[Veronica]
"Come on, Nica." tawag ko sa kapatid ko at gumapang naman siya palapit sa amin. Naasog ni Adrian ang upuan sa tatlong sipa lang. Ang galing diba? Ade siya na malakas.
d-_-b
Mahina daw ako. Hindi naman. Sadyang mas malakas lang siya at malay mo naman may favoritism yung upuan na 'yon. Ano ba sinasabi ko? Upuan? Favoritism? Malala na ako.
d-_-b
"Ate Veron, I'm scared" sambit niya nang nasa harapan ko na siya. Niyakap ko siya. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Hindi dito. Hindi ngayon.
"Everything will be fine, just go down for now." mahinahong sabi ko at bumitiw na sa kaniya. Bumaba na siya habang inaalalayan nila Adrian at Drake.
Ginala ko ang mata ko para makasigurong walang naiwan pang buhay na estudyante dito. Napatingin ako sa baba ng upuan ni Drake at nakita ko ang bag ko at bag niya.
"Veron!" tawag sa akin ni Drake. Tiningnan ko siya.
"Saglit lang!" sabi ko at gumapang palapit sa mga bag. Isinabit ko ang bag ni Drake sa likod ko at sinabit ko naman sa harapan ang bag ko. Para tuloy akong ewan. Tsk.
d-_-b
"Veron, bilisan mo!" narinig kong sigaw ni Adrian.
"Eliminate the students in the bus," napalingon ako sa may harap at nakita ko ang mga nakamaskara. Shocks!
"Veron, what's going on?!" narinig kong sigaw ni Adrian. Tinutok sa akin ng isa ang baril niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero hindi ako makagalaw. Adrenaline anyare sa'yo?!
d>_<b
Tumino ka Veron! Anong ginagawa mo? Kailangan mong gumalaw bobo! Pero wala talaga, ayaw gumalaw ng katawan ko. I saw the masked guy pull the trigger. I close my eyes and waited for the bullet to hit me.
Eto na po ang katapusan ng isang Veronica Mae Collier na isang ganap na dyosa. Ito na ang magiging pinakapangit na pagpatay sa isang dyosang tulad ko.
Teka lang nga mamatay na nga ako pagiging dyosa pa rin ang nasa utak ko ang hirap talagang maging maganda ano ba yan.
d--,b
But I guess this will be the end of my story. I let out a deep sigh and accept my faith. And then someone pull me up. Napadilat ako at kitang kita ko ang pagtama ng bala sa bag ko.
"In situations like this. You should move idiot." bumilis ang tibok ng puso ko at napalingon sa lalaking nasa tabi ko. Kinuha niya ang bag ko at binalibag sa lalaking nakamaskara na bumaril sa akin. Teka!
"Bag ko 'yon!" sigaw ko at pinitik niya ako sa noo. Napahawak ako sa noo ko. Masakit! Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Nica.
dT_Tb
"Tsk... Bobo ka ba?" Tanong niya. Napalingon ako sa harap at nakita pa ang ibang nakamaskara.
