba dyan sa tingin mo makakaalis tayo? Hindi dba. Tsaka hello! Isang gabi lang naman rafa, napaka-oa mo naman. Akala mo naman isang taon ka magsstay dito. Isang gabi lang! And rafa, meron naman tayong bahay na pagsstayin, so ano pang pinopoblema mo? Makakauwe din naman tayo bukas".

Habang nageenjoy kami kanina sa pagjejetskie, napatigil kami sa isang isla. Nagenjoy kami masyado sa isla, napansin na lang namin na gabi na lang. Paalis na sana kami ng hindi na umandar ang jetskie, yon pala wala na syang gas. Kaya hindi kami makaalis dahil wala kaming masasakyan pabalik sa hotel namin.

Lumapit kami sa isang bahay na kung pwede doon muna kami magsstay ngayong gabi. Mabuti na lang mabaet ang magasawang yon, okay naman sa knila na magstay kami. Dahil hindi lang pala kami ang nakaranas ng ganito. Marami din pa lang tourist ang nagaya sa amin.

Okay lang naman sa akin na magstay ngayong gabi dito, pero kse inaalala ko ang mga kasama namin. Im pretty sure nagaalala na ang mga yon. Hindi naman kami makatawag dahil wala kaming dalang phone, hindi naman kami pwedeng makitawag dahil wala naman phone ang magasawa na nakilala namin. Pati mga anak nila wala din phone, kung meron man hindi din kami makakatawag. Mahina ang signal!

"Rafa pumasok na tayo". Napabuntong hininga naman ako at sumunod na sa knya.

Pagpasok namin sa bahay, naghahanda na ang magasawa ng dinner nila. Nahiya naman ako bigla, mukhang sakto lang ang dinner nila at para sa knila lang yon. Pero eto kami, makikisali pa kami sa knila. Nakakahiya talaga! Pero kahit nahihiya ako hindi ko maiwasan hindi matakam sa mga hinahanda nila. Nakakagutom!

"Halina kayo mga hiha, magsiupo na kayo".

"Sge po". Umupo naman kami.

Napagmasdan ko ngayon ang pamilya nila aling julie and ni manong caloy. May edad na ang kanilang mga ichura, pero kahit gnon makikita mo pa rin sila na nakakaya pa rin nila makapagtrabaho para sa pamilya nila. May anak silang dalawa, si aliya and alfredo. Mga teenager ang mga anak nila. Nakilala namin sila kanina.

"Pasensyahan nyo na hiha kung gnyan lang ang mga hinanda namin. Pero mabubusog naman kayo". Nakangiting pagkakasabi ni aling julie.

"Ay nay, okay lang po to. Hindi naman po kami mareklamo sa pagkain. Bstat pagkain po yan, okay na po sa amin". Napangiti naman ako sa sinagot ni alexa.

"Gnon ba. Mabuti naman". Ngitian naman namin sya.

"Awww". Napahawak naman ako sa kamay ko ng paluin ako ni alexa.

"Ssssssh". Nahiya naman ako bigla ng makita kong nagdadasal sila.

"Sorry". Ngitian nya naman ako. Nakisali din kami sa pagdadasal.

"Sge na kumain na kayo hiha". Tumango naman kami kay manong caloy.

"Manong caloy, hindi po ba kayo nahihirapan dito? Napansin ko po kse na kayo lang ang nakatira dito sa islang to". Pagtatanong ko sa knya.

"Hindi naman hiha, sanay na din kami. Marami kaming nakatira dito hiha, nandoon lang sila sa dulo ng islang to. Humiwalay lang kami sa knila". Sagot nya naman sa akin.

100 Days With Heaven GirlsWhere stories live. Discover now