Chapter 6

19 5 0
                                    

[Veronica]

"'Nak ng tokwa di ba sila napapagod?" Hiyaw ni Drake habang tumatakbo. Ilang minuto na kaming tumatakbo pero hindi pa rin sila tumitigil sa paghabol kaya di rin kami tumitigil sa pagtakbo. Buti na lang at nakapang PE ako.

Hinihingal na ako pero kaya ko pa naman. Sa araw araw na nagnanakaw ako mahigit isang oras ang tinatakbo ko. Pero... Napatingin ako kay Drake.

Sanay ako sa takbuhan at alam kong sanay si Adrian sa paguran pero si Drake? Palagi lang nasa bahay nila 'yan. Makakatagal kaya siya?

"Veronica," bumalik ako sa sarili ko ng humiyaw si Adrian at nakita kong pabangga na ako sa puno. Umiwas ako pero tumama ang balikat ko.

"Tsk... Mahuhuli ka! Tumingin ka sa tinatakbuhan mo!" sabi niya at tumingin na sa harapan. Bakit ba kasi may puno sa gubat? Kasalanan ko bang close an kalikasan sa dyosa? Wala na namang sense ang sinasabi ko sa utak ko.

d-_-b

Lumipas ang sampung minuto at wala na akong naririnig na humahabol sa amin. Tumigil si Adrian sa pagtakbo kaya tumigil na rin kami. Hihinga-hinga akong napaupo sa isang puno. At si Drake naman ay nakahawak sa tuhod niya habang nakayuko.

"Sa tingin ko, mas mainam na magpatuloy na tayo kahit maglalakad lang." sabi ni Adrian. Tumango naman kaming dalawa ni Drake. Iniabot sa akin ni Adrian ang kamay niya, tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Let's go," sabi niya kaya iniabot ko ang kamay ko at hinila niya ako patayo. Naglakad na kami at sa kada lakad namin ay nakikiramdam kami sa paligid.

'Stop,'

Nagulat ako ng marinig ko 'yon at nakatapak ng bato na naging dahilan ng pagkadulas ko. Nanlaki ang mata ko ng masipa ko ang bato at nakarinig ng naputol na sanga at lumabas ang isang tali sa ilalim ng lupa na sumabit naman sa puno. Napakurap ako.

Lumapit si Drake sa akin at tinulungan akong makatayo. Lumapit naman si Adrian sa may tali sa puno at tiningnan 'yon.

"Traps..." Sabi niya. Kinuha niya ang bato at binalibag niya sa baba. Napanganga ako ng makita ang napakarami pang tali na nakasabit sa mga puno.

"Good thing you stopped and fell," nakangising sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama at tumawa lang siya. Napangiti ako ng wala sa oras. Bakit ang gwapo niya tumawa?

d>_<b

Kainis naman ako ehh... Nawrong turn ka na nga nakukuha ko pang gumanito. Wait lang. Nagtaas ako ng kamay at takhang tumingin lang sila sa akin.

"Na-wrong turn na ba talaga tayo? 'Pag nahuli ba nila tayo, tatagain ba nila tayo at kakainin ng buhay?" Ninenerbyos na tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang dalawa at humagalpak ng tawa.

"Ano nakakatawa?" Tanong ko sa kanila at mas lalo lang silang tumawa. Seriously? Nagtatanong ako ng maayos... Baliw na ba sila?

d-_-b

Nang nahimasmasan sila ay tumingin sila sa akin. Iiling iling na nag iwas ng tingin sakin si Adrian habang si Drake ay nakangiti lang. Kumuha ng isang mahabang sanga si Adrian at nag umpisa na siyang maglakad.

The MazeWhere stories live. Discover now