KENU'S POV
Naghahanda na ako sa unang araw ng pasukan. Simula ng magkita kami ni Mavis sa club three weeks ago, hindi na ako bumalik at nagpakita pa sa kanya. I was hurt. But I won't give up. Alam kong may something sa pagitan naming dalawa. Ako man ang nagmamahal lang sa ngayon, but I know time will come na mamahalin rin niya ako---- iyan ang paniniwala ko..
Mavis is someone I cannot comprehend......
Pero sa kabila niyon ay patuloy pa rin ang hibang kong puso sa pagtibok para sa kanya. Para akong addict na nanghihina kapag hindi ko siya nakikita o nalalaman kung nasaan siya, and she's my drug.
Sa loob ng tatlong lingo, I found out her story------ her life...........
Pero parang may kulang pa rin. I know a secret about her--- her being a "recruit"...
But it didn't stop me from falling for her. Alam kong delikado. Very, very dangerous. But instead of feeling afraid, parang mas pinatindi pa niyon ang nararamdaman ko sa kanya. I admire her for being that strong, for being that woman. At alam kong may matinding dahilan kung paano at bakit siya naging "recruit". At iyan ang aalamin ko pa.
I admit, ang nangyari sa amin sa Australia ay bunga lang ng isang druga---- in short, it was pure lust......- nothing more...
Pero habang nagtatagal kaming magkasama, sa pagdaan ng mga oras ay unti-unti akong humanga sa kanya. Admiration then turned into fascination, hanggang sa naipangako ko sa sarili kong ako ang magiging kaligayahan niya......
Dahil noong sinasabi niya ang tungkol sa pagiging recruit niya ay hindi niya naitago sa akin ang lungkot at pait na meron siya. She gave me that feeling na parang magkarugtong kami. Dahil habang nagsasalita siya, bawat salita niya ay naiimagine ko ang mga nangyari at naramdaman ko ang bawat sakit na meron siya.
Hindi ko noon maintindihan kung bakit gayon na lang ang kaba ko habang yakap siya, habang hinahaplos ko ang maseselang balat niya, na para bang anumang sandali ay may mangyayari sa aming hindi ko magugustuhan. Hindi ko naman maipapaliwanag ang kaligayahan ko habang inaangkin ko siya. It was not my first time. Aminado akong playboy ako--- before I met her. I was a player.. At hindi ko ugaling magseryoso. Ang mga babae ang kusang lumalapit sa akin. Kaya hindi ako nagtataka noong una nang kusa siyang lumapit sa akin ng gabing iyon. I thought then she was just one of the girls I used to know. But I was wrong. Totally wrong.
She was simply amazing. Sa suot niya noong tight fitted jeans na kulay itim at puting tube na pinatungan lang niya ng itim rin na leather jacket, talagang hindi siya kaagad kapansin-pansin. Marahil dahil nakaitim siya at may kadiliman ang club na iyon, at medyo maluwang pa ang jacket niya sa kanya. But when you look at her closely, doon ka na mapapahanga sa mukha niya. She's wearing no make up, bagama't gayon ay lumutang ang natural niyang ganda. When I held her closer to me, I can tell how sexy she is. And it was like a magic spell. Something in me sparked and exploded. Hindi ko pa mapangalanan iyon noong una dahil akala ko, "aliw" lang rin ang hanap niya.
Hinding - hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Iyon ang isa sa pinakamahalagang gabi ng buhay ko.
Flashback : (When In Australia--Go back Chapter 1)
She kissed me!
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Most of the times, women initiate the first move.
It was not a light kiss, it was a demanding kiss. And she's not a good kisser for crying out loud! Iyon ang ikinabigla ko- hindi siya marunong! Pero dahil sa paraan ng pagkakahalik niya, na parang nanghihingi ng kapalit at naghihintay ng pagtugon,, nadadala ako...

YOU ARE READING
Invincible VS Vulnerable
Aksi" How can I be truly happy, When my own happiness kills me?" Destiny sure knows its role. Our paths crossed. It was as if a dream for both of us--- a bad dream perhaps... But when second chance made its move, HE, vulnerable may be-- consumes...