Mavis' POV
A month has passed. It was one reckless move. Pero nakakatawang isipin na walang bahid na pagsisi tungkol sa nangyari ang naramdaman ko. In fact, it felt really good na maski sa pagtulog ko ay napapanaginipan ko pa minsan. It was like a dream for me, na pilit kong kinakalimutan. Dahil masyadong komplikado. At ayokong maging totoo iyon. Takot ako sa maaring kahihinatnan kung gagawin kong makatotohanan iyong nangyari. Kaya pagkatapos nang may mangyari sa amin ay iniwan ko siya ng walang kahit na anong bakas. Upang hindi na siya magtanong at maghanap. Upang isipin rin niya na baka panaginip lang din ang lahat. Na maibabaon niya rin iyon sa limot, at tuluyan na kaming hindi na pagtagpuin ng tadhana. Pero kahit noong gabing iyon, parang nakikinita ko na ang maaari niyang gawin. He is so predictable. Dahil masyado siyang totoo. At iyon ang mas ikinakatakot ko. Naisip ko na rin iyon na hahanapin niya ako at tatanungin. Pero hindi ko naisip na ganito kaaga. At ditto pa mismo sa lugar na ito na kung tutuusin ay sobrang layo naman ng pingangyarihan ng unang pagkikita namin. Sobrang nanadya talaga ang tadhana. O, itinadhana nga ba talaga?
Noon pa man, ramdam ko na siya. At nang mangyari ang hindi dapat mangyari ay naramdaman ko siya- ang lahat sa kanya. Ramdam ko ang katotohanan ng nararamdaman niya. At natatakot ako doon. Dahil ayokong maramdaman iyon. Sa loob ng halos tatlong taon, I lived not to feel what is real. Itinuturing ko ang lahat bilang isang panaginip. At magigising rin ako. Kung hindi man ako, ay baka siya. Masyadong komplikado ang buhay ko at kapag sumugal ako sa katotohanang ipinadama niya sa akin ay sumabog ang mundo ko at hinding-hindi ko na iyon mabubuo pang muli.
Sa isang gabing pagkakamali ko ay parang nabago ang lahat. Ang lahat ng nakasanayan ko ay parang kinatamaran ko ng gawin. Hinahanap-hanap ko ang karugtong na maaaring mangyari sa ammin pagkatapos ng gabing iyon. Pero hindi pwede. Sadyang hindi pwede.
Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pintuan. This room is intended only for me. Pag-aari ko ang club na ito. Pero iilan lang nakakaalam nito. I love singing and dancing at the same time. Pero dahil sa pagiging recruit ko ay hindi ko iyon natutuunan ng pansin. Kaya naisip kong magtayo ng isang club kung saan pwede akong magperform kung kailan ko lang gusto. Ibang mga performers sa club na ito ay diretso sa ibaba ng stage dahil doon ang daan para sa mga rooms nila.
Nakakunot ang noong humarap ako sa nagbukas ng pinto. I know hindi ito isa sa mga empleyado dahil tumatawag muna ang mga ito bago pumasok. Baka costumer na naman. Minsan na kasi akong pinasok ditto dahil nakalimutan ko na "namang" ilock ang pinto.
Gayon na lang ang gulat ko nang Makita SIYA sa harap ko. Our eyes locked, and once again, parang nalulunod na naman ako sa mga mata niya. His eyes are promises na hinding hindi mababali. It speaks of truth and clarity. Kaya napakadali niyang basahin. And I don't know why it pained me knowing that I see it in his eyes that he is hurting.
Nagbitaw ako akong isang malalim na bunting-hininga and gave him a quick smile.
" Hi.....", pabulong kong saad.
"Hi," sagot niya. I know he has a lot to tell, to ask...At ayon na naman ang feeling na parang inaanod na naman ako sa mga damdaming nakikita ko sa mga mata niya.
I looked away, trying to find something else to say. To ease the tension that's building within me, or between us. Hindi ko makakayanang titigan siya dahil ngayon, inaamin ko na kinasabikan ko ang mga titig na iyon, at ayokong ipagkanulo ang aking sarili.
" Can I have a favor?," tanong niya na nagpabalik ng tingin ko sa kanya. Parang binomba naman ang dibdib ko sa kaba nang maalala ang mga katagang iyon.
" What?" ---- ako
" Can you take me with you?" At nagsimula na ang pagsabog!!! Anong akala niya? Na-amnesia ako at nakalimutan ko ang nangyari?
YOU ARE READING
Invincible VS Vulnerable
Acción" How can I be truly happy, When my own happiness kills me?" Destiny sure knows its role. Our paths crossed. It was as if a dream for both of us--- a bad dream perhaps... But when second chance made its move, HE, vulnerable may be-- consumes...