Part 21- I'll die protecting him.

8 1 0
                                    


Mavis

" Bumalik ka sa table mo!"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang sinabi ang linyang iyan kay K.  Mula ng dumating kami ni Kenu at ipakilala sila ay naging makulit na ito at pinagtripan pa ako.  Akala marahil nito ay maiinis si Kenu sa presensiya niya. Well,  as I can see it,  mukhang nagpipigil lang din itong isa.  Marahil ay takot siya kay K dahil alam niyang isa rin itong recruit.

"Alam mo gorgeous,  pwede na tayong umuwi.  And since magkalapit lang ang bahay natin,  at wala na akong trabaho, makikituloy na lang ako sa inyo. Para tayong nagli-live in. Exciting! " parang batang saad na naman nito.

Sinubukan niyang umakbay sa akin pero mabilis si Kenu at naunahang kabigin ako palapit sa kanya at hindi na binitiwan pa.  Napapikit na lang ako sa inis.

Tiningnan ko si C na waring nanghihingi ng saklolo ngunit ngumisi lang ito and mouthed "Goodluck"..

"Hinihintay ka na ng date mo. Naiinip na yon ngayon, ewan ka pa, " kalmadong tugon ni Kenu ngunit halata talaga sa boses nito ang pagtitimpi.

Humalakhak ng malakas si K habang tinuro-turo pa si C sa kabilang mesa na napapakunot-noo na lang.

" Date??  hahahhaahha...  Iyang babaeng iyan? "  tawa pa rin ito ng tawa habang nakaturo pa rin kay C.  Lalong nagsalubong ang kilay ni C at matalim ang tingin na ipinupukol kay K.

"Alam mo ba pare iyang sinasabi mo?  Iyang si Cicilia,  hahaaha,  hindi ko papatulan yan," nakangising dagdag nito at bumaling sa akin. " Baka itong si gorgeous,  pwede pa."

Naihilamos ko ang isang palad sa mukha ko ng kindatan pa ako ng gago.  Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Kenu sa beywang ko. Pasimple ko siyang tiningnan at nakita ko ang pagdilim ng mukha niya,kasabay ng paggalaw ng panga niya.

"Kaichiro,  isa pa at ako ang magbabalik sa'yo sa mesa mo."

Sa tono ng boses ko ay dagling nawala ang ngisi ni K. Nakita kong napalunok ito at sumeryoso.  He cleared his throat and put up a fake innocent smile.

" Eto naman hindi mabiro. Syempre joke lang iyon."

" Hmmm.  Joke."

" Aaahh..  Heehe..  S-sige balik na ko sa mesa ko. Naiinip na si Cecilia my labs. Nice to meet you Kenu.  Joke lang iyong kanina ah! Huwag mong awayin si gorgeous..  Ahyy!  I mean si Mavis pala. Bye!  "

Dali-dali itong bumalik sa tabi ni C na kamot-kamot ang ulo. 

" Pssh!  Isip-bata talaga," mahina kong saad.

" Malapit na akong mapuno don. Naupakan ko na dapat, " si Kenu.

Tumingin ako sa kanya na nakaismid.

" Baka nakakalimutan mong hindi siya basta-basta lang? "

" Kahit na mabugbog ako,  basta makatama lang ako ng isang beses,  ayos na sa akin. "

" Baka hindi ka pa nakakalapit sa kanya,  tulog ka na, " tumatawang saad ko sabay kuha ng basong may lamang vodka.

" Ganun siya kagaling?" parang hindi naniniwalang tanong niya sa akin.

" Oo.  Pero mas magaling ako kaya sa akin ka bumilib, " nakangisi kong saad. 

" Matagal na akong bilib na bilib  sa'yo. Ikaw nga itong walang bilib sa akin eh, " pagmamaktol niya.  Isa pa itong isip-bata.

" Matampuhin ka pala, " tukso ko pa.

" Ayaw mo kasing ako ang magmaneho.  Pero nung may humahabol sa atin,  pinayagan mo ako. Ano yon?  " dagdag pa niya na nagpatawa sa akin.

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now