Part 10 Unknown Guy

15 1 0
                                    

Mavis' POV

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang tunog ng vibration sa side table.  Napapikit ako ulit nang pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang sinag ng araw. Hindi huminto ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ibabaw ng lamesa kaya kinapa ko na lang ito habang dahang-dahang iminulat ang aking mga mata. Nang mabasa ko ang pangalan ng tumatawag ay pinindot ko ang answer button upang sagutin ito.

" Good ---- "

" Mavis, san ka na ba?!  Maraming naghahanap sa'yo rito! May malaking problema sa Council! Kailangan ka na rito ngayon. Please! "

" Sam, will you please calm down? Tell me what happened."

Napatingin ako sa orasang nasa bedside table at nalaman kong alas nuwebe na pala ng umaga. Tinanghali ako ng gising dahil sa lalaking iyon. And speaking of him, nakita ko ang isang papel katabi ng orasan. Kinuha ko ito at binasa. 

       Babe/ Angel,

                          Maaga akong nagising kaya uuwi na muna ako. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. Kita na lang tayo sa school mamaya. Kapag hindi mo kayang pumasok ngayon, magpahinga ka na langd dito at babalikan kita matapos ang klase.  Dream of me.

                                                                                         Hugs and Kisses,                                                                                                                                                                                  Dashing Kenu Dashner

" Tss! Parang bata," naiusal ko nang mahina matapos kong basahin ang sulat.

" Hindi ako childish! Mavis naman eh! Seryoso nga kasi ako," reklamo ni Sam. Malamang narinig niya ang tinuran ko at inakalang para sa kanya ang iyon. Nakalimutan kong may kausap rin pala ako rito sa cellphone.  Isa pa, para rin talaga siyang bata. Masyadong exagerated kung makareact sa mga bagay-bagay. Kaya naman kapag sinabi niyang malaking problema, ibig sabihin non ay manageable lang naman . Pero dahil sa takbo ng utak niyang sobrang advance at komplikado, talagang lalaki ang problema. Sam is my assistant sa Student Council. Sa kanya dadaan ang mga papeles na dapat kung pagtuunan ng pansin. Kumbaga, siya ang screening committee ng mga proposed  projects na dapat kong aprubahan.  She's reliable in her duty, iyon nga lang pagiging panicky niya ang problema. But she can pull strings. Kaya nga hindi ko siya pinapalitan sa pwesto niya.

" Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Though, partly, meron ka rin non. "

" Urrgg! Pumasok ka na kasi rito at nang masolusyonan mo na ang problemang ito! Kaloka! Ang aga-aga eh, na-e-estres ako! Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi at hindi ka makabangon diyan? ha, babae?!"

" Tss! Ibaba ko na. Ang ingay mo," 

Paano naman kaya niya nalamang hindi pa ako bumabangon? Kahit kelan talaga, napabungangera ng babaeng iyon. Siya lang yata ang nasasabi ang lahat ng gusto niyang sabihin at hindi natatakot maski sa akin.  Parang masasabi na rin na siya ang pinakaclose ko sa university kahit hindi ko naman siya itinuturing na isang malapit na kaibigan.  Dahil hindi siya takot na sitahin ako sa mga ginagawa ko na hindi niya nagugustuhan ay inakala ng marami na siya ang bestfriend ko. Which is not true. Wala akong malapit na kaibigan . Not that I am unfriendly, sadyang hindi ko lang hinahayaang malapit ang sarili ko sa iba. I've had enough of it. At masasaktan lang sila.. Or maybe worse is, baka masaktan ko lang sila. 


Bumangon ako at tinungo ang pintuan ng bathroom, hindi alintana ang aking kahubdan.  Inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng silid bago ako tuluyang pumasok sa bathroom. Napabuntunghininga na lang ako nang maalala ang mga kaganapan kagabi.  Hinayaan kong bumuhos ang tubig at nanatiling nakatayo, dinadama ang bawat patak ng tubig mula sa shower.  Sa nangyari kagabi, alam kong binigyan ko na naman siya ng pag-asa.  But it was for nothing. Babawiin ko rin ang katiting na pag-asang iyon sa kanya.  Hindi siya pwede sa buhay sa ko. Mas lalong hindi pwedeng ako ang sumuko. 

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now