Someone's POV
It should have been me whom you are with right now. It should have been me whom you're clinging to. It should have been me who's kissing you, hugging you and comforting you. For I have been loving you this long.
I was there when you were born. I was there when your parents got separated. I was there when your mother left you. I was with you in that orphanage where you grew up. I am your knight without an armor when mean kids bullied you. I was the one who sent you foods when you were put in detention by Mother Jessica because you broke her favorite glass unintentionally.
Kung nasaan ka, nandoon ako. Ako ang nagsilbi mong anino na hindi mo kailanman naramdaman. Alam ko ang bawat yugto ng buhay mo. Alam ko ang bawat takbo nito, kung saan ka nagmula, kung saan ka ngayon at ako ang magiging gabay mo kung saan ka patutungo.
I never knew that my mission of protecting you will result of me, falling deeply attached, deeply devoted and deeply in love with you. ]
Tinulungan kitang makita mo ang daan palabas ng orphanage. Sinamahan kitang maglakbay palabas niyon, at tanaw kita habang masayang nakikipagkwentuhan sa iba. Hanggang sa kunin ka nila. Hindi kita nakasama ng matagal. Nalungkot ako dahil sa tagal na kitang kilala, sa tagal na kitang pinoprotektahan, lahat ng iyon ay naging walang silbi.. Dahil ang lahat ng ginawa ko ay lihim. Isang lihim na hindi maaring malaman mo. At nanghihinayang ako.
Kaya nang sumama ka sa kanila, ginawa ko lahat upang masundan ka. Kahit gaano kahirap, nagawa kong sundan ka. Ngunit huli na. Umibig ka sa kanya- kay Louis. Pero kahit na ganun, kahit huli na akong makuha ang atensyon mo, nanatili pa rin akong anino mo. Dahil iyon ang nais ko-- ang makita ka, masilayan ang maganda mong mukha. Noong may nangyari sa pamilyang kumupkop sa iyo, hindi si Louis ang nagligtas sa iyo-- kundi ako! Pero dahil nga anino mo lang ako, hindi mo alam.
Nang naging recruit ka, naging recruit rin ako. Pero dahil nga duwag ako pagdating sa iyo, nanatili lang akong nasa dilim at nakatago, pinoprotektahan ka sa abot ng makakaya ko.
Hindi mo alam, ako lang ang totoong nagmamahal sa iyo. Nang iwan ka ni Louis, nandon ako. Ngunit hindi ko magawang magpakilala.. Hindi ko magawang magpakita.. Hindi ko magawa... dahil hindi iyon ang tama...
Ngayon ay nakikita na naman kitang masaya. Masaya ako para sa iyo.. Ngunit sobrang sakit naman ng aking puso. Dahil gustuhin ko mang ako ang maging dahilan ng mga ngiti mo, hindi naman iyon mangyayari. Coz I was born to be just your shadow.
Pero kahit ganun pa man, sana, balang-araw, darating ang panahon na maging ako naman. Na sana, kahit sandali lang, maramdaman mong nandito ako. Na sana, kahit isang saglit lang, makita mong may isang AKO na nagmamahal sa iyo ng lubusan.
Sana, bago pa man maging huli ang lahat. Bago pa man maging anino mo lang ako ng tuluyan.
" It should have been me that you love, Mavis."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mavis'
" Lumaban ka! Ano't wala kang binatbat ngayon? Hah! Puro ka lang iwas! Papano ka mananatili sa pwesto mo niyan?"
Kung alam ko lang na mangyayari to ngayong araw, sana hindi na lang ako pumasok at hinayaang magkagulo ang paaralang ito. Parang nawalan ako ng ganang gampanan pa ang tungkulin ko bilang Presidente ng SSC dahil sa rami ng problemang kinakaharap ng paaralan. Mag-aaral lang naman ako, for fuck's sake!
YOU ARE READING
Invincible VS Vulnerable
Acción" How can I be truly happy, When my own happiness kills me?" Destiny sure knows its role. Our paths crossed. It was as if a dream for both of us--- a bad dream perhaps... But when second chance made its move, HE, vulnerable may be-- consumes...