Chapter 2

37 6 3
                                    

[Veronica]

Nasa labas na kami ng University at sandamakmak na ingay ang naririnig ko kahit na hindi kami ganoon karami.

At binabagabag pa rin ako ng mala-hallucinated words na yun. Bakit kaya ganoon ang narinig ko? Bakit bigla na lang ako nakarinig ng ganoon? Mukha kong tanga sa part na 'toh. Tsk.

d-_-b

Pero kahit anong isip ko ay di ko pa rin iyon mapagtanto. Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang lalaking nagpunta sa room namin kanina.
"Ate Veron, okay ka lang?" Napatingin ako sa may tabi ko at nakita ang kapatid ko. Pinat ko siya.

"Oo, okay lang ako... Kanina ka pa nagtatanong ahh!" sabi ko at pinitik siya sa noo.

"Ouch! Tsk... Nagaalala lang sayo yung tao, namimitik ka pa!" sabi niya at tumalikod sa akin. Nagsesenti na naman ang kapatid ko.

d-_-b

"Tch... Oo na... Sorry na..." sabi ko.

"Parang napipilitan ka lang ehh!" sabi niya habang humaharap.

"Oo, napipilitan lang ako."

"Ano sabi mo?"

"Napipilitan lang ako,"

"Ano?"

"Pilit lang!" nakapoker face na sabi ko. Nagpout siya.

"Tsk... Pilit na nga! Inulit-ulit mo pa!" sabi niya.

"Paulit ulit ka ring nagtanong ehh," sabi ko sa kaniya.

d-_-b

"So hindi ka sincere sa paghingi mo ng sorry?" tanong niya at tiningnan niya ako.

"Oo... Kanina," sabi ko at tumingin ng seryoso sa kaniya.

"I'm sorry," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Niyakap niya ako. Hindi na ako nagulat dahil nakaakap ng nakaakap yan sa kin.

"Sweet niyo lang ahh... Akala ko ba bitter ka?" Napabitaw ako kay Nica at tiningnan ng masama si Drake.

"Tumahimik ka diyan! Kanina ka pa, sasapakin na kita!" sabi ko sa kaniya at tumawa lang sila ni Lyka.

"Okay, Collieries we have an urgent field trip, and because it's an urgent one you will pay nothing." napatingin kami parepareho sa harap at nakakita ng mga lalaking nakaitim.

"It is an authorized trip so don't be anxious okay?" Sabi ng isa sa kanila at tumango tango naman yung iba, sa tingin ko may 50 kami dito.

"Wala akong alam na ganito." pabulong na sabi ko kay Nica.

The MazeWhere stories live. Discover now