[Veronica]
Bago pa man sumikat ang araw ay nagising na ko. Dahil sa nababahala na ako sa pagpasok namin sa Station 2.
Nasa harap ako ng bungad ng Station 2, to be exact at kasama ko ang dalawang lalaki na tahimik na nakamasid sa bungad ng Station 2.
"Titingnan niyo na lang ba 'yan?" Tanong ko at nabaling sakin ang mga mata nila.
"Hindi, papasok tayo diyan sa oras na magbukas 'yan." sabi ni Adrian habang tinuturo ang bungad ng Station 2. May malaki kasing wall na nakaharang kahit na may dadaanan sa loob. Paano ko nalaman? Pumasok ako. Malaman niyo namang lumabas diba? O sige tama na nagmumukha na akong tanga.
d-_-b
"Wow! So seryoso? Makakalayas na ako dito?" Masiglang tanong ko.
"Hindi makakapunta ka pa lang dito." sarkastikong sabi niya. O edi wow.
d-_-b
Lumipas ang ilang minuto at nakita kong parami na rin ang lumalapit dito.
Nagugutom na ako. Dapat pala kumain muna ako.
dT_Tb
Wait... Teka lang... May pagkain ako sa backpack kong nakuha sa ilalim ng kama. Teka lang parang ang haba n'ong sinabi ko about sa bag ahh..
d-_-b
Umupo ako sa sahig hindi naman ata siya marumi kasi wala namang nagdadaan dito kanina pero para makasure pinagpag ko na rin.
d^_^b
Binuksan ko ang bag at nakakita ako d'on ng tinapay at isang lalagyanan ng tubig, syempre may laman 'yon.
d-_-b
Kinain ko na lang yung tinapay at iniabot kay Drake ang lalagyanan ng tubig. Hindi ko mabuksan ehh.
d-_-b
"Teka, saan mo nakuha 'yang bag na 'yan?" Takhang tanong ni Drake habang tumatabi sa akin at binubuksan ang lalagyanan ng tubig.
"Sa ilalim ng kama na tinutulugan ko... Bakit?" Tugon ko. Iniabot niya sa akin ang tubig.
"Thanks." sabi ko at kinuha 'yung tubig.
"Welcome," sagot nito. "Wala lang.... Wala kasi akong nakitang bag sa ilalim ng kama ko ehh." sabi ulit niya at hinawakan ang batok niya. Tiningnan ko lang siya at tumawa.
Tumayo na ako at sumunod naman siya. Lumapit ako kay Adrian na kasalukuyang nakatitig sa bungad ng Station 2.
"Makakapasok din tayo diyan kalma lang." natatawang sabi ko kahit walang nakakatawa.
"Ang tagal naman kasi," bulong niya at natawa lalo ako.
"Gan'on talaga! Matuto kang maghintay!" Sabi ko at tumawa.