A/n:
Sa naloko ng chapter 9, last update. Peace tayo! Hahaha. Here's the real update. Sorry. 😂😂😂
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Veronica]
"Ano na plano?" tanong ko sa dalawang katabi ko dahil palapit na ng palapit samin ang mga creepers eklabush ng maze.
"Ummmhhh... Takbo?" Sabi ni Adrian at tumawa. Napatingin kaming dalawa ni Drake sa kaniya.
"Uto ka ba? Paano ka tatakbo ehh... Napapaligiran na tayo." sabi ko at umirap. Minsan di ko alam kung nagaabnormalan-abnormalan lang ba siya o abnormal talaga.
d-_-b"Ade lumaban tayo." sabi ni Adrian at tumawa. Confirm! Abnormal talaga.
d-_-b
"Tsk! Bahala kayo!" sabi ko at nagsimula nang tumakbo papalapit sa amin ang mga creepers. Napakanice.
d-_-b
"Wala tayong choice." sabi ni Adrian habang nakangisi. Abnormal.
d-_-b
Umirap na lang ako. Napansin naming palapit nang palapit ang mga creepers sa amin kaya nagtabi kami at hinarap sila.
"Talagang wala na tayong choice, mapapalaban tayo." sabi ko at tiningnan ang anim na creepers na nakapalibot sa amin.
Tumahimik ang paligid at tanging paghinga ko lang ang aking naririnig kung sasabihin may dumaang anghel sa sobrang tahimik, isang anghel na napadaan sa impyerno at sa oras na makalagpas na ay babalik na ulit ang gulo.
Napapikit ako at pinakaramdaman ang paligid. Biglang naging maingay. Napakaingay. Huminga ako ng malalim, binaba ko ang bag ko at unti unting dinilat ang mata ko at ngumisi.
"Bring it on." bulong ko at sumugod na sa akin ang dalawang creepers na nakamaskara. Kailangan talaga nakamaskara? Ganoon ba talaga kasama ang mukha nila?
Sabay silang sumuntok. Hanep hindi ba pwedeng isa-isa? Pero keri yan ng dyosang katulad ko. Kamag anak kaya ako ni Athena.
"Wait ako lang ba o nag-iba ang aura ni Veron?" sabi ni Drake. Wutt?
"She's always like that when ever she fight. Don't you know it?" narinig kong sagot ni Adrian.
Iniwasan ko ang mga suntok ng isa at sinasalag ang mga suntok ng isa pa. Lalaki ba ang mga 'toh? Bakit ang hina nila sumuntok?
Nang makakita ako ng tamang pagkakataon sinipa ko sa tagliran ang isa at sinuntok sa sikmura ang isa pa. Napaluhod silang dalawa kaya ginawa kong hagdan ang hita at likod nila para makatalon sabay hinatak ang maskara na suot nila habang nasa ere ako.
"And the goddess sticks the landing!" sigaw ko ng maapak ko na ang mga paa ko sa lupa. Ang ganda ko! Pak ganern! Para kong tanga.
d-_-b
Tumingin ako sa mga creepers na nakayuko pa rin hanggang ngayon. Problema ng mga 'toh?
d-_-b
