Chapter 4

14 5 0
                                    

[Veronica]

"Ate, what will happen to us?" Napatingin ako kay Nica.

"What do you mean by that?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko na naman na umiyak na naman siya.

"What if we never find our way home?" Umiiyak na sabi niya. Napahinga ako ng malalim.

"If we can't, Mom will sure find a way to find you." I said and gave her an assuring smile. She smiled and wipe her tears.

"Ate, I'm tired." napatingin ako sa kaniya. Actually, I am too, but I can't stop. I need to be strong for my sister.

Pagabi na at sa tingin ko ay alas sais na nang hapon at kaninang 9 pa kami ng umaga lakad nang lakad. I haven't eaten anything since then but good thing Drake have enough food to feed Nica. I can endure hunger but I don't think she can.

"Okay," napatingin ako kay Drake. Iniabot niya sa akun ang bag niya. "You hold this," sabi niya sa akin at bigla siyang lumuhod. "And you, pumasan ka sa akin." sabi naman niya kay Nica.

Tiningnan ako ni Nica na parang nagtatanong. Ngumiti ako at tinanguan siya. Pumasan na siya sa likod ni Drake at sinabit ko naman sa likod ko ang bag niya.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang minuto narinig kong nagrereklamo na ang iba naming kasama. Biglang nabuwal si Drake. Pagod na siya. Tumingin ako kay Nica na aandap-andap na ang mata. Lumapit sa akin si Adrian.

"I think we should stop here." napatingin ako sa araw at halos wala na 'toh.

"I think we must," sabi ko. "But it's not safe here." dagdag ko pa.

"Look!" Nagulat ako ng biglang humiyaw ang isa sa mga kasama namin.

"I think it's a village or some sort of that thing." napatingin kami sa tinuro niya at nakakita ako ng maraming bahay na nakasindi ang mga ilaw. Naghiyawan sila.

"Let's go! I'm sure if we go there they will help us!" Sabi pa ng isa at tumakbo na sila papunta r'on. Tumingin sa akin si Drake at ngumiti. Tatayo na sana siya ng bigla siyang nabuwal. Tumakbo ako papalapit sa kaniya gan'on din si Adrian.

"Your too tired, I'll carry her." sabi ni Adrian kay Drake tumango na lang siya at binigay si Nica kay Adrian. Naramdaman kong nasa likod ko su Lyka.

"Come on, Lyk. Let's help this one." sabi ko at inalalayan namin si Drake sa pagtayo. Pahakbang na ako ng may marinig ulit ako.

'Don't go there. Darkness hides in the obstacles when the sun is rising up.'

Napahawak ako sa dibdib ko at sunod-sunod na paghinga ang kumawala sa bibig ko. Napakurap ako at pilit na inaalala ang mga salitang narinig ko ngunit ang natandaan ko lang ay, don't go there at darkness and the sun is rising.

Masyadong mahaba ang narinig ko para maalala 'yon ng saglitan lang.

"Veron, ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Lyka. Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang sakit ng ulo ko at tinanguan ko si Lyka.

"Oo, halika na." sabi ko at nag umpisa ng maglakad. Napabuntong hininga ako at kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Ewan ko kung bakit, pero di ko na lang din pinansin at baka mahalata ako ng mga kasama ko mahawa pa sila sa akin.

Ilang minuto lang ay napuntahan na namin ang mga bahay. Maraming tao dito. At sinalubong nila kami.

"Nasan na po yung iba naming kasama?" Tanong ko habang nakaalalay pa rin kay Drake.

The MazeWhere stories live. Discover now