Part 18 "Your Love Puts Me at the Top of the World"

17 1 0
                                    


Mavis

I saw him talking to someone over the fone..  Probably his mom. I looked at him through the open glass door na nagkokonekta sa kwarto at veranda.  He is geniunely happy. It is evident in his smiles.  And I do not know if I'll be able to keep that smile longer. 
Napabuntunghininga na naman ako.  Ewan ko ba. Kung niloloko ko man siya,  mas niloloko ko naman siguro ang sarili ko.  I knew myself better than anyone does,  but when it comes to him,  parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang hindi ko na kayang panindigan ang mga desisyon ko.  And it only proves one thing,  I am screwed! Sinabi ko na noon na lalayuan ko na siya, at tatapusin ko na ang anumang meron sa amin.  Pero sa nangyayari ngayon,  mukhang malabo nang mangyari iyon.
'Napasubo na yata ako sa'yo, Kenu. '

Nang lumingon siya at bigyan ako nang isang matamis na ngiti ay hindi ko napigilang suklian siyang isang simpleng ngiti. Natulala pa ang loko at nakaawang lang ang bibig na nakatingin sa akin.  Seconds passed bago siya ngumiti ulit at tinawid ang pagitan namin. 

"Tapos ka na ba?  Wala ka nang ibang kailangan? "

Umiling ako.  Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa mukha niya dahil sa kakaibang sayang makikita sa buong mukha niya. 

"May problema ba? "

Umiling ako ulit at tipid na ngumiti.  I can see confusion in his eyes.
Hinapit ko siya palapit at walang sabisabing hinalikan siya.  Nagitla pa siya sa simula at hindi nakakilos ngunit di kalaunan ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at mapusok na tinugon ang galaw ng labi ko.  Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mga palad niya sa katawan ko.  Hindi ko man masabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko,  kahit sa halik na ito ay maipabatid kong mahalaga rin siya sa akin.  Dumausdos ang isa niyang palad sa bandang pang-upo ko and I moaned. He squeezed it in response at dahan-dahang iginiya ako paatras sa kung saan.  I know where this is heading kaya bago pa man kami umabot sa puntong iyon ay huminto ako na ikinasimangot niya.
Natawa ako sa expression ng mukha niya.

"Tch!  pinagtatawanan mo ako, " nakangusong saad niya.

Pinitik ko ang ilong niya and gave him a smack on the lips.

"What wast that for? "

" Ang cute mo kasi. Para kang bata, "Natatawang sagot ko.

"Hindi.. I'm referring to the kiss, "

" Hindi na ba kita pwedeng halikan ngayon? "

Nakita ko ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata.  Iba na naman ang iniisip nito. 

"Alam mo bang araw-araw kong hinihiling yan? Hahahahahahha, "

Para talaga siyang sira. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at umupo sa dulo ng kama.  Nakabusangot naman siyang sumunod. Ngunit bigla ring napangiti at hinila ako upang sabay kaming mahiga. 

"Ang bango mo na babe, " nakapikit niyang sabi.

"Parang may kakaiba sa halik mo, "  patuloy niya. Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

"Pa'nong kakaiba? "  balewalang tanong ko.

"Para kasing may ibang sangkap, hehehe"

"Psh! Ano ako!  kusinera? "

"Hahahahaahaa! Pwede.  Pero kahit hindi ka na magluto,  mabubusog na ako kakatingin at kakahalik a iyo,eh!"   tumawa na naman siya. .

" Ewan ko sa'yo, " akmang tatayo ako dahil naagaw ng pansin ko ang kakaibang liwanag sa labas ng veranda ngunit hinigpitan niya ang yakap sa akin tinodo akong ikinulong sa mga bisig niya. 

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now