[Veronica]
"Papasok na ba talaga tayo?" tanong ko habang nakatingin sa isang napakalawak na pasilyo na may nakalagay na Station 2.
"Ayaw mo ba?" nakangising tanong sa akin ni Adrian, inirapan ko siya kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang tumili. Tsk.
d-_-b
"Gusto... Gustong-gusto ko nang makalayas dito para mapuntahan sila Lyka at ang kapatid ko." napahinga ako ng malalim ng mabanggit ko na naman sila. Tama nga bang iniwan namin sila d'on?
"Oh ayun naman pala, tara na!" sabi niya at naglakad ng pigilan siya ng isang lalaki na taga Sakura Academy.
"What are you doing man?" inis na tanong ni Adrian. Tinaasan siya ng kilay nito.
"You can't go in." sabi nito. Naguguluhang tiningnan siya ni Adrian.
"There must be at least 20 persons going in." sabi nito. Napabuntong hininga si Adrian. Umupo na lang ako sa may sahig at inintay na may dumating pero nakakatatlong oras na kaming nag iintay ay wala pa ring pumupunta dito. Mga duwag.
d-_-b
"Hayss... Mukhang duwag naman ang iba dito ehh... Hindi pala iba lahat pala! Wala man lang lumalapit!" sigaw ni Adrian at sinabunutan ang sarili.
"Totoo, isang buwan na akong naghihintay at pangatlo na kayong batch na napupunta dito mula ng dumating kayo... Pero wala pa ring lumalapit." sabi naman ng lalaki kaya napatingin ako sa kaniya.
"Isang buwan ka nang nandito?" tanong ko at tumango siya.
"May Division Contest daw nang araw bago ako mapunta dito at pinatawag pa ako kaya wala akong nagawa kundi ang sumama... Pero eto pala ang mangyayari." sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"By the way, my name is Cloud Knight." sabi niya at lumapit sa amin.
"I'm Drake." sabi ni Drake at nakipagkamay.
"Adrian," tipid na sabi naman ni Adrian at kumaway lang.
"Veronica." sabi ko at nakipag shakehands sa kaniya. Ngumiti siya at umupo na lang din.
Lumipas pa ang ilang oras at gumabi na. Anak ng tupa. Nagugutom na ko.
d-_-b
"You know what it's getting dark, I think we should rest." sabi ni Cloud habang tumatayo at pinapagpag ang damit niya.
"Where?" gulat na tanong ni Drake. Oo nga naman... Saan? Ehh puro semento lang ang nandito.
"Follow me," sabi ni Cloud at lumakad na siya. Nagtinginan kaming tatlo at nagkibit balikat lang ako at sinundan si Cloud.
