Part 7 Unexpected

32 1 0
                                    

Kenu's POV

The day went by na halos walang ginagawa. Parang aksaya lang sa oras ang pagpasok ko ngayong araw. Since it's the first day, puro pagpapakilala, expectations at university's rules ang nangyari. I had two major classes in the morning and one minor subject in the afternoon. At dahil 4:00 pa sa hapon ang last subject ko ngayong araw ay napagpasyahan kong libutin muna itong buong university-- yan ay kung hindi ako tamarin.

" Kenu!"     It was Allysa Montereal, isa sa mga classmates ko sa Marketing. Pagpasok ko pa lang kanina sa subject namin, napansin ko na kaagad siya. Pa'no ba naman, nakaharang siya sa pinto habang nagmamayabang sa naging bakasyon niya.Una pa lang, ayaw ko na sa kanya. She's the bratty type, masyadong madaldal at masyadong mataas ang tingin sa sarili.

" You're vacant, right? Sama ka na lang sa'kin, libre kita,"  sabay abrisete sa braso ko. 

" Hindi na. May pupuntahan kasi ako. Salamat na lang." Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya, habang pasimple kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.  This is one of the reasons why I  don't like her. Nagpapakita agad ng motibo sa nagugustuhang lalaki. Kanina pa kasi niya pinipilit na tabi kami ng upuan, na sabay kaming maglunch. Nakakairita ang ugali niya. I am not the conservative type of guy, pero mas gusto ko ang mga babaeng tahimik lang.

" Eh, di ako na lang ang sasama sa'yo. Sa'n ba ang punta mo?,"  kontodo ngiting saad niya habang kinakawayan ang ilang babae sa kabilang building.

" Sa girlfriend ko. Sige ha,"   Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Nagmamadali akong naglalakad dahil alam kong kukulitin lang ako Lalo ng babaeng iyon.

" Napahiya tuloy. Buti nga sa kanya. Akala mo naman kung sinong kagandahan,"  narinig kong saad ng isa sa mga babaeng nadaanan ko di kalayuan sa amin ni Allysa.

" Oo nga! If I know, ipagyayabang na naman niyang super gwapo ang boyfriend niya samantalang siya lang naman ang nag-aassume," narinig kong tugon naman ng isa.

Seriously? College ba to or highschool? 

Paliko na sana ako sa isang pasilyo palabas ng building na iyon ng may mabunggo ako.

" Damn!," narinig ko ang mahina niyang pagmura.

" Sorry, Miss. My bad. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na talaga,"     Hindi na ako nag-abalang tingnan ang nakabunggo ko at dali-dali na lamang pinulot ang mga nakakalat na gamit niya sa sahig.

Nakarinig ako ng isang buntung-hininga at gayon na lang ang kaba ng dibdib ko.  Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang tingalain kung sino man ang may-ari nitong mga nakakalat na gamit. Naestatwa na naman ako. Isa lang naman ang nakakagawa sa akin nito.

" Oh my!!!!!!!!!!!!!!!  Tadhana na this!!!! "     Narinig ko ang isang impit na ingay sa may likod ko pero hindi pa rin nawawala ang epekto ng bunting-hiningang iyon sa akin. Natutuwa ako ng isipin na siya itong nasa harap ko ngayon pero bakit baligtad yata ang epekto niya sa katawan ko?  Nakakainis! Para akong babaeng hinarang ng crush niyang MVP sa basketball!!

" Tsss! Natulala ka na naman diyan. May balak ka bang tumayo at ibigay sa'kin ang mga gamit ko?" 

Napangiti ako sa tinuran niya. Siya nga! Siyang siya nga! Hindi ko maitago ang ngiti at saya ko habang tumatayo. Paano ko ba makakalimutan ang boses niya kung gabi-gabi ko siyang inaalala?

" Small world. Itinadhana talaga tayo," sabi ko sabay abot sa kanya ng mga gamit niya.

" Tsss!"

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now