Part 14 That Night

18 2 0
                                    

~ Kenu~


Napapasipol ako habang nagmamaneho ng sasakyan. It's Monday today at paniguradong maganda ang  magiging simula ng linggong ito.

It's almost 1 pm. Hindi ako nakapasok kaninang umaga dahil tinanghali ako ng gising. Madaling araw na kasi akong nakatulog dahil binisita ako ng aking anghel.. 

I smiled at the thought. Simula noong insidente sa FEEL Yah! ay nagkalapit pa kasi kami lalo.

FLASHBACK:

Naninigas ang buo kong kalamnan nang mapagtantong tao itong nasandalan ko. Nang maramdaman ko ang kilos nito ay halos maputol na ang aking hininga dahil sa tensyong nararamdaman.

" Kenu?"  I heard a call, at mas dumoble pa yata ang size ng mata ko nang marinig ko ang boses  niya. Hindi pa rin ako nakakilos at nanatiling nasa tatlong ugok ang paningin ko.

" What the hell are you still doing here?" 

Humarap ako sa kanya sa sandaling iyon at napaatras lang din ng bahagya dahil kaunting kaunti na lang at magkakahalikan na kami. Her right hand is holding a gun, while her left hand is holding a walkie-talkie, pero parang maliit lang.

" Mavis," iyon lang ang naiusal ko habang nakatitig sa ayos niya. She's wearing a tight black jeans, white sando at pinatungan ng black leather jacket na nakabukas. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita. Ito rin ang get-up niya dati saAustralia. Mayroon lang siyang suot ngayong gloves sa dalawang kamay, at high-cut shoes na may heels ang pares niya doon. Hindi ko na maalala ang suot niyang sapatos noong unang kita namin.

" George, clear the area right away. may civilians pang natitira rito sa loob," saad niya doon sa walki-talkie. I didn't hear a word from the guy she's talking to.

Nabaling naman ang atensyon ko sa tatlong ugok nang mapa-aray si Raizel. Gayundin si Mavis.

" An0ng nangyayari? May tama ka ba?" kalmadong tanong ni Mavis sa kanya, pero ,may pag-aalala. Medyo humupa na rin ang putukan. Nasa labas na ngayon ang naglalaban-laban.

" A-ah.. A-ano...T-tumama lang ang ulo ko rito, hhehe," alanganing saad ni Raizel habang nakatingin kay Mavis, paticularly sa right hand nitong bitbit ang baril. Nakita ko pang napalunok ito habang nakatingin doon.

" What the! Akala ko napano ka na," Cyril.

" Katangahan mo Rai," Gyle sabay batok rito at napa-aray na naman.

" Why are you guys still here? Sumabay na sana kayong umalis sa ibang costumers nang magsimula ang gulo." pukaw ni Mavis sa amin.

" Easy for you to say," hindi ko napigilang sabihin. Kung katulad lang sana kami sa kanya, madali lang. Mas delikado kaya ang makipagdutdutan sa mga costumers na nagpapanic kesa sa magtago na lang.

" Takot kasi si Kenu na makipagsiksikan," sabat ni Cyril.

" What's really happening? Bakit may barilan? And you're even holding a gun?" usyoso ni Gyle.

Hindi siya sinagot ni Mavis. Tumayo ito at inilibot ang mga mata sa paligid. Sinunod ko ang ginawa niya, only to be shocked nang makitang may iilan talagang taong nakahandusay sa sahig, duguan at parang mga walang buhay lahat.

" A- are they dead?" nahihintakutang taning Raizel.

" Most probably," sagot ni Cyril sa kanya.Nakalabas na rin pala sila sa ilalim ng mesang pinagtataguan namin.

Doon naman pumasok ang ilang kalalakihang may daladala ring mga baril. Namumukhaan ko ang ilan sa kanila-- mga waiters at bartenders rito, at ang dalawang may malalaking katawan ay mga bouncers.

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now