To heaven girls :
Good morning girls! Kung hahanapin nyo ako ngayon, kasama ko ang buddy ko. Nasa mall kami ngayon. So see you later girls! :*Tinago ko ang phone ko pagkatapos kong magtext sa tatlong babaeng natutulog pa. Maaga kaming umalis ni trevie, hindi pa nga yata nagoopen ang mall umalis na kami agad sa bahay. Nag hintay na lang kami doon sa tinatawag nilang ASTRO, doon na muna kami tumambay ni trevie.
"Nagtext kana ba sa knila buddy?".
"Yap. So nasaan na yung inorder mo?". Nandito kse kami ngayon sa jollibee. Namiss daw nya kumain sa jollibee, sakto lunch din naman.
"Susunod na. Marami na akong inorder, namiss ko kse talaga ang jollibee".
"Halata nga. Sooo". Tinignan ko sya ng seryoso. "Alam naman ba nila tita na nandito ka?".
"Alam nila. Pero hindi sila pumayag na magbakasyon ako dito. Ang gusto kse nila ayusin ko ang nasirang relasyon naming dalawa ni nath". Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Hindi ba nila alam na niloko ka ng babaeng yon".
"Alam nila. Pero gaya din ng sabi mo, sinabi din nilang walang perpektong tao. Gusto nila bigyan ko ng second chance ang babaeng yon. Lalo na si dad, pinipilit nyang balikan ko daw ang babaeng yon".
"Wow! Kung dati ayaw na ayaw ni tito na pumatol ka sa babae. Tapos ngayon pinipilit nya. Iba na talaga nagagawa ng pagibig buddy".
"Sinabi mo pa. Dahil nga nagiisang anak ko, at nagiisang anak din sa nath. Kung magkakatuluyan daw kami, pwede daw maging magpartner ang mga company namin". I knew it. Bilang nasa business world sila, kaylangan nga nilang alagaan ang kanilang mga business.
"Matalino din si tito. Pero buddy, may tanong ako sayo. Ayaw mo na bang makipagayos sa babaeng yon. Kung alam mo lang..". Hindi ko alam kung dapat ko nga bang sabihin saknya ang paguusap namin ng ex nya.
Ya, nang dumating dito si buddy. Kinabukasan lang, tumawag sa akin ang ex nya. Nagpapatulong sya sa akin na tulungan syang makausap si trevie. Nagtataka lang ako, mukha naman mahal na mahal nya ang bestfriend ko, pero bakit nya niloko ang bestfriend ko. Ang sabi ko sknya tutulungan ko lang sya kung sasabihin nya sa akin ang dahilan kung bakit nya ginawa yon, umiiyak lang sya. Hindi sya makapagsalita.
"Anong kung alam ko lang?". Nagkasalubong ang dalawang kilay nya.
"Noong isang araw kse, tumawag sa akin ang ex mo. Nagpapatulong syang makausap ka. Gusto nya din magkaayos kayo, pero ang sabi ko sa knyan tutulungan ko lang sya kung sasabihin nya ang dahilan nya kubg bakit nya nagawa yon. Hindi naman sya makasagot, dahil puro iyak lang sya".
"Hayaan mo na sya, kahit ano pang sabihin nya. Hindi nya pa rin mababago na sinaktan nya ako. Niloko nya ako". Nakikita ko pa rin ang sakit sa mga mata nya. "Oo mapapatawad ko sya, pero hindi ko pa alam kung kaylan ko sya mapapatawad. Kaylangan ko muna kse tanggalin lahat ng sakit na binigay nya sa akin. Ang sabi mo nga, mageenjoy muna ako. Baka sa kakaenjoy ko, makalimutan ko ang ginawa nya. Baka mapatawad ko sya".
"Mapapatawad lang buddy?". Natawa naman sya.
"Step by step muna tayo rafa. Ayoko lahat madaliin, tignan mo. Minadali ko kse ang relasyon naming dalawa. Kaya ayan, namadali din ang tapos naming dalawa".
"Ang dami mo pang sinasabi, sabihin mo lang nageenjoy kana sa company ni venice". Tinaasan nya ako ng kilay.
"Ano naman kinalaman ng babaeng yon dito sa usapan natin?".
"Wala lang. Ramdam ko kseng may namumuong something sa inyong dalawa".
"Tch. Ang dami mo alam buddy, ilang araw pa lang kami magkakilala ng babaeng yon. Tapos gnyan na agad iniisip mo. Mukha na ba akong malandi sa paningin mo". Tinawanan ko lang sya. Sinamaan lang nya ako ng tingin.