Part 23 -- Stepping Down

12 1 0
                                    


Mavis

" Bakit nga ulit ako pumayag na makipag-usap sa'yo?"  natatangang tanong ko kay Zenrei.

We're here at a coffee shop,not far away from the university. Nagkasalubong kasi kami kanina, or more like, sinadya niyang makasalubong ako upang 'piliting' makipag-usap sa kanya tungkol aa presidency ko sa supreme body na gusto niyang makuha.

"Dahil interesado ka rin aa proposal ko," balewalang sagot nito.

" Paano nakatutulong ang pagbaba ko sa pwesto, na papalitan mo, sa nangyayaring pag-aalsa ngayon na kagagawan mo rin naman?" madiing tanong ko sa kanya.

I earned a low chuckle from him na lalong nagpangitngit sa akin. He is so irititating na ang sarap na niyang tirisin at itapon sa Pacific Ocean but I cannot deny the fact na mayroong part sa akin na nagdadalawang isip na saktan siya --physically.. Aaminin kong ang gaan ng loob ko sa kanya, kahit nakakairita ang porma at pananalita niya. And yes, I find him trustworthy despite the fact na hindi ko naman siya gaanong kilala. I did my research on him, but found only the basic informations. Kung may pagdududa man ako sa kanya, malaki ang porsyento ng tiwala. And I guess I could take the risk.

" Trust your judgement. Kahit minsan, hindi ka nagkamali sa desisyon mo. At iyan ang hinahangaan ko sa'yo," nakangiti ngunit seryosong tugon nito.

" Paano mo nasabi?" takang tanong ko pa.

" I told you, I've been here and there. Alam ko lahat, Mavis. But rest assured, hindi ako kalaban," madiing sagot niya.

" Paano mo mapapatunayan iyan? Hindi ako makahanap ng anumang sign na kakampi kita. And a stranger to me is always the enemy," bali ko.

" I don't believe you. Sinabi ko na sa iyo, kilalang-kilala kita," matiim niyang sabi.

" You're creepy. Kaya nga mas lalong kadudaduda. Kung noon pa ay sinusubaybayan mo na ako, ibig sabihin, isa ka sa nakakaalam ng pagkatao ko. At malamang, isa ka sa dahilan kung bakit ako lumaki sa ampunan. Kaya kailangan kitang ituring na kalaban," mahabang sagot ko.

I saw him flinched nang sabihin kong isa siya sa rason kung bakit ako lumaki sa ampunan. Kung ganon ay baka nga totoo ang hinuha ko, or guilt is eating him up at ngayon ay bumabawi siya. Either way, kailangan kong maging handa sa kung anuman ang totoong ugnayan naming dalawa.

" Your past is hunting you down,Mavis. Kaya kailangan mong bumaba muna sa trono mo at hayaang ako ang maging shield mo," seryoso nitong sagot.

Kinabahan ako bigla sa narinig.

" Why? Sino ba ako?"  i asked, challenging him to answer mw honestly.

" Sign the papers, and let me take over the presidency. That way, wala nang hahamon sa'yo sa anumang laban. I will be doing that for your favor," pag-iiba nito aa usapan.

" I know how to put a fight. Kung totoong kilala mo ako, alam mo ang kakayahan ko," matigas kong tugon.

" Alam ko. Pero kapag nagmatigas ka sa pagbaba sa pwesto, malalaman ng Board ang tungkol sa Agency. Would you want that?" mapanghamong tanong niya.

Zenrei is telling the truth. Kahit anong pag-aanalisang gawin ko, pabor sa akin at sa agency ang pagbitiw ko sa presidency. Kung ganon ay alam niya ang totoo. Gaano ba siya kaimpluwensya at alam niya lahat? Nakakainis!  Ayokong nahuhuli sa anupaman.

" Are you Shadow?" biglang tanong ko.

He moves like Shadow, talks like Shadow, at ang kakayahan niyang malaman ang lahat ay maihahalintulad kay Shadow. Hindi malabong siya nga iyon, lalo nat kilala si Shadow bilang Z sa agency.

Narinig ko ang malutong niyang tawa na humakot ng atensyon sa ibang customers.

" Sinasabi ko na nga ba't itatanong mo iyan. And no, I am not him. But I am close to him, just like how closw I am to you," nakangising saad niya.

Lalo lang akong naguluhan sa mga pinagsasasabi niya. Una, kailangan kong pag-aralan ang tungkol sa presidency. Pangalawa, ang tungkol sa tunay kong pagkatao na wala na sana akong planong alamin pa ngunit mukhang kinakailangan kong maghalungkat ng impormasyon tungkol sa pinagmulan upang masagot ko ang mga tanong na gumugulo sa akin. Pangatlo, kung ano nang nangyayari sa loob ng agency mula ng ibigay ni A ang code zero.

" Nilalansi mo ako sa mga patutsada mo. If I know, you are a selfish jerk. Ikaw lang naman ang may pakana ng lahat ng ito. Bago ka dumating,walang gulo rito ," akusa ko pa.

" Bago ako dumating, nakaplano na ang mga kalaban mo kung paano ka pababagsakin. I came right in time to your rescue," sagot nito.

" Yeah, right! My faceless nemesis. Fuck them all! " sarkastiko kong saad.

" I ask you to please trust me on this one. Hindi magtatagal ay malalaman mo rin ang lahat. I am clearing the path for you. Let me do my job........




































    ....  Princess..."

------ THE END------










































.. joke lang 😂😂

Matagal akong nakapag update dahil soooooooooobrang nadrain ang brain cells ko dami ng works at iba pang alalahanin...

May the words be with me nang maipagpatuloy ko po ito. I want to complete this story so I could focus on my other stories, but I can't seem to just stop.

More chapters to go!! Goodluck to me!! 🙏🙏😁

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now